19

194 16 0
                                    


Naglalakad na kami ngayon papunta sa Cafeteria at sumama saamin ni Totga yung apat na itlog. Nagtsitsimisan si na Yui, Smith at Totga tungkol sa kanina habang yung dalawa naman ay nasa tabi ko at tahimik lang.

Tumigil ako kaya napatigil din sila. "Mauna na kayo sa Cafeteria, may dadaanan lang ako."

"Samahan na kita."presenta ni Shin pero umiling lang ako.

"Mauna na tayo, pabayaan niyo na ang tomboy na yan." Nauna ng naglakad si Shit at sumunod naman  ng iba matapos magpaalam saakin. Nang makitang wala na sila saka na ako tumalikod.

Habang naglalakad ramdam kung may sumusunod saakin. Kanina pa siya nakasunod. Lumiko ako papunta sa likod ng isang lumang building pero bumungad saakin ang tatlong lalaki. Tsk.

"Anong kailangan niyo sakin?" Agad kung narinig ang isang pamilyar na tawa at maya-maya ay lumabas na si Kim mula sa gilid.

"Bakit, natatakot ka na ba?"napatawa naman ako sa tanong niya.

"Hindi naman."simpleng sagot ko.

"Hindi ko alam kung ano ang ginawa mo at hindi ka pa pinatalsik dito sa school. Pero ngayon sisiguraduhin ko na hindi ka na makakalakad pa." Bigla sumugod ang tatlong lalaki saakin pero simple ko lang iyong naiwasa. Kumuha ako ng dospordos sa gilid saka hinubad ang bag ko.

"Mali kayo ng binangga."seryusong sabi ko saka tumakbo papalapit sa kanila. Balak sana akong suntukin ng isa pero hinawakan ko lang siya sa kamay saka hinampas sa hita kaya napaluhod ito. Agad kung sinipa ang isa  pa na balak sana akong hampasin ng dospordos. Yumuko ako ng bigla nalang sumipa ang isa saka hinampas siya sa likod kaya napahiga ito. Napatingin ako sa isang lalaki na siyang sumusunod saakin pero tumakbo ito. Napatingin naman ako kay Kim na ngayon ay nakatanga nalang saakin. Naglakad ako palapit sa kaniya at hinagis sa gilid yung dospordos. "H-Huwag kang lumapit!" sigaw nito at balak sana akong sampalin pero dinakip ko lang ang kamay niya saka tinulak siya sa pader.

"Takot ka ata?"Nakangising tanong ko rito.

"Isusumbong kita sa Dean! Bitawan mo'ko ano ba!" pagsisigaw nito pero tinawanan ko lang  siya.

"Isusumbong? Pft. Diyan ka lang naman magaling diba?" Nagpupumiglas ito pero lalo ko lang hinigpitan ang hawak ko sa mga kamay niya.

"Bitawan mo ako ano ba!" Isang malakas na sampal ang pinakawalan ko at tumama iyon sa pisngi niya kaya napatigil ito sa pagsigaw.

"Ayan, para mahimasmasan ka sa katangahan mo." Binitawan ko ito kaya napaupo ito sa sahig habang nakahawak sa pisngi niya.

Tumalikod na ako saka naglakad papunta dun sa bag ko at sinoot iyon. Bigla kung nakita ang isang grupo pero hinayaan ko nalang saka naglakad na paalis.

"Tulong! Hero! Tulungan mo'ko!" Napasipol nalang ako ng marinig iyon.

"Tangina." Sakit talaga sa ulo ang isang 'to. Tumakbo na ako pabalik at kita ko ang mga lalaki na pinagtutulungan si Kim.

"Hoy mga gago!" napatingin naman sila saakin.

"Heroine, long time no see ah." Grupo nina  Silver pala.

Naglakad naman ako papunta sa gawi ni Kim  na agad na tumakbo papunta saakin. "Ayan tatanga-tanga ka pa ulit."singhal ko sa kaniya.

"Akala ko kalaban mo yan?" Napatingin naman ako kay Silver.

"Oo pero hindi ko hahayaang gahasain niyo 'tong tanga na 'to. Hayuk pa naman yang mga bata mo." Napatawa naman siya saka sumeryuso.

"Yung sinabi ko sayo. Ano na ang desisyon mo Hero."

QUEEN OF LOVE SERIES 01: HEROINE ANDRADA [COMPLETED]Where stories live. Discover now