26

177 14 1
                                    

"Oh, papasok ka na?" Bungad ni Helda ng makalabas ako sa kwarto ko.

"Nakikita mo naman diba?" Sagot ko at sinalubong ang masamang tingin niya. "Hindi mo ako mapapatay damit yang tingin mo." Naupo na ako sa upuan at kumuha ng pinggan at kutsara.

"Alam mo ikaw na tangina ka hindi mo na ako ginagalang ngayon---"

"Kailan ba kita ginalang? Mula noon hanggang ngayon hindi naman kita ginalang, huwag kang assuming." Natatawang saad ko saka nagsimulang kumain.

"Nanay mo pa rin ako!"

"Paanong Nanay ba?" Nakita kung dinampot nito ang tasa pero nginisian ko lang siya.

"Huwag mo akong gaguhin Heroine!"

"Hindi na kita kailangang gaguhin, matagal ka ng gago." Lumipad ang tasa pero nasalo ko na iyon bago pa tumama sa mukha ko.

"Piste ka!"

"Back to you."

"Hero! May naghahanap sayo." Ang sama ng tingin ni Heleen saakin. Para akong papatayin.

"Sino?" Tanong ko saka tumayo at nilagay sa lababo yung pinagkainan ko.

"Yung palaging pumupunta dito sino ba pa?! Argh! Mang-aagaw ka." Pulang-pula na siya sa galit.

"Selos ka? Sige, hanapin mo na lang pake ko." Natatawang sabi ko saka kinuha yung isang daan sa mesa saka naglakad na palabas.

Agad kung nakita si Levaster na nakangiti saakin. Naglakad ako palapit sa kaniya at kinunutan siya ng noo. "Good morning, baby."

"Bakit ka nandito."

"I just want to see you. Why you're so galit naman?" Natawa naman ako.

"Ang baliw mo."

Narealize ko ng nakaraang mga araw na wala naman talagang kasalanan si Levaster, kasalanan yun ng punyawang babae dahil siya yung nanampal saakin.

"Baby, I want to say sorry again. Kahit you forgive me, I'm still guilty pa rin." Natawa naman ako ulit.

"Don't be guilty. When I forgive you, I meant it."

"Baby, you make my heart tubok-tubok." Mas lalo akong natawa.

"Tibok-tibok yun, baliw. By the way, bakit ka pala nandito?"

"I'll drive you papuntong school, baby." Lahat ata ng kapitbahay namin ay nakikitsismis sa ganap namin nitong abnoy na lalaking 'to. Pero dahil maganda ang mood ko ngayon ay hahayaan ko na lang sila.

"Papuntang not papuntong. Tsaka huwag mo nga akong matawag-tawag na baby." Pumasok naman ako ng buksan niya ako ng pinto. Hindi makakapunta si Totga dahil dumating yung mommy niya ulit.

"By the way. Here. The payment." Abot niya ng sobre na medyo may kapakalan ang laman.

"Hindi naman kita sinisingal ah?" Kunot-noong tanong ko.

"Pinagtabahahan mo yan. So take it. Don't try to decline that, I know you need it."

"Alam mo, huwag ka ng magtagalog. Ang saklap mo pota. Pinagtrabahuhan iyon at hindi pinagtabahahan." Pareho naman kaming natawa na dalawa.

"Sorry. Hahahah. You know, I'm still learning. By the way, take it, okay?" Ngumiti naman ako saka tumango.

Kailangan ko ng pera ngayon. Kailan kung makaipon para sa kinabukasan ko. Yung Nanay at Tatay ko kasi walang kwenta. Binuhay lang ako para pabayaan.

Habang nagmamaneho siya ay napatingin ako sa mukha niya. He's handsome, yes. He have those thick and long eyelashes and eyebrows like mine. He have this sparkling blue eyes,too. Sharp and pointed nose. Pinkish lips. He looks like a celebrity, a celebrity but a whore at the same time. Hindi na ako nagugulat na ang daming babae ng lalaking 'to.

QUEEN OF LOVE SERIES 01: HEROINE ANDRADA [COMPLETED]Where stories live. Discover now