09

218 16 0
                                    

"Putangina kinuha moba ang pera ko dito Hero?" Sigaw ni Helda na halos lumabas na bagang kakasigaw.

"Aanhin ko ang pera mo?"Sarkastiko kung saad pero namalayan ko nalang ay sinuntok na ako nito at napadugo nanaman ang labi kung hindi pa naghihilom.

"Huwag mo akong sasagutin ng ganiyan ah, lumabas kalang sakin!" Sigaw nito kaya natawa nalang ako.

"Ewan konga eh, sa dinami-dami ng pinalaglag mo ako pa talaga ang minalas na nabuo." Agad naman ako nutong sinampal kaya napadura ako ng dugo.

"Ay Hero! Akala mo ginusto kung mabuhay ka? Kung hindi lang ako binibigyan ng tatay mo ng pera hindi kita bubuhayin oy!"

"Sabihin mo nalang kasi sakin kung sino ang Tatay ko para makaalis na ako sa pisteng bahay na'to."

"Ano ako uto-uto? Kapag sinabi ko edi hindi na magbibigay ang Tatay mo ng pera sakin. Mamatay ka kakahanap kahit lumuha kapa ng dugo hindi ko sasabihin sayo."

"Para saakin yung binibigay sayo ng Tatay ko pero wala man lang sa kalahati ang napupunta saakin, halos hindi muna nga ako pinapakain eh."

"Aba, nanunumbat kana!? Kung ayaw muna dito pwede kang lumayas Hero total wala naman akong mapapala sayo hindi kagaya ng Ate mo. Pwede ko namang palabasin na andito kapa para makahuthot parin ng pera sa Tatay mo eh."

"Ano gagaya ako sa inyo? Benebenta ang sarili para magkapera? Ilang lalaki ang nakatira? Prosti?" Sinuntok nanaman ako ulit nito sa mukha pero hinawakan ko lang siya sa magkabilang kamay.

"Saktan mopa ulit ako, kahit sayo pa ako nanggaling hindi kita palalampasin, makakatikim kana sakin." Seryusong sabi ko saka lumabas ng bahay pero hindi pa ako nakakalabas ay tumama na ang kaldero sa ulo ko.

"Wala kang kwenta! Mamatay kana piste!" Napaluha nalanh ako pero agad ko din iyong pinahid at naramdaman kung may humapdi sa ulo ko pero hinayaan ko lang iyon.

Naglakad lang ako dito sa lugar namin, maraming tambay na nag-iinoman, prosti na naghihintay ng mauuto, mga drug addict at marami pa.

"Hero tagay!" Sigaw ng lasing saamin kaya napapunta naman ako dun.

"Panigurado nagisa kananaman ni Helda noh?"

"Kung hindi ko lang Nanay yun matagal ng wasak ang pagmumukha niya." Sabi ko saka naupo sa upuan.

"Huwag mo siyang igaya kesa sa mga nakakalaban mo Hero, kahit ganon si Helda sayo tandaan mo kung wala siya wala karin."

"Depota yun na nga! Sakaniya ako nanggaling pero kung ituring niya ako para akong isang taong walang halaga. Letche!"

"Oh relax! Baka kami ang pag-initan mo mamaya." Tinagayan naman nila ako ulit kaya ininom ko naman ulit iyon.

"Oh yosi, pampatanggal stress." Kumuha naman ako ng Isa saka sinindihan.

"Hanapin muna kasi ang Tatay mo Hero, dinig ko mayaman daw yun."

"Isa pa yun, sa ilang taon hindi man lang ako kinuha kay Helda. Hindi man lang nagpakita."

"Baka may dahilan naman diba?" Humithit ako saka binuga iyon.

"Pisteng dahilan 'yan." Natatawang sabi ko saka tumayo at kinuha ang isang bote ng alak. "Akin na'to ah." Tumango naman sila kaya tumalikod na ako.

"Saan ka pupunta Hero?"

"Diyan lang sa labas, maghahanap ng gulo." Sabi ko saka humithit ng Sigarilyo.

Narinig kung tinatawag pa nila ako pero hinayaan ko lang sila.

"Pisteng buhay 'to, oh. Siguro ng nagpaulan ng kamalasan ako talaga lahat ang sumalo. Depota!" Pagsisigaw ko habang naglalakad.

"Magpatulog ka!" Sigaw ng isang taga saamin din.

"Depota, magpakamatay kana! Labas ka rito at patutulugin kita habang buhay, piste ka!" Sigaw ko rito kaya natahimik naman ito.

"Oh ano titingin-tingin niyo? Alam niyo kayo napakatsismosa niyo sarap niyo ihagis sa sapa. Pumasok na kayo! Raratratin ko kayo kapag nakita ko pa kayo na nasa labas." Sigaw ko sa mga tsismosa na walang ginawa kung hindi ang magbantay sa iba mga piste.

"Hero? Bakit ka anditong bata ka sa labas gabing-gabi na ah?" Nakita ko si Kapitan.

"Kap! May nakita akong pusang kulay gold dun sa tulay, ninakaw niya yung bangus namin, hulihin niyo, Kap!"

"Lasing kaba Hero?"

"Depota ako lasing? Hindi ako lasing, Kap! Sinong lasing at bubugbugin ko." Sabi ko habang nakatingin kay Kap pero nagiging dalawa siya. "Kap, may kambal ba kayo? Bakit dalawa yung Kapitan namin?"

"Lasing ka nga. Hay, iuuwi na kita."

"Kap! Magpapahuli nalang ako, dun muna ako matutulog sa kulungan. Maganda dun tahimik at walang magsasabi sa'kin na mamatay na raw ako." Tinungga ko naman ulit yung natitirang alak na nasa bote pero wala na palang laman kaya hinagis ko na iyon sa kung saan.

"Kumalma ka Hero, daldalhin kita sa bahay niyo dahil wala ng space dun sa Barangay Hall."

"Lupet! Kahit saan hindi ako magkasiya."natatawang sabi ko habang umiiling pa. "Ganon na ako siguro kalaking basura para walang mapaglagyan."

QUEEN OF LOVE SERIES 01: HEROINE ANDRADA [COMPLETED]Where stories live. Discover now