13

197 16 0
                                    

"Hintayin mo'ko tomboy!" Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang nakalaylay ang balikat. "Poop! Hintayin mo'ko ano ba!" Sigaw nito kaya napapatingin na yung mga estudyante.

"Manahimik ka, Shit." mahinahong saway ko dito.

"Shit? Taena, pinangalan mo'ko sa tae?"

"Aba? Nagsalita yung pinangalan din ako sa tae." Sarkastiko kung saad habang nakatingin sa kaniya pero bumuntong-hininga lang ako saka nagpatuloy sa paglalakad.

"Bagay kaya sa'yo, Poop."

"Bagay din sa'yo, Shit." agad na akong nanahimik ng makapasok sa Cafeteria saka dumeritso kay Totga na nakakaway ang kamay.

"Andito na ang sipsip." Dinig kung sabi ng pamilyar na boses.

"Pinaparinggan mo sarili mo? It's okay para  ka  nga naman talagang straw." Napahiyaw naman at napasipol ang mga estudyante sa sinabi ko.

"Hindi ako kagaya mo na basura, look at you, ang pangit pangit at parang basahan."

"Atleast hindi ako kagaya mo na walang utak pero malaki ulo. Ano ka alien?" Nagsihagalpakan naman ng tawa ang mga tao sa Cafeteria at si Kim naman ay halos maging kamatis na.

"Remember?! I'm in special section at mas nauna pa ako kesa sayo na makatungtong dun kaya huwag kang magmataas."

"Bakit kung wala yung pera mo makakatungtong ka sa section na 'yon? Remember this, you're just nothing without your money."  Sabi ko saka tinalikuran siya saka naupo sa tabi ni Totga.

"But I have money, I can get what I want."

"You can get what you want? How about get some height. Bilhin mo kung kaya mo, kingina mo. Masyado kang pandak, nagmumukha kang duwende. And add some boobs and ass too, mukha ka rin kasing plywood." Humagalpak nanaman ng tawa ang mga tao pati si Totga ay ang lakas ng tawa.

"I love my height! It's cute, hindi kagaya mo na mukhang aswang."

"Don't worry, your height loves you too."

"Ugly!"sigaw nito saakin.

"Atleast hindi ako kinulang sa height." Sagot ko habang nakangisi.

"Pero basura ka naman, ang pangit mo, dukha! Pangit, pangit, pangit!"

Napatawa naman ako. "I'm not ugly. Kung gugustuhin ko ay kaya kung higitan yang ganda mo. Tsaka pala, Kahit ilan pang cherifer ang inumin mo, pandak ka pa rin." Tumawa nanaman ang mga estudyante kaya mas lalong namula si Kim.

"Shut up!" Sigaw nito saka tumayo.

"Huwag ka ng tumayo, ganon pa rin naman  yung height mo kahit tumayo ka pa." Kita ko ang galit nito at sinipa pa ang upuan at pumunta saakin kaya tumayo ako ng nakatuwid. Natawa naman ulit ako ng makalapit siya.

"Bakit hanggang dibdib lang kita? Shit! Mukhang mataas pa grade five kesa sayo." Natatawang sabi ko at kita ko na bigla nalang kumuyom ang kamay nito pero tiningnan ko lang siya saka nginisian. "Bakit hindi mo ako masampal? Ay, hindi mo pala ako abot." Mas lalo naman siyang namula at nakita kung kinuha niya yung spaghetti na nasa mesa at balak sanang itapon saakin pero agad ko lang hinawakan ang kamay at isinampal sa pagmumukha niya ang spaghetti na nakapagpatahimik sa buong cafeteria.

"Bago ka gumawa ng gulo, siguraduhin mo munang ikaw ang mananalo. Mahirap lang ako pero hindi ako nagpapaapi kaya huwag mong uubusin ang pasensiya ko baka sa susunod hindi lang spaghetti ang tumama diyan sa pagmumukha mo." Sabi ko at binitawan ang kamay niya.

"Ikaw! Pagbabayarin kita! Ihanda muna ang sarili mo dahil mamaya ay nasa Dean's kana ulit!" Galit na sigaw nito.

Ngumisi naman ako. "Sige, magsumbong ka. Parang pinatunayan mo narin na wala kang magagawa kung wala ang parents mo or should I say... wala ka naman talagang kwenta 'pag wala sila." Nakangising sabi ko at naupo na ulit sa upuan.

"Argh! I really make you pay!" Sigaw nito at nagmamartsang lumabas sa Cafeteria.

"Ang epic ng mukha niya, shek!" Humagalpak nanaman ang tawa si Totga kaya napabuntong hininga nalang ako."

Bigla namang may umakbay saakin at naupo sa magkabilang tabi ko. Sina Yui at  Speaker.

"Hero lang sakalam!" Sabi nilang dalawa at nagsitawanan.

"Nyewa dun sa part na sa ulo hahahha tangina."

"I'm just saying the truth. Ang laki ng ulo wala namang utak. May katawan nga, plywood naman. May height nga, pandak naman." Ayon humagalpak nanaman ang tatlong kasama ko.

"Totga, akin nalang 'tong burger at milktea, ah?" Hingi ko.

"Kuha ka lang  ng gusto mo." Sabi nito at nakipagtawanan naman ulit sa dalawa. Dinampot ko naman ang burget at milktea saka tumayo at naglakad palabas ng Cafeteria.

Gusto ko ng tahimik na lugar.

Naglakad ako papunta sa garden at habang nasa hallway ay kagaya ng dati, pinagtitinginan ako.

Makaraan ang ilang minuto ay nakarating na ako. Agad akong umupo sa gilid ng puno at kinuha ang earphone at nagpatugtog saka magsimula ng kumain.

Nakatingin lang ako sa mga bulaklak  na naroon habang ineenjoy ang sariwang hangin.

QUEEN OF LOVE SERIES 01: HEROINE ANDRADA [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang