15

196 15 0
                                    

Nakikita ko kung marami ng taong pumapasok. Sumabay lang naman ako sa kanila. Dahil masyadong maingat sila ay tinitingnan nila ang bawat tao kaya nagkakaroon na ng pila. Nasa gitna palang ako kaya umalis na ako dun at naglakad papunta sa harap. Agad akong hinarang ng isang Guard na  nasa pinto. "Pumila ka."

"Katamad pumila." Simpleng sabi ko.

"Patingin ng ID mo." utos nito.

"Wala akong dala."

"Hindi ka pwedeng pumasok."

"Bakit naman?"

"Umalis ka na kung ayaw mo kaladkarin kita---"

"Gago! Si Hero yan." napansin ko namang napatingin saakin ang mga tao pero nanatili lang ang tingin ko sa Guard na nasa harap ko. "Sinong Hero?" tanong niya.

"I'm Hero." sagot ko sa kaniya.

"Okay. Saan na ang ID mo." napabuntong hininga nalang ako saka tumalikod at itinaas ang damit ko sa likod ng ilang sandali bago ibinalik. "P-Patawad ho! Hindi na mauulit." Sabi nito habang nakayuko pero dinaanan ko lang siya saka binuksan ang pinto.

Pagpasok ko ay isang maingay na lugar ang bumungad for short, Bar. Madami ng tao na nag-iinoman. Pero hindi na ako nagtagal dun, dumeritso na ako sa likod at kumatok ng tatlong beses. Bumukas naman yung pinto kaya pumasok ako, hindi kagaya sa nauna ay nakapasok na agad ako, kilala na ako ng nagbabantay.

Isang hallway ang madadaanan ko at maraming kwarto ang nasa magkabilang gilid nun at ang laman ng mga kwartong yun? Simple lang, Illegal. Drugs, Guns, Bombs at iba pa.

"Hero!" Napatingin naman ako sa bumukas na kwarto at bigla nalang lumabas at tumalon papunta saakin si Leerex. "Ang---" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng halikan ako nito na dati niya ng ginagawa. "I miss you Babe." Nakangiting sabi nito.

"Ang bigat mo."

"Okay lang yan, malakas ka naman eh. You know I'm really tired---"

"Ayan nanaman. Gusto mo lang buhatin kita hanggang dun sa Arena." Naiiling na sabi ko at nagsimulang maglakad.

"Hehehhe kilala mo talaga ako babe, Btw, narinig daw ni boss na may nanggugulo sayo, ano lalaki o babae?" tanong nito habang nakahiga sa balikat ko at nilalaro  yung buhok ko.

"Nothing. Mga estudyante lang na walang magawa."

"Hmm. I'm really tired right now." Napailing nalang ako habang binubuhat siya. Makaraan ang ilang minuto ay naramdaman ko ng narelax na ang katawan niya, tulog na. Hindi naman na niya kailangan magtrabaho dahil mayaman naman na siya pero ewan ko sa babaeng 'to at trabaho ng trabaho.

Paa ko nalang ang ipinambukas ko ng pinto. Napatingin naman saamin ang ibang kasama din namin dito sa underground saka nailing nalang. "Nasasanay na si Leerex sa pagpapakarga sayo." Tatawa-tawang sabi ni Eprex.

"Adik na adik kay Hero eh." Iiling-iling na sabi ni Grakon na kakarating lang.

"Dadalhin ko muna siya sa taas tutal wala pa namang tao." Tumalikod na ako saka umakyat ng hagdan papunta sa taas. Kumatok ako at mayamaya ay bumukas na. "Hero." Bati saakin ni Lyronz na nagbabantay dito sa taas kapag wala si Boss.

"Dito muna ulit si Leerex. Nakatulog nanaman."

"Pagod 'yan kakaserve dun sa bar kanina. Ewan bakit nagtatrabaho 'yan eh mayaman naman. Kanina ka pa hinihintay niyan, alam muna, hindi makakatulog kapag hindi mo nabuhat papunta dito." Tatawa-tawang sabi nito.

Naglakad ako papunta sa higaan na nasa Gilid ng glass window at maingat na inihiga si Leerex dun. Balak ko na sanang aalis pero hinawakan ako nito sa braso. "Mamaya kana umalis, dito ka muna." Sabi nito at hinatak ako kaya napahiga din ako sa kama. "Ano---" hinalikan nanaman ako ulit nito sa saka kinubabawan pero agad ko lang siyang hiniga ulit. "Magpahinga ka." Utos ko sa kaniya kaya napanguso naman ito. " I just want a cuddle." narinig ko namang natawa si  Lyronz.

"May laban pa ako." sabi ko saka kumuha sa bulsa ko ng lollipop at binigay sa kaniya. "Matulog ka pagkatapos niyan." Bilin ko pero agad nanaman akong hinalikan ni Leerex.

