30

195 12 0
                                    


"Wala na bang ibibilis 'to?" Tanong ko sa taxi driver. Kanina pa kami naiipit sa traffic. Parang pagong yung sinasakyan ko pota.

"Traffic kasi Miss."

"Kita ko nga Manong. Baba na nga lang ako dito. Oh ito bayad." Bigay ko sa kaniya at lumabas na at nagsimulang tumakbo pero dahil ang nakaheels ako natatapilok ako. Buset!

Hinubad ko yung heels ko saka nakayapak na tumakbo. Pinagtitinginan ako ng mga tao pero hinayaan ko lang. Tumakbo lang ako ng tumakbo. Nililipad ang piste kung dress pero hinayaan ko na lang, may cycling pa naman ako.

Makaraan ang ilang sandali at nakarating na rin ako sa labas ng bahay nila. Hinihingal muna akong tumigil. Daig ko pa hinabol ng aswang pota.

"Hero, Iha? Ikaw ba iyan?" Napatingin naman ako sa likod ko at nakita ko si Tita Teimhs.

"Ako nga po." Habol hiningang saad ko.

"Bakit pawis na pawis ka Iha? May humahabol ba sayo? Tara pumasok muna tayo sa loob." Alalang saad ni Tita at pinapasok ako sa loob.

"Andito po ba si Shit?" Napakunot naman ang noo ni Tita saka agad napatango-tango.

"Si Thorr? May sakit siya Iha. Ang taas ng lagnat niya." Para naman agad akong nakonsensiya ng maalalang hindi ko pinansin ang message niya kanina. Shyt! "Uminom ka muna ng Juice, Iha. Hingal na hingal ka."

"Salamat po." Tinanggap ko iyon saka ininom. Limang laghok lang ay naubos ko na iyon.

"Pwede ko po bang puntahan siya?" Tanong ko.

"Oo naman Iha."

"Pupuntahan ko lang po siya." Paalam ko.

"Iha, pakidala naman sa kaniya ito oh. Hindi pa siya kasi kumakain at umiinom ng gamot simula kagabi. Naulanan kasi siya kahapon, basang-basa siyang umuwi." Lalo akong nakonsensiya. Ako ang dahikan bakit nagkasakit si Shit, umuulan ng umuwi kami kahapon, hinatid niya pa ako sa bahay kaya naabutan siya ng malakas na ulan.

"Sige po Tita." Tumalikod na ako saka dinala ang silver tray na may lamang pagkain at gamot.

Habang nasa hagdan ay nakita kung pababa si Tito Matherro na agad ngumiti ng makita ako. "Magandang hapon po."

"Magandang hapon din Iha. Mabuti at nakadalaw ka ulit."

"Pinapunta ako ni Thorr, may sakit daw po  kasi siya."

"Iyong batang iyon hindi pa kumakain at umiinom ng gamot. Maski lumabas ay hindi rin. Nag-aalala na kami."

"Dadalhan ko nga po siya sa taas ng pagkain. Matakaw pa naman iyon." Natawa naman si Tito. Nagpaalam na ako sa kaniya at agad na pumunta sa harap ng pinto ni Shit at kumatok.

"I'm not hungry Mommy. Just leave me alone."

"Its me, Hero." Natahimik naman ito sandali bago magsalita.

"Why are you here? I thought you are busy." Mahinang saad nito ngunit narinig ko pa rin.

Dahan-dahan ko namang binuksan ang pinto at bumungad saakin ang madilim na silid. Hinanap ko naman muna ang switch at ini-on. Nakita ko na nakatalukbong ito ng kumot.

"Hey, get up. Kumain ka muna. Hindi ka pa raw kumakain mula kagabi."

"I'm okay. Just leave and go back to your date. Baka hinahanap ka na niya."

"Tinakbo ko lang mula sa Tops papunta dito sa bahay niyo Shit. Nakapaa ko lang tinakbo iyon tapos papaalisin mo lang ako?" Agad naman itong bumangon at kinuha yung tray at nilagay sa mesa sa gilid.

QUEEN OF LOVE SERIES 01: HEROINE ANDRADA [COMPLETED]Where stories live. Discover now