04

264 19 3
                                    

"Good Morning Hero!"

"Morning." sagot ko pero agad akong napahawak sa tenga ko ng may inilagay siya rito. "Ano---"

"Ito oh. Mahilig kang makinig ng kanta diba? Sayo na 'yan." Bigay niya ng Cellphone at earphone.

"Sayo 'to diba?" Tanong ko habang nakikinig ng kanta kagaya niya. Nasa kaniya yung isa at nasaakin yung isa.

"Oo pero binilhan ako ni Mommy ng bagong phone eh, so sayo na 'yan." Nakangiting sabi nito at iginaya ako sa kotse.

"Baka kailanganin mo'to?"

"Hindi naman na.  Kain tayo, hindi ako nag-almusal sa bahay eh." Binigyan naman ako nito ng burger habang kumakain.

Gusto ko sanang itanggi kaso alam kung hindi ko na mababago ang isip ni Totga at hindi ko maitatanggi na gusto ko din nito.

Napapangiti ako habang kumakain dahil sa kanta. Hanggang sa makarating kami sa School ay may nakaguhit na kunting ngiti sa labi ko.

"Hey Hero, dito na ako ah. Kitakits mamaya."

"Sige. Kitakits mamaya." Nakangiting sabi ko.

"Sabi na eh, you're pretty when you smile. You really love music huh?" Napakamot naman ako ng ulo saka dahan-dahang tumango. "Sige, bye na muna. Sunduin nalang kita mamaya kapag naunang natapos klase ko." Tumango naman ako saka tumalikod na.

Habang nasa hagdan ako papunta sa taas ay napapakanta ako pero mahina lang iyon.

Maraming mga matang nakatingin saakin pero hinayaan ko nalang, masyado akong nawili sa music. Nasa harap na ako ng pinto ng room ng biglang mapansin na may mga estudyanteng nakatingin sa loob, dahan dahan naman akong pumasok at nakita ko yung Toma and Friends at si Marko at ang tropa nito at nag-aaway sila. Hinayaan ko lang sila, dumaan ako sa gitna nila at saka pumunta sa upuan ko.

Naramdaman ko ang mga titig nila kaya napataas naman ang tingin ko sa kanila at nakatingin din sila saakin pero nagkibit balikat lang ako. "Bakit kayo tumigil? Mag-away na kayo. Madami kayong taganood oh."

"Good Morning Hero! Bakit hindi kana naga-guidance ngayon?" Napatingin naman ako kay Marko ng magsalita ito. Nakalaban ko siya dati at nakatatlong beses na kaming naguidance.

"Ang boring sa Guidance Office." Simpleng sagot ko at nangalumbaba sa kanila. "Tuloy niyo na, manonood ako."

"Ikaw ang babae kahapon diba?" Biglang tanong nung Toma kaya napabaling ako sa kaniya.

"Oo."

"Ikaw nga ang gagong yun!" Agad itong lumapit saakin pero agad ding napatigil ng magsalita si Marko.

"Kung ako sayo Thorr huwag mong kakalabanin ang isang 'yan, hindi ka mananalo sa kaniya." sabi ni Marko at tuluyan ng umalis kasama ang mga tuta niya.

"Kilala mo si Marko?" Tanong ng isang singkit at naupo sa upuan sa harap ko.

"Oo."

"Ano mo si Marko? Saan mo siya nakilala?" Tanong din ng isa na tinulak yung Toma para makalapit saakin.

"Nakalaban ko siya dati. Sa Guidance ko siya nakilala." Sagot ko.

"Bakit sa Guidance? Anong ginawa niyo dun?"

"Doon kami nag-away."

"Sinong nanalo?" Tanong ulit ng singkit.

"Ako."

"Yui! Speaker! Tama na 'yan, Thorr bumalik na tayo sa room." Saad ng lalaki na kumausap din saakin kahapon.

"Hindi pa tayo tapos." Saad nung Thorr pero nagkibit balikat lang ako.

Umalis na sila pero marami parin yung nakatingin saakin. Bulungan.

Mga tsismosa talaga.

QUEEN OF LOVE SERIES 01: HEROINE ANDRADA [COMPLETED]Where stories live. Discover now