35

193 10 0
                                    

"Umayos kayong dalawa. Papatayin ko talaga kayo kapag may ginawa kayong hindi maganda, sisiguraduhon ko iyan. Ayosin niyo lang talaga." Paalala ko ulit sa dalawa, kay Helda at Heleen. Sinama ko sila dahil nga 'pamilya' ang isasama.

Kasama ko rin si Heaven, kita ko na ang saya-saya na ni Thrizorr ngayon. Kagabi ay pumunta sila Tita Teimhs sa bahay ni Daddy. Nag-usap-usap kami tungkol sa pagkamatay 'daw' si Heaven. Kiniwento niya naman ang nangyari sa kaniya noon.

May humahabol daw sa kaniya noon. Then, napunta sila sa gilid ng bangin. Wala na siyang mapupuntahan nun dahil nacorner na siya ng mga humahabol sa kaniya. Marami raw ang humahabol sa kaniya nun at may dala pang baril. Kaya wala na siyang nagawa kung hindi ang pumunta mg pumunta sa pinakagilid ng bangin at bigla na lang siyang binangga ng mga kalaban niya kaya nalaglag ang kotse niya. Pero bago pa raw sumabog ang kotse ay nakakapit siya sa isang sanga kaya hindi siya nasama sa pagsabog. Pinaulanan pa ng bala ang tubig na kinalaglagan ng kotse para masiguradong patay na siya. Nang mawala na raw yung mga kalaban ay tyempong naputol ang sanga at nalaglag siya sa tubig. Nawalan na raw siya ng malay pagkatapos nun at nagising na lang sa isang malayong baryo. Punong-puno ng galos at may sugat sa ulo ito dahil sa mga matatalim na bato ng anurin siya.

"Hey, are you okay?" Napatingin naman ako sa katabi ko saka ngumiti.

"Oo naman. Bakit hindi ka pa natutulog? Mahaba-haba raw ang biyahe papuntang Cebu." Natutulog na ang iba. Ang iba naman ay nagkukwentuhan lang.

"I'm not sleepy. You know, I'm happy rightnow."

"Bakit naman?"

"First, dahil kasama kita. Second, nalaman naming buhay si Heaven. Third, I'm happy dahil nakita mo na yung Daddy mo. Fourth, because I love you." Natawa naman ako.

"Try again."

"You don't love me, Poop? You don't love me, huh? You don't love me? Baby, don't you---"

"I do love you too." Natigil naman ito at nagugulat na tumingin saakin. Nanlalaki ang mata at nakanganga. Natawa naman ako saka nahiga sa balikat niya.

"W-What?"

"Huh? May sinasabi ba ako?" Pinigil ko ang tawa at kunyaring nagulat ng magtanong siya.

"Baby, you say you love me diba, diba? You love me right? Right? I hear it. You say that you love me. Don't deny it. Baby?" Natawa naman ako sa kakyutan niya.

"Hmm." Nahiga na ulit ako sa balikat niya.

"Yes! I knew it! Baby you know, I love you, I love you, I love you and I will love you until my last breath. Only you." Bulong nito saka hinalikan ako sa pisngi.

Isang malaking bus ang sinasakyan namin na pag-aari ni Daddy. Kaya medyo malayo ang iba saamin.

"Nakakarami ka na ng halik ah." Saad ko saka tumingin sa kaniya pero agad nitong tinakpan ang banda sa dibdib ko. "Oh, thanks."

"I really like to kiss you. Baby, you're so sexy rightnow." Nakangusong saad nito.

"Hmm."

"You're beautiful too."

"Hmm."

"And you know, I want you to be my bride."

"Hmm."

"And I love you."

"Tama na. Kinikilig na ako putek." Tinampal ko ng mahina ang tiyan niya dahil tinawanan lang ako ng baliw at niyakap ng mahigpit. "But I really love you. I really really do."

"Oo na. Mahal din kita. Ngayon, matulog na tayo. Matagal pa ang biyahe." Inaantok na ako. Kagabi halos tatlong oras lang ang tulog namin dahil mula ng makarating sila hanggang sa alas dos ng madaling araw ay nag-uusap pa kami. Mga 2:30am na kami nakatulog. Pagka 5:30 am ay nagising na kami para maghandang umalis. Dapat maaga pa kami para maaga din kaming makarating sa Cebu.

QUEEN OF LOVE SERIES 01: HEROINE ANDRADA [COMPLETED]Where stories live. Discover now