PROLOGUE

750 25 2
                                    

"Cr muna ako." Paalam ko saka tumayo na at naglakad palabas ng kwarto. Wala kaming Teacher sa second sub ngayon dahil may pinuntahan daw.

Habang naglalakad ako may nararamdaman akong sumusunod sa akin pero hinayaan ko lang. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi nagpahalatang alam kung sinusundan niya ako.

Lumiko na ako sa isang hallway at medyo may kadiliman dahil inaayos pa yung lugar. Patuloy lang ako sa paglalakad ng bigla akong napatingin sa likod pero bigla ako nitong hinatak papunta sa isang room kung saan nilalagay yung nga mop at walis ng mga janitors. Janitors Room?

Nanlaki ang mata ko ng ma-realize na may dumikit na malambot na bagay sa labi ko. Lumakas ang kabog ng dibdib ko bigla at parang naging tahimik ang buong paligid. Parang nawalan ako bigla ng lakas para itulak siya. Parang nanginig ang tuhod ko at parang babagsak ako.

Namalayan ko na lang ay nakaalis na ito samantalang ako ay nakatanga lang sa kadiliman. Sa sobrang dilim ng lugar ay wala akong makita. Agad akong napahawak sa labi ko. Alam ko, sigurado akong.... labi rin ang dumampi sa mga labi ko.

Agad kung inayos ang nagulo kung sistema saka lumabas sa lumabas para hanapin ang may gawa pero walang tao akong nakita. Tumakbo pa ako para hanapin ang may gawa pero wala na akong nakita.

Sino ang may gawa nun?

QUEEN OF LOVE SERIES 01: HEROINE ANDRADA [COMPLETED]Where stories live. Discover now