24

172 12 6
                                    

"Ang bilis mo naman maligo, Hero." Gulat na saad ni Yui na kumakain ng tinapay.

"Mabilis rin naman kayong maligo diba?" Inosenteng tanong ko saka naupo sa tabi niya. Nakasuot ako ng manipis na pulang bestida na hanggang tuhod. Kahit papaano ay natatabunan naman ang katawan ko. Sa ilalim nun ay bikini na gagamitin ko mamaya kapag naligo. Ayaw ko na magpabalik-balik pa rito, kakatamad magbihis. Mas mabuti na 'to, huhubarin ko nal ang ang bestida mamaya kapag naligo na ako.

Hindi na ako nagreklamo sa damit ko dahil wala naman na akong magagawa. Ito yung mga nasa maleta. Tsaka nasa beach naman kami kaya ayos naman din sa akin kahit na ito ang suot.

"Alam mo Hero, parang foreigner lang yung datingan mo ngayon." Natawa na lang ako sa sinabi ni Speaker.

"Baliw." Kinindatan lang ako ni Speaker saka inayos yung damit niya.

"Tara na. Libotin natin itong resort." Aya ni Shit na nakaayos na rin. Naka-sando na puti at may ipinatong ito ro'n na pulang damit.  Short na itim ang suot nito sa pang-ibaba. Nakasombrero rin ito at merong shades na hawak saka camera.

Tumayo na ako saka sinuot yung pulang tsinelas ko saka inayos yung bestida ko. Sinuklay ko yung buhok ko gamit ang daliri ko saka naglakad na kasama sila. Natawa na lang ako sa mga height nila. "Kumain kayo palagi ng gulay, masyado kayong maliit." Napatingin naman silang lima saakin.

"Mataas kami Hero. Ikaw lang itong halimaw sa taas. Ano ba ang sekreto mo Hero?" Nagkibit-balikat naman ako.

"Wala naman."

"Ilan ba height mo?" Tanong ni Yui na nilagay sa buhok yung shades.

"Isa lang. Ilan ba sayo?"

"Huh? Anong---Whahahhaha." Napatingin naman ang ibang tao ng bigla na lang silang humagalpak ng tawa.

"Tangina. Pinagtitinginan tayo mga hangal." Natatawang saad ko kaya tumahan na sila pero mahinang tumatawa pa rin.

"Laptrip amputek hahaha." Hinayaan ko na lang sila na magtawanan.

Nang makalabas kaming anim agad kaming dumeritso sa tabing dagat para daw mag-sun bathing. Kumuha naman ako ng sunscreen saka nahiga sa tela na dala ni na Yui kanina kasama yung mga sunscreen. Tabi-tabi kaming anim na nakahiga sa sariling mga tela.

Nilagay ko ang shades ko sa mata ko saka pinikit ang mga mata. Napamulat ako ng may maramdamang tao sa harap ko. Kinuha ko yung shades ko at nagtaas ng tingin. Nakita ko na may baklang nakangiti sa akin. "May kailangan ka?" Tanong ko at nakita kung napabangon na rin yung ibang kasama ko.

"Sino siya Poop?" Tanong ni Shit na nasa tabi ko.

"Hi! I'm Fetti. Sorry if naabala ko kayo, mga bhie. Jusko, halos lahat kayo ay biniyayaan ng magandang mukha. Gusto ko lang sanang tanungin ang inyong kasama na magandang dilag dito." Tumingin ito saakin saka ngumiti.

"Ano ba iyon?" Tanong ko ulit.

"Pwede ba kitang hiramin muna, Iha? Kumukuha kasi kami ng puwedeng ma-i-subject sa mga picture namin. Nakuha mo agad yung atensiyon ng aming photographer, kanina ka pa namin tinitingnan mula sa cottage." Kaya pala may naramdaman akong mga matang nakasunod.

"Ayoko." Sagot ko saka nahiga ulit.

"Miss, sige na. May bayad naman, eh. Depende sa mga kuha mo. Sige na bhie, gustong-gusto ka raw kuhaan ng photographer namin." Pagpupilit ng bakla.

"Sabi na sa'yo Hero, masyado kang takaw atensiyon." Tatawa-tawang saad ni Speaker.

"Maghanap na lang po kayo ng iba, mukhang ayaw ng kaibigan namin." Magalang na saad ni Shin.

QUEEN OF LOVE SERIES 01: HEROINE ANDRADA [COMPLETED]Where stories live. Discover now