01

577 19 0
                                    


"Hoy! Gumising kana diyan walang kwenta. Kanina pa tumilaok yung manok at nagtatrabaho yung mga tao tapos ikaw na gigising lang at pupunta sa eskwela e tatamad-tamad pa. Letche! Pasalamat ka at pinag-aaral pa kita." Napamulat naman ako ng mata ng marinig ang nagsisilbing alarm clock ko. Ganiyan ang simula ng bawat umaga ko kaya nasanay na rin ako.

Kumuha lang ako ng tuwalya saka pumunta na sa banyo para makaligo na. Pagpasok ko ay nakita kung wala na akong shampoo pero hinayaan ko na lang. Hindi naman ako mamamatay kung hindi ako makakapag-shampoo.

Isang madaliang pagligo lang ang ginawa ko, nagsabon lang ako ng labada at naglugod ng katawan atsaka nagbunlaw. Nagtampi lang ako ng tuwalya saka na lumabas ng banyo.

Kinuha ko ang uniporme ko sa kabinet at sinuot na kahit gusot-gusot ito. Wala naman kaming plantsa kaya wala narin akong magagawa pa. Tumingin ako sa tigsasampung piso kung salamin at nakita ko ang mukha ko na walang kabuhay-buhay.

Karaniwan ng palda ng mga babae sa school ay hindi lalampas sa tuhod pero yung akin ay parang saya na dahil sa haba. Sabi ni Helda-Mama ko... 'mahaba at malaki na ang binili ko para hindi na ako bumili ulit sa susunod' hindi naman na ako umangal, pinapalamon at binibihisan na nga ako tapos aangal pa ako? Sigurado sasabog nanaman sa galit si Helda kapag umangal pa ako.

"Hoy Basura! Andito na ang mayaman mong kaibigan." Dinig kung sigaw ni Heleen, Ate ko,  kinuha kona yung bag ko na may mga butas na at puro na tahi saka sinoot ang medyas at sapatos kung guma saka bumaba.

"Helda, may project nga pala kami."

"Pake ko? Oh ito bente, ayan nalang yung natira, binilhan ko yung Ate mo ng laptop kaya wala na akong pera." Napatingin naman ako kay Heleen na ngayon ay busy sa bagong laptop nito saka bumalik ang tingin ko kay Mama at kita ko ang mga daang pera sa bulsa nito pero pinili ko nalang kunin yung bente at umalis ng walang paalam at hindi na lumingon kahit tinatawag ako ni Helda.

Wala ba akong galang? Ano naman ang kagalang-galang sa kanila para galangin ko.

"Ohayo! Good Morning Hero!" Masiglang bati saakin ng lalaking napakadesenteng tingnan na nakatayo sa gilid ng isang mamahaling sasakyan.

"Bakit ka andito?" Walang buhay na tanong ko sa kaniya.

"Parang ngayon ko lang 'to ginawa. Syempre, susunduin kita at sabay tayong pupunta ng school."

"Umalis ka na lang. Hindi ka nababagay sa lugar na kagaya nito." Nagsimula na ulit akong maglakad pero napatigil din ng harangan niya ako.

"Umagang-umaga napakanegatibo mo, Hero. Ngumiti ka nga, maganda ka kapag nakangiti." natawa naman ako sa sinabi niya.

"Sa lahat ng biro ayan ang pinakanakakatawa."

"Totoo kasi 'yon. Tara na." Agad ako nitong hinugot at isinakay sa kotse kaya kinunutan ko naman siya ng noo.

"Pakidala na ho kami sa School." Utos nito sa   matandang lalaki. Tinulak-tulak ko yung pinto pero ayaw mabuksan, wala akong alam sa ganito.

"Buksan mo'to Totga, bababa ako."

"Nope." Napailing nalang ako dahil sa ugali niya, ganito nalang kami palagi tuweng umaga. Palagi ko siyang tinataboy pero lalo naman siyang dumidikit. Tsk.

Wala na akong nagawa kung hindi ang tumunganga nalang sa bintana at maya-maya ay bumukas ito at nakita ko ng maayos ang mga nadadaanan kung mga puno kaya napangiti na lang ako ng bahagya pero agad din nauwi sa ngiwi iyon ng tumunog ang tiyan ko. Hindi pala ako nag-agahan.

Bigla nalang akong may nakitang sandwich sa harap ko kaya napatingin ako kung kanino galing iyon. "Narinig kung tumutunog yung tummy mo eh. Kunin mona, magtatampo ako kapag hindi mo kinuha 'yan." Wala na akong magawa kung hindi kunin ang sandwich na nasa harap ko pero pagkakuha ko agad akong may nakita sa baba nito ang pera.

"May project ka diba, kunin mona 'yan bayaran mo nalang ako kapag may pera kana."

"Ayan naman palagi ang sinasabi mo. Pero tatanggapin ko'to dahil kailangan ko talaga, babayaran kita kapag nagkapera na ako."sabi ko at itinago ang limang daan na buo. Kailangan ko talaga ng pera para sa bayarin sa eskwela. Kinain ko na rin yung sandwich na ibinigay niya.


QUEEN OF LOVE SERIES 01: HEROINE ANDRADA [COMPLETED]Where stories live. Discover now