Chapter Twenty Six

837K 15.4K 705
                                    


 INAASAHAN ni Kira na tatawag sa kanya si Callan ng gabing 'yon. Halos buong araw na hindi siya nakakatanggap kahit isang text mula sa binata. Nagsisimula na siyang mainis. Gaano ba ito kabusy at kahit makagawa man lang ng maikling text message ay hindi nito magawa?

Pagkatapos niyang kumain ay nagtungo siya sa harap ng TV at nanood na lang ng horror movie sa Thrill. Pinipilit na lang niyang aliwin ang sarili para maiwasang isipin si Callan. Ngunit hindi na siya nakatiis.

Nang dumating ang alas nuebe at hindi pa ito tumatawag sa kanya. Siya na ang nagkusang tumawag dito. Pero gayon na lang ang pagkadismaya niya ng hindi niya ito ma-reached.

Letse! Nagpunta lang ito sa Cam Sur para sa operation ng team nito, hindi na niya ito ma-reach?! Ngali-ngali niyang maibato ang hawak na cellphone. Kung hindi lang 'yon mamahalin, baka napuruhan na niya.

Inis na pinatay na lang niya ang TV, pagkatapos ay umakyat na patungo sa silid niya. Itutulog na lang niya ang nararamdaman na inis. Hindi niya alam kung anong nangyari sa kanya. Bigla-bigla ay parang nainis siya na hindi tumatawag si Callan sa kanya. Kung umakto siya ay dinaig pa niya ang maybahay na hindi inuuwian ng asawa.

She couldn't deny the fact that she missed him. Dalawang araw pa lang niya itong hindi nakikita. Ngunit parang isang linggo na itong nawawala sa paningin niya. Hindi siya sanay na hindi nakikita si Callan.

Syempre, halos buong buhay niya itong naging kapitbahay.

Naging kasambahay ang ina niya sa bahay ng mga magulang nito mula noong elementary hanggang kolehiyo siya. Araw-araw niyang nakikita si Callan at dinaig pa nila ang aso't pusa sa tuwing magkikita. Mabuti na nga lang ay nanatiling lihim sa mga magulang nila ang madalas na pagbabangayan nila.

Pero nagtataka siya. Bakit pa ito lumipat ng bahay? Hindi naman ito sa tapat ng bahay niya talaga nakatira noon. Noong mabili niya 'yong bahay na tinitirahan niya 'yon, kasabay din niya na lumipat si Callan.


Malinaw at detalyado pa rin alaala niya 'yong araw na nalaman niya na magiging kapitbahay na naman niya ang lalaki...

 "Anong ginagawa mo d'yan?" bulalas ni Kira nang makita niya si Callan sa tapat ng bahay niya. 

Nililinisan nito ang nakaparadang kotse sa harap ng isang bagong bahay. Naka-sando at basektball shorts ang lalaki at hindi niya niya maiwasang pasadahan ng tingin ang perpektong hulma ng katawan nito.

"Hi, Kira." matamis ang ngiti na bati nito sa kanya. Nagsalubong ang kilay niya.

"Don't tell me d'yan ka na nakatira?"

Tumango ito at muntikan na malaglag ang panga niya. Paanong nangyari 'yon? Ang buong akala niya ay may condo unit na itong nabili. Iyon ang narinig niya sa kanyang ina. Pero bakit bumili pa ito ng panibagong bahay? Hindi makapaniwalang napatitig siya sa lalaki.

"Kira naman, alam kong matagal ka nang gwapong-gwapo sa akin. Huwag mo naman ipahalata."

"Heh! Hindi kita tinititigan 'no!"

"Kung ganoon, bakit hindi maalis ang tingin mo sa mukha ko?" nanunuksong sabi nito.

"Hindi lang ako makapaniwala na magiging kapitbahay na naman kita."

"Ah, hindi ka makapaniwala na araw-araw mo na naman masisilayan ang kagwapuhan ko?"

Sinamaan niya ito ng tingin. Ngunit tinawanan lang siya ni Callan. Kung ibang lalaki ito, nakakatiyak siya na hindi siya nito mabibiro pa sa talim ng tingin na ipinupukol niya dito.

"Hindi lang ako makapaniwala na araw-araw na naman akong mabubuwisit sa pagmumukha mo 'no." Itinigil nito ang paglilinis sa kotse at hinarap siya.

"Sus. Bakit hindi mo na lang kaya aminin na matagal ka ng may pagnanasa sa akin?" Pagsabi niyon ay bigla na lamang nitong hinubad ang damit, dahilan para tumambad sa kanya ang matipunong katawan nito na tinitilian ng maraming babae sa kanilang lugar! 

Namilog ang mata niya.

"Walanghiya ka talaga!" Ngali-ngali siyang kumuha ng bato para batuhin ito. "Alam mo kahit na maghubad ka pa d'yan, hinding-hindi ako magnanasa sa 'yong eps ka!"

"Talaga? Tingnan nga natin." At sinubukan naman nitong ibaba ang suot nitong basketball shorts. 

Doon na siya napatakbo sa loob ng bahay niya habang isinisigaw ang pagkainis dito.


HINDI mapigilan ni Kira ang pagsilay ng ngiti sa labi niya habang inaalala ang eksenang 'yon. Sa dinami-dami ng mga alaala ni Kira sa isip niya, ang mga eksena na kasama niya si Callan ang halos hindi niya makalimutan. Pagdating sa binata, laging detalyado at malinaw pa rin ang mga alaala niya dito.

Mula noon hanggang ngayon, hindi pa rin nabago ang ugali nito. Maloko pa rin ang lalaki. Ngunit kaya na naman niyang tanggapin 'yon. Hindi naman ito tulad ng ibang lalaki, eh. Si Callan ay nag-mature sa pagdaan ng panahon. Mula sa pisikal na anyo nito hanggang sa paraan nito ng paghahandle ng mga malalaking bagay.

Kung immature ba ito, magiging isang mahusay na pulis ba ito at isang matagumpay na negosyante? Sa tingin niya ay hindi.

Pero naiinis pa rin siya sa hindi pagte-text nito sa kanya ngayon. She wanted to know if he's just okay. Sa klase ng trabaho nito, posible na mapahamak ito. Hindi niya gustong isipin na may mangyayaring masama sa binata.

Napalitan ng pag-aalala ang inis na kanina'y nararamdaman niya. Maisip pa lang niya na napahamak na ito sa operasyon ng team nito, parang nilulukob na ng lamig ang katawan niya.

Tahimik na nanalangin si Kira.

Oh, God. Please.. Huwag naman po sana.

Sa labis na pag-aalala ng dalaga, hindi niya namalayan na unti-unti siyang hinila ng antok hanggang sa makatulog siya. Hindi niya alam kung anong oras iyon ng maalimpungatan siya; kung gabi pa ba o mag-uumaga na.

Basta nagising siya na parang may mainit na palad ang humahaplos sa binti niya.

Ganoon na lang ang paggapang ng kilabot sa katawan niya nang mapagtanto na may nanloob sa bahay niya!

Owning Her Innocence (R-18)Where stories live. Discover now