28

176 11 3
                                    


"Bilhan mo nga ako ng prutas sa palengke. Gusto kumain ng prutas." Kita ko yung mga daan-daang pera na nasa kamay ni Helda habang nagbibilang ito.

Naupo naman ako sa upuan at nagtimpla ng kape. "Si Heleen utusan mo, hindi ako ng ako yung nakikita mo."

"Tinatamad daw siya. Tsaka huwag ka nga magrekmalo diyan."

"Hero! Bilhan mo ako ng grapes ah." Sigaw ni Heleen.

"Bumili ka, huwag kang tamad. Piste." Sigaw ko pabalik.

"Oh siya, bili ka ng sari-saring prutas. Ito pera." Abot saakin ng......Tatlong libo.

"Tsk. Magpapabuntis tapos ako pabibilhin ng mga gusto. Sa susunod kapag magpapabuntis kayo siguraduhin niyo naman na nasa tabi niyo na yung mga lalaki niyo."

"Pera lang sapat na." Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kaniya pero agad ding nailing.

Tinalikuran ko na lang siya saka pumasok sa kwarto ko. Naramdaman kung nag vibrate yung cellphone ko kaya kinuha ko iyon mula sa bulsa ng short ko at tiningnan kung ano at agad kung nakita na nagtext si Shit.

From: Shit

- Good Morning. I miss you. May pupuntahan ka ba ngayon?

Wala na sana akong balak na magreply pero nahuli ko ang sarili kung nagta-type.

To: Shit

-Morning. Meron, bakit?

Reply ko saka kumuha ng damit sa kabinet pero agad ding napabalik ng makitang umilaw yung Cp ko. Weird. Nangyayari saakin?

From: Shit

- I'll be there in Fifteen. Wait for me, okay? : )

Agad namang kumunot ang noo ko saka nagreply.

To: Shit

- Woii! Anong gagawin mo dito?

Naghintay pa ako ng ilang minuto pero hindi na siya nag reply. Agad naman akong pumasok sa banyo at saka napahilot ng ulo. "I'm kinda weird today."

Why I even smiling while replying to Shit. The hell? And why I am replying? Hindi ako mahilig sa ganoon.

Naligo na lang ako at winaksi ang mga bagay-bagay na umiikot sa utak ko. Kagaya ng dati ay mabilis lang akong maligo. Wala ng arte-arte pa.

Pagkatapos ay nagsuot lang ako ng isang itim na t-shirt at itim na short saka lumabas na. Agad akong dumeritso sa salamin kung tigsasampo at sinuklay yung buhok ko na may kahabaan na. Lagpas balikat na yung mahaba sa taas at yung sa gilid at likod ay mahaba-haba na rin. "Kailangan ko ng magpagupit." Nilagay ko na pabalik yung salamin saka kinuga na yung cellphone at wallet ko sala lumabas na ng kwarto.

Nakita ko na gising na si Heleen at umiinon ng gatas. Wow, ganiyan ba talata pag buntis?

Tumingin ako kay Helda saka ngumisi. "Mani, mani, saan ka pinaglihi. Bakit buntis palagi?" Agad naman nitong naibuga ang iniinom na gatas.

"Bwesit ka umalis ka na nga. Nampipiste pa eh."

"Yung pera?" Tanong ko at palihim na napangiti ng dumukot itonng pera. Shyt! Come to me money.

"Teka nga! Nabigay ko na sayo ah."

"Anong binigay? Tanongin mo si Heleen kung may nakita siyang ibinigay mo. Ngayon pa nga lang ako nakalabas mula sa kwarto eh." Napatingin naman siya kay Heleen na nanonood ng Tv habang kumakain.

"Bigyan mo na kasi para makaalis na. Nanonood ako eh." Awit sa kaniya. Parang maarteng abno.

"Oh, ayan. Bilhan mo ako ng Prutas." Abot saakin ng tatlong libo.

QUEEN OF LOVE SERIES 01: HEROINE ANDRADA [COMPLETED]Where stories live. Discover now