02

347 19 0
                                    

Pagkarating ng sasakyan sa labas ng gate at lumabas si Totga. Agad na nagsitilian ang mga babae pero ng sumunod akong lumabas ay agad nag-iba ng aura kagaya din dati, mga bulungan tungkol sa akin ang mga maririnig ko.

'Hindi na nahiya noh.'
'Lahat libre basta kasama si papa Totricc eh.'
'Nagkukunwaring tomboy para kaawaan ni papa Totricc. Ewww.'

"Manahimik nga kayo kung ayaw niyong hindi na makatapak ulit sa school na'to." Agad namang nagsitahimik ang nagbubulungan ng sumigaw si Totga pero pumalit naman ang mga masasamang tingin.

"Hayaan mo lang." Sabi ko at nagsimula ng maglakad. Hindi kona inabala pang tingnan sila, wala rin naman akong mapapala.

"Hey Hero, dito na ako ah. Sunduin nalang kita mamaya sa room mo." Hindi na ako sumagot pa basta ko na lang tinaas ang kamay ko at nag-wave habang nakatalikod sa kaniya.

Umingay nanaman yung daanan ko ng mawala na sa tabi ko si Totga sa tabi ko. Mga bulungan at ang marami dun ay yung paninira tungkol sakin pero hinayaan ko lang kagaya ng dati ko ng ginagawa.

"Eww! Nangangamoy basura yung iba diyan. Yuck. Bakit kasi may nakapasok na basura dito." tumigil ako saka tumingin sa gawi ng nagsalita at nakita ko si Kim Rhiana Adder aka Queen of the school. Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa kaya tinaasan naman ako nito ng kilay pero nginisian ko lang siya saka  tumalikod at tinaas ang gitnang daliri ko na nakapagpaani ng bulungan.

Makaraan ang ilang sandali ay nakarating na ako sa destinasyon ko, binasa ko naman muna ang pangalan na nakasulat sa gilid ng kwarto. "SECTION ONE - ANGELS."

Tuluyan ko ng binuksan ang pinto at saka naglakad papunta sa table ko pero biglang may nagtapon ng balat ng saging sa daanan ko pero sinalo ko lang iyon saka tinapon sa malapit na basurahan at tuluyang umupo sa upuan ko. Ramdam ko ang mga titig nila kaya nakapangalumbaba ko naman silang tiningnan. "Say anything stupid and my middle finger will stand straight just to salute you." Sabi ko saka tumingin ulit sa bintana.

Hindi ako ang tipo ng tao na magpapaapi lang habambuhay. Nakadepende sa ugali ng tao ang pakikitungo ko rito. That's why I have 20 or more cases in Guidance office but I don't care at all. My Mother don't have a little care about me, mapabuti man o masama, kahit nga mamatay ako wala siyang pakialam.

Dumating na ang Teacher namin kaya natahimik na lahat. Ako naman ay nakikinig lamang rin dito. Walang pakialam si Mama sa grade ko pero ako meron, hindi na baling wala ako ng pera, gamit o ano basta meron akong talino.

Naging maayos ang naging klase namin. I answer the questions, I have High Scores too. I solve some problems on the board and many more.

Makaraan ang ilang oras ay natapos na yung dalawang subs ko. Napatingin naman ako sa orasan sa taas at 9:30 na. Recess na. Tumayo na ako saka kinuha ang bag ko at sinoot ito.

"Ms. Andrada? Hindi ka pa ba magbabayad dun sa project?" Napatigil naman ako at tumingin sa Teacher namin sa Science.

"Ilan nga po yung babayaran?"

"290." Kinuha ko naman yung limang daan mula sa bulsa ko at binigay kay Sir. Makaraan ang ilang sandali ay binigay na sa'kin ni Sir yung sukli.

"Alis na ako, Sir." Sabi ko ngumiti naman siya saka tumango.

210 nalang ang natitira sakin. Kailangan ko ng tipiran 'to.

Napabuntong-hininga na lang ako saka namulsang lumabas sa room.

QUEEN OF LOVE SERIES 01: HEROINE ANDRADA [COMPLETED]Where stories live. Discover now