"Yes Babe." Parang batang sabi nito.

"Ly, bantayan mo si Leerex baka lumabas nanaman."

"Yes Babe." Gaya niya kay Leerex kaya napailing nalang ako.

Pagkababa ko ay marami ng tao na manunood. Pumunta nalang ako sa Locker Room para makapaghanda. Nakita kung nagbibihis narin ang iba. "Ikaw ang mauunang lumaban ngayon Hero." Saad ni Madec.

"Hmm."

"May nalampaso na 'yan sa school kanina at babae pa." Napasipol naman sila sa sinabi ni Grakon pero nagpatuloy lang ako sa paglalagay ng benda sa kamay ko.

Ilang minuto lang ay tinawag na ako kaya lumabas na ako at agad kung nakita ang makakalaban ko. Lalaki. Nasa katamtaman ang pangangatawan.

Nakatingin saakin ang mga tao na nakaupo sa kanilang mga upuan habang naglalakad ako papunta sa ring. Kinapkapan pa ako ng ilang sandali.

Pagpasok ko sa ring ay agad ng nagsimulang mag-ingay ang mga tao lalo na ng isarado na ang Cage. Kapag nakapasok kana wala ng labasan hanggang sa hindi matapos ang laban.

Makaraan ang ilang sandali ay narinig ko na yung bell at kasabay nun ang pagsugod ng kalaban. Sumipa ito ng tatlong beses at pareho lang iyong nasangga pero bigla nalang itong sumutok at natamaan ako sa tagiliran kaya napaluhod ako at kukunin sana itong tyempo ng lalaki para sugurin ulit ako pero agad lang  akong  tumayo at pumurma na susuntok kaya napatigil naman ang kalaban. Binitawan ko ang kaliwa aat sasanggain naman ito ng kalaban kaya tinigil ko iyon saka pinakawalan ang kanan at inasinta siya sa panga, nasangga niya ito ng kunti pero huli na. Napaluhod ito sa sahig kaya hinawakan ko siya sa ulo at tinuhod sa mukha, nasangga niya iyon pero ang pinakawalan kung suntok ay hindi kaya napahiga ito sa sahig, tindyakan ko siya sa tiyan ng malakas at tinapakan sa leeg. Paulit-ulit ko lang siyang tinatadyakan sa tiyan hanggang sa hindi siya sumusuko. Namumula na ito  ng sumenyas ng pagsuko. Paubo-ubo at dumudugo ang ilong.

Tumalikod na ako saka pinabuksan na ang Cage tutal ay wala naman na akong mapapala sa kalaban ko. Tsk. Hindi man lang ako pinagpawisan.

"Nice One Babe!." Dinig kung sigaw ni Leerex mula sa taas kaya napatawa naman ang mga nanonood. Napailing nalang ulit ako.

Naupo ako dito sa sofa sa likod at nagsimulang kinuha  ang benda ko sa kamay. "Hey?" Napataas naman ang tingin ko sa pinanggalingan ng boses at bumungad sa  paningin ko ang isang lalaki na maputi.

"May kailangan ka?" Tanong ko.

"Nanood ako ng laban mo kanina and I'm impressed."

"Thanks?"

"Can I know your name?" Nakangiting sabi nito balak ko na sanang sumagot ng bigla nalang kumandong si Leerex saakin.

"She's mine!" Napailing nalang ako.

"Oh, sorry about that." Hingi ng paumanhin ng lalaki at umalis na.

"Bakit ka bumaba? Sabi ko matulog ka."

"Gusto kung manood ng laban mo eh tapos bantayan ka, baka mamaya may lumandi sayo kagaya ng lalaki kanina." Napapikit nalang ako.

"My head hurts." Usal ko.

Naramdaman ko namang gumalaw si Leerex at ilang sandli ay may nagmamasahe na ng ulo ko. Pero naramdaman kung hinahalikan niya nanaman ako sa pisngi.

"Rex huwag mo akong akitin, hindi gagana yan." Sabi ko saka dumilat.

"Babe, Am I ugly?" Tanong nito.

"No. Why?"

"Bakit ayaw mo sa'kin?" Nakangusong sabi nito kaya natawa naman ako saka niyakap siya. Dahan-dahan naman akong tumayo habang buhat-buhat si Rex.

"Saan tayo pupunta Babe?"

"Sa Bar." Sagot ko.

"Kakanta tayo babe?" Tumango naman ako kaya sayang-saya naman siya.

"You really love singing that much Rex?"

"Oo naman lalo na kapag kasama kita." Natawa nalang ako saka nagpatuloy na sa paglalakad.

QUEEN OF LOVE SERIES 01: HEROINE ANDRADA [COMPLETED]Where stories live. Discover now