36

176 11 1
                                    


"HAHAHHA tama na. Bakit ako lang yung nilulunod niyo." Tumatawang saad ko habang lumalangoy palayo sa kanila. Kanina pa ako nilulunod ng mga baliw.

Nasa dagat kami ngayon at naghahabulan. Ang ganda ng panahon kaya ligo na agad. Si Yui, Speaker at Shit yung kasama ko yung iba ay may sariling mga ginagawa.

"Hulihin si Hero, hulihin, hulihin." Sigaw no Yui tsaka nagdive papunta sa gawi ko pero hinawakan ko lang siya sa balikat at sinubsob sa tubig saka lumayo. "Shuta! Papatayin mo ata ako Hero." Sigaw nito pero tinawanan lang namin siya.

"Tama na. Yawa, pagod na ako." Sigaw ko pero ang mga baliw sugod ng sugod. Pero naramdaman ko na may tao sa may likod kaya ngumisi ako saka yumuko at ayon nagdive si Shit sa harap.

"Anong ginagawa mo, Toma. Nanghuhuli ng butete?" Humagalpak ng tawa si Speaker habang nakaturo kay Shit na ang sama ng tingin sa kaniya.

Imbis na ako amg habulin nila ay sila ang naghabulang tatlo. Naisipan ko munang umahon. Nakita ko na nag-uusap yung mga magulang namin.

Pumunta ako sa kanila at inakbayan si Tita Teimhs. "Iha, gusto mo bang kumain?" Aya nito, kumakain kasi sila.

"Sige po, Tita." Kumuha naman ito ng pinggan at nilagyan ako ng isang hipon saka nilagyan ng sauce. "Ito na, Iha."

"Salamat po, Tita." Sabi ko saka nginitian siya. "Kain po tayo." Aya ko sa kanila.

"Ay naku, kakakain lang rin namin. Kumain ka lang Iha, enjoy langs." Nagsign pa si Tita Zui kaya natawa naman ako pero agad ding napabaling sa likod ng may mag lagay ng tuwalya at nakita ko si Shit. "Baka lamigin ka." Agad naman kaming tinukso ng mga kasama namin at kami naman ay tawa lang kahit namumula na.

"Parang matutuloy na talaga na maging isang pamilya tayo ah." Saad ni Daddy.

"Parang magiging ganoon na nga Steven." Natatawang saad naman ni Tito Matherro.

"Sila ang susunod sa yapak ng dalawa." Turo doon kay Thrizorr at Heaven na nasa malaking bato at nag-uusap.

"Daddy Steven, pwede ko po bang pakasalan yung anak niyo?" Muntek ko namang maibuga ang kinakain ko dahil sa gulat. Pinanlakihan ko naman siya ng mata bago tumingin kay Daddy.

"Pinagsasabi mo, Shi----"

"Oo naman." Sagot ni Daddy kaya napanganga naman ako saka agad na naubo. Dali-dali naman akong binigyan ni Shit ng juice at agad ko din iyong ininom. Mukhang aatakihin ata ako sa puso.

"Woi! 17 pa lang ako." Saad ko pero tinawanan lang ako ng mga kasama ko. "Helda? Payag ka nun? Mag-aasawa na ako." Tanong ko sa kaniya.

Okay na kami ng mani na 'to tsaka ni Heleen. Kagabi kinausap nila ako ng masinsinan at humingi ng tawad. Tao lang naman ako kaya, pinatawad ko na din. Sinabi ko na lang na ibaon na lang iyon sa limot.

"Oo naman. Sa mga taon na lumipas hindi kita napayagan sa mga gusto mo kaya ngayon, okay na okay ako. Nakikita ko naman na mabait itong si Thorr." Hindi ako makapaniwalang nakatingin sa kanila.

"Tita Teimhs? Tito Math? Everybody? Payag talaga kayo?" Tanong ko sa kanila.

"Yes!" Nailing na lang ako dahil nangi-ngiting-aso na si Shit. Masama na kutob ko dito.

Nakita ko si Speaker at Yui kaya nakaisip ako ng ideya para maiba ang topic. "Si Speaker at Yui po ba? May lovelife na ba sila? Tita Zui, Tita Heather?" Tanong ko.

"Hero! Walang ganyanan." Sigaw ni Yui na nasa likod ko at kinakain yung malaking hipon na nasa pinggan ko.

"Ewan ko nga kay Baby Yui ko eh. Bakla ata ang Baby ko, walang babae maski isa." Humagalpak naman si Shit at Speaker ng tawa.

QUEEN OF LOVE SERIES 01: HEROINE ANDRADA [COMPLETED]Where stories live. Discover now