10

209 17 0
                                    

"Shit!" Napadaing nalang ako ng maradamang kumikirot ang buo kung pagkatao. Yung ulo parang mababasag. Yung katawan ko parang binugbog.

Napatingin ako sa orasan ko na nasa pinto at alas sais na. Kailangan ko ng maghanda para pumasok.

Anong nangyari----shit!

Dahan-dahan akong bumangon saka agad kumuha ng tumalya at pumunta sa banyo saka naligo na ng mabilisan. Nakita ko ang pulang likido na sumasama sa tubig kaya napakapkap naman ako sa ulo ko at may bukol nga na sumasakit siguro ay dahil sa sugat.

Nang nakalabas ay agad akong dumeritso sa kabinet at kinuha yung bagong uniform ko na binigay lang din saakin nina Shin at Totga.

Matapos kung masuot iyon at agad kong binababa yung palda pero hindi na talaga, ang ikli talaga hindi ako sanay. Hinayaan ko nalang ng wala namang nangyari.

Nagsuklay lang ako saka nagsuot ng medyas at sapatos saka na bumaba, wala ang dalawa dito kaya tahimik ng bahay. Nakita ko ang isang daan sa mesa at may sulat. "Oh Gaga, ayan pera, baka sabihin mo nanaman na hindi kita binibigyan na bwesit ka." Basa ko sa sulat.

Tiningnan ko ang kaldero pero walang lamang kahit ano. Napailing nalang ako saka na lumabas.

"Hero! Good Morning." Tumango lang ako saka pumasok na sa kotse niya, wala na akong lakas para makipagkulitan pa. Mula kahapon hindi pa ako kumakain.

Naglagay nalang ako ng headset sa tenga ko saka nahiga sa bag ko at natulog na naman ulit, parang sasabog parin yung ulo ko at pagod na pagod ang katawan ko.

Mamayang gabi magtatrabaho nanaman ako, byernes na naman.

Ewan kung ilang minuto lang ang tulog ko basta nagising nalang ako ng maramdamang huminto ang kotse. "Andito na tayo, Hero." Napatango naman ako saka walang salitang bumaba ng bumukas ang pinto. Hindi ko kinuha ang headset sa tenga ko para hindi ako kausapin ni Totga pero ang totoo wala namang music iyon, ayaw ko lang magsalita ngayon.

Hinayaan ko yung mga tsismis sa paligid ko. Hinayaan ko yung mga tingin.
Hinayaan ko lahat.

May narinig akong sumisigaw pero hindi kona pinaglaanan ng pansin iyon.

Pagbukas ng pinto bigla nalang may bumuhos sa akin na isang malagkit na bagay. Narinig kung natawa ang mga estudyante at meron naman bakas sa boses na naaawa.

Napahiga nalang ako sa sahig at napatulo ang luha ko habang nakatingin sa may gawa sakin nito.

"Nakita niyo ang mukha ni Hero kanina! May mga pasa ang tao. Tapos ang taas pa ng lagnat niya tapos pagkarating dito gaganituhin niyo pa? Wala naba kayong magawa?" Sigaw sa kanila ni Totga.

"Wa-wala kaming alam." Sabi lang niya habang nakatingin saakin.

"Yun nga! Wala kayong alam! Wala kayong alam sa kaniya, sinabihan kona kayo dati na huwag na siya pero anong ginawa niyo-mo, ha Thorr? Kapag may nangyari kay Hero, sisiguraduhin ko na..." hindi kona narinig ang susunod na sinabi ni Totga ng tuluyan ng mandilim ang paningin ko.

QUEEN OF LOVE SERIES 01: HEROINE ANDRADA [COMPLETED]Where stories live. Discover now