31

177 12 1
                                    

"Good Morning." Masayang bati ni Kim saakin pagdating ko sa school.

"Morning." Bati ko rin saka naglakad na papasok siya naman ay nasa tabi ko.

"You look---" Hindi natapos ni Kim ang sasabihin ng biglang may sumigaw mula sa likod.

"Poop! Good Morning." Inakbayan ako ni Shit na ngiting-ngiti.

"Good Morning din." Nakangiting bati ko saka  naglakad na.

Madaming napapatingin saamin pero hinahayaan ko na lang tutal wala naman akong pake. Bahala sila.

"Hero, mauuna na ako ah. Andon yung mga kaibigan ko." Paalam ni Kim.

"Hmm. Mag-iingat ka." Nakangiting saad ko saka ginulo ang buhok niya.

"Seeyah." Umalis na ito at pumunta sa mga kaibigan niya.

"Akalain mo yun, Poop. Naging kaibigan mo na rin siya." Napatawa naman ako.

Simula ng iligtas ko si Kim naging mabait na ito. Palagi akong nililibre. Binibigyan ng chocolates. Pinapakilala sa mga kaibigan niya at iba pa.

"Ikaw nga sinuntok lang ako dati pero ngayon ay manliligaw ko na." Yes, manliligaw ko na ang lalaking abnoy na 'to. Simula nung nangyari sa bahay nila, nagsimula na siyang manligaw dahil si ako pumayag naman. Ewan ko nga bakit ako pumayag eh.

I admit na meron na. Pero I'm not sure about it. I just want to take it in slowly but surely procedure.

"May 200 item quiz na naman si Panot mamaya." Ngumisi lang naman ako.

"Ano naman big deal dun? Palagi naman siyang nagpapaquiz eh."

"Kapag naprefect mo, lilibre kita ng orange flavor na cake, Haikyuu." Napatingin naman ako sa kaniya.

"Talaga?"

"Hmm. Kapag ako naman nakaperfect, kiss lang ayos na." Binatukan ko naman siya.

"Baliw ka talaga."

"Basta yun yung deal."

"Hindi nga ako pumayag eh."

"Edi pumayag ka na."

"Wow naman."

"Hahaaha sige na kasi."

"Oo na. Oo na." Pagpayag ