17

192 13 0
                                    

"Mommy akyat na muna kami. Gagawa na kami nung Project."

"Sige sige. Iaakyat ko na lang diyan mamaya yung pagkain niyo."

"Tara na, Hero." Aba bumabait ang isang 'to pag andiyan magulang ah. Tindi.

Nagpaalam na kami kay Tita saka umakyat na sa taas. Habang naglalakad ay naglilibot ang paningin ko sa lugar. Madaming lugar ang nadadaanan namin ni Shit pero nakuha ng isang kwarto ang atensiyon ko. "Bakit may sign dito?" May nakita kasi akong 'bawal pumasok dito' na sign.

"Bakit mo natanong may naalala ka?" Nagtaka naman ako sa tanong niya.

"Huh?"

"Wala. Walang tao diyan." Napatango-tango naman ako saka binigyan pa ng huling tingin ang pinto saka sumunod na kay Shit.

"Dito na tayo." Binuksan niya ang isang pinto at pagpasok ko, maraming libro ang bumungad sa paningin ko. Library?

Nakita kung dumeritso si Shit sa isang mesa at may computer doon. Naglakad naman ako papunta sa kaniya at naupo sa tabi niya.

"Magsisimula na ba tayo?" Tanong ko.

"Yea, ito isulat mo." Binigyan niya ako ng papel at ballpen at nagsimulang basahin yung sa computer.

"Baliw hindi ganiyan." Sabi ko saka sinarado ang computer kaya kumunot naman ang noo niya.

"What the heck?"

Tumayo ako saka pumunta sa mga libro at naghanap ng libro na tungkol sa pagkakatao. Naghanap din ako ng Dictionary saka iba pang libro bago bumalik kay Shit na nakakunot ang noo saakin. Maingat na nilagay ko ang libro sa mesa saka tumingin sa kaniya.

"Libro ang gagamitin natin Shit."

"Pero mas madali---"

"Anong silbi ng libro kung hindi gagamitin."

"Anong silbi ng computer kung hindi gagamitin."

"Anong silbi---puta. Sumunod ka na lang kasi." Inis na sabi ko.

"Tsk! Gagawa pa ako mamaya ng mga Assignments ko eh."

"Tutulungan kita mamaya, ito muna piste." Sabi ko at kinalma na ang sarili at binigyan siya ng libro.

"Basahin mo'to. Tandaan mo ang mga importanteng details, okay? Dapat kapag nabasa mo hindi na mawawala sa utak mo."

"Nawawala agad sa utak ko eh. Paano ba papatagalin?"

"Akala ko matalino ka?"tanong ko sa kaniya.

"Matalino talaga ako pero hindi ko napapatagal sa utak ko ang mga nababasa o naririnig ko, mga ilang weeks or months lang nalilimutan ko na."

"Dapat kasi unawain mong mabuti ang binabasa mo. Kung kailangan mong paulit-ulitin ay gawin mo hanggang sa bumaon na sa isip mo. Next, example about meanings? Huwag mong sauluhin lahat dahil mahihirapan ka talaga, kunin mo lang yung pinaka-importanteng meaning tapos lagyan mo ng highlighter yun o kahit guhit lang dahil mas matatandaan mo yun kapag ganon."

"Yun ba yung ginagawa mo?" Tumango naman ako.

"Ngayon magsimula na tayo. Ikaw sa librong yan tapos ako naman sa isang 'to. Gamitin mo itong dictionary kapag may naencounter ka na mga bagong salita, dapat alamin muna agad ang meaning para makaadvance kana." Tumango naman siya.

"Shit patayin mo yung music para hindi tayo madistract o di kaya palitan mo ng payapang music." Tumango naman siya at tumayo saka pinalitan ng payapang music, nagha-hum lang, nakakarelax.

Nagsimula na akong magbasa at ang bawat salita na bago saakin ay hinahanap ko agad sa dictionary. Kumuha ako ng papel at nagsulat, para may copy ako.

Makaraan ang ilang sandali ay napatingin ako kay Shit, nakangiti ito habang nagbabasa. Parang tanga.

Bumalik nalang ako sa pagbabasa at inabala ang sarili ko. Nakakalimang page na ako ng biglang bumukas ang pinto. Napatingin naman ako dun at si Tita Teimhs pala. "Paniguradong uhaw na kayong dalawa." Sabi nito at nilagay sa mesa ang tray na may lamang juice at cookies.

"Baby, tawag ka pala ni Daddy sa baba may sasabihin daw siya."

"About what Mom?"

"Hindi ko alam eh. Puntahan mo nalang muna, balik ka nalang agad. Importante dawn eh." Bigla namang tumingin si Shit saakin kaya nagkibit balikat naman ako. Napipilitan namang tumayo ito saka nag excuse at umalis.

"Hero? Can I ask you something?" Tanong ni Tita.

"Opo, ano po yun?"

"Ano yung true name mo? Heaven ba?" Umiling naman ako.

"Hindi ho. Heroine po totoo kung pangalan."

"Ah ganon ba? But you......." hindi ko narinig ang sasabihin ni Tita ng humina ang boses nito.

"Ano po yun?"

"Ah wala Iha. Sige mauna na muna ako. Sorry sa pag-aabala sa inyo."

"Sige ho Tita. Salamat po rito ah." Ngumiti naman ito saka tiningnan pa ako saka tuluyang umalis.

Nagpatuloy na ako sa pagbabasa. Maraming mga ideas tungkol sa pagpapakatao ang nababasa ko. Makaraan ang ilang segundo ay dumating na si Shit.

Tahimik lang kaming dalawa. Walang kibuan. Hindi narin ako nag-abalang kausapin siya, baka nagfofocus talaga siya.

Marami akong nakukuhang bagong kaalaman sa librong binabasa ko, maraming salita na nakakakuha ng interes ko.

Nakakalimang papel na ako dahil sa pagta-take down notes pero ayos lang dahil puro naman mahalaga ang sinulat ko. Makakatulong 'to para mas lalong tumatak sa isip ko.

Hindi namin namalayan ni Shit ang oras at nagulat nalang ng tawagin kami ni Tita Teimhs. Alas dos na pala. Hindi ko naramdaman ang gutom, daming cookies na dinala ni Tita kanina.

"Kaya pala gutom na ako 2pm na pala. Ikaw Poop gutom kana ba?" Tanong ni Shit habang bumaba kami ng hagdan.

"Nabusog ako dun sa Cookies ni Tita."

"Eh? Cookies lang yun, paano kang mabubusog nun?"

"Ewan ko din."

"Kahit minsan wala kang kwentang kausap Poop."

"I feel you Shit. Wala ka ring kwentang kausap." sinamaan naman ako nito ng tingin.

"Nag-aaway ba kayong dalawa?"napatingin naman ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko ang gwapong lalaki sa ilalim ng hagdan at may hawak ng diyaryo. Ngumiti agad ito ng makita ako.

"No Dad. Nagbibiruan lang kami." Siniko naman ako ni Shit.

"Oho."Sabi ko at siniko din siya pabalik.

"Mukha nga. Bumaba na kayo at makakain na, dinig kung hindi pa kayo nagtatanghalian. Sasabay na rin ako sa inyo." Hindi nawala ang paningin ng Daddy ni Shit saakin kaya ngiti din ako ng ngiti.

"Welcome here again." Sabi nito ng magkasabay kaming tatlo na pumunta sa hapag nila.

"Again?  Pero ngayon palang ho ako napunta dito."takang sabi ko.

"Oh I mean is, you are welcome here again like next time." Napatango-tango naman ako. "I'm Matherro, ako ang daddy ni Thorr."pagpapakilala nito.

"I'm Hero." Bigla nalang ako nitong niyakap kaya nagulat naman ulit ako. They really like to hug someone they just know recently?

"You can call Daddy or Tito, He--Hero." Sabi nito ng pakawalan ako.

"Okay po Tito."

"Kumain na tayo." Agad na bumaba ang tingin ko sa mesa, ang daming nakahain.

"Maupo ka Hero."sabi ni Tito kaya naupo naman ako. Nagulat ako ulit nang si Tita Teimhs ang maglagay ng pagkain sa plato ko.

I feel that I'm belong if it's really not.


QUEEN OF LOVE SERIES 01: HEROINE ANDRADA [COMPLETED]Where stories live. Discover now