12

225 11 0
                                    


"Maayos naba ang pakiramdam mo Hero? Bakit ka lumabas agad?" Tanong ni Sir.

"I'm fine. Okay na ako rito." Sabi ko kay Totga at naglakad na pabalik sa upuan ko, at tinuon ang atensiyon ko sa harap.

Nagsimula ulit si Sir sa pagtuturo kaya nagte-take down notes naman ako pero ramdam ko ang mga titig nila pero binalewala ko iyon, kakapagod silang pansinin lalo na ngayon, baka sa kanila ko mabunton ang galit ko.

Naging maayos na ang takbo ng klase namin ngayon, tahimik. Ako naman ay nagtatake down notes lang kagaya ng palagi kung ginagawa. Nagkaroon ng Activity at hindi ako pinasali ni Sir, baka daw lumala yung kalagayan ko lalo na at hindi pa ako masyadong magaling, sumang-ayon lang naman ako at pinili ko nalang na mahiga sa kamay ko at matulog pero makaraan ang ilang minuto ay hindi ako dinalaw ni antok.

Tumayo ako at naglakad papunta sa desk ni Sir Bein, merong nakasunod ang tingin sakin pero hindi ko sila tiningnan pabalik. "Sir," panimula ko kaya napataas naman ang tingin saakin ni Sir. "Can I borrow some book?"

"Anong libro ba, Hero? Gusto mo bang magbasa ng tungkol sa mga topic namin ng mga nakaraan?"

"No Sir, I already know about that. I want to read that books out there. Can I borrow it?" turo ko doon sa libro na nakalagay sa isang bookshelf.

"Libro ko ng College iyan Hero, maybe that book is too far for you, for now."

"It's okay. I just want to read something Sir."

"Okay. Just pick the book that you want, luma na rin kasi iyan pero masyadong mahalaga iyan saakin kaya nilagay ko diyan, many of my student noticed that books before but you are the first to ask and tell that you want to read those old and for college books."

"They don't read books because they depends in Internet, just a click and the answer will face you, just a click and system will read those written words for you, in short, they are more dependable in the easy and Chill way and not in easy but knowledgeable way." Sabi ko at tumalikod na saka kumuha ng libro na kanina kopa tinitingnan, it caught my attention. To Kill A Mockingbird. Bumalik na ako sa upuan ko saka binuklat ang libro at sinimulang basahin.

Nalibang ako sa pagbabasa ng libro. The book has key themes of racism and racial equality.

Makaraan ang ilang sandali ay narinig ko ng nag-bell kaya sinarado ko na ang libro at tumayo at binalik ang libro. "Sir, binalik ko na ho yung libro." Sabi ko at nakita ko namang ngumiti at tumango ito.

Bigla nalang may umakbay saakin pero hindi ko na tiningnan kung sino yun, alam kona. "Mabuti ka pa Hero hindi ka nakagawa ng Activity. Ang hirap parang dudugo utak ko."

"Hm." Sagot ko saka kinuha ang bag ko.

"Dahil may sakit ka ngayon, ililibre kita ulit."Masiglang sabi niya.

"Hm." Nakalabas na kami ng room at naglalakad na sa hallway at kagaya ng dati madami nanamang mata na mapanghusgang nakatingin saakin, meron pang nakangiti habang nagkwekwentuhan tungkol sa nangyari saakin kanina.

"Anong gusto mong kainin? Burger? Kwek-kwek? Cake? Ano?"

"Mauna kana sa Cafeteria Totga may dadaanan lang ako."

"Samahan na kita."

"Mauna kana dun, susunod din ako kaagad."

"Sige, oorder na din kaagad ako."

"Ge." Sabi ko at saka naglakad papunta sa Cr banda at tiningnan kung nakaalis na si Totga at ng makitang wala na siya ay agad na akong lumabas.

Naglalakad ako sa hallway papunta sa likod ng lumang building, tahimik lang ang lugar. Wala masyadong estudyante ang pumupunta dito.

QUEEN OF LOVE SERIES 01: HEROINE ANDRADA [COMPLETED]Where stories live. Discover now