29

184 11 3
                                    

Nagising ako ng marinig na nagbeep yung cellphone ko. Tiningnan ko muna ang oras at alas otso na at sinunod buksan ang message ni Shit.

From: Shit

- Good Morning : )

Dumapa naman ako saka nag reply.

To: Shit

- Good Morning din.

Second time saying good morning huh? Pft. Nababaliw na talaga ako.

Biglang may nag-appear na isa pang message at ng tingnan ko si Levaster. Inopen ko yung message niya.

From: Levaster

- Good Morning Baby. I just want to say that I'll pick you up later. 10am I guess.

Nailing na lang ako sa isang 'to. Hindi na ako nagreply. Tiningnan ko kung may text na si Shit at meron na nga kaya binuksan ko na iyon.

From: Shit

- Punta ka naman dito sa bahay.

-Hey, are you still there?

-Poop, I miss you....you know : (

-Okay. Mukhang busy ka ah. Sorry if I'm makulit. Just missing you again : (

Halos napatigil ako sa paghinga saka binaon ang mukha sa unan. Shyt! Shyt! Shyt! "Tangina!"

Kalma. Kalma. Kalma. Kalma. Kalma.

Hindi na ako nagreply at dumeritso na sa banyo para mahimasmasan. Since that kiss happen, palagi na lang nagwawala yung sistema ko.

"Sino ba kasi ang pisteng iyon?!" Syempre, wala akong nakuhang sagot.

Medyo nagpatagal ako sa banyo para malamigan at kumalma ako. Parang nagbabago na ata ako dahil sa halik na yun.

Habang papalabas sa banyo ay tinutuyo ko yung buhok ko. Isang loose na T-shirt na kulay pula saka isang puti na short. Sinuklay ko yung buhok ko saka tiningnan ang mukha sa salamin.

Hindi ko binawasan o dinagdagan kung anong meron sa mukha ko. Hindi ako nagbubunot ng kilay kahit na makakapal ang mga iyon. Hindi ako naglalagay ng pulbo o pampaganda. Kahit tigbebente lang yung lotion ko ay ayos na rin. Maputi naman na ako kaya hindi na kailangan ng mamahaling lotion. Ayaw ko talagang maging maarte sa sarili kagaya ng iba na halos maging clown na sa kapal ng makeup. Mga maarte pero peke naman yung ganda. Pft.

Nagpabango lang ako tsaka kinuha yung cellphone at wallet ko at nilagay ang mga iyon sa mini bag ko saka sinoot na ito at lumabas na sa kwarto ko.

"Oh, sama ng tingin mo saakin. Bad mood ang iyong mani?" Lumipad ang kutsara pero naiwasan ko lang iyon.

"Piste ka talaga! Nakakainis ka. Mamatay ka na. Mabangga ka sana ng track. Lintek ka."

"Alam mo, kapag ikaw sinutok ko, babait ka panigurado. Sarap mo ibigti, putangina ka." Sinamaan lang ako nito ng tingin at nagmamartsang umalis.

"Saan ka na naman pupunta basura? Palagi ka na lang umaalis ah." Lumabas si Helda mula sa kusina.

"Bakit? Pakealam mo ba? Pupunta ako sementeryo at hahanapin ang puntod mo." Sarkastiko kung saad at nginisian lang siya.

"Wala ka talagang galang! Lintek ka! Umalis ka na nga.

"Huwag kayong stress. Baka mabura ng maaga yung mga bata, pati na rin kayo." Nakita kung kumuha ito ng kaldero kaya agad na akong tumakbo palabas.

"Baby!" Napatingin naman ako sa harap at nakita ko si Levaster na nakangiti na parang walang bukas.

"Woii! Ang ingay mo." Sita ko sa kaniya.

QUEEN OF LOVE SERIES 01: HEROINE ANDRADA [COMPLETED]Where stories live. Discover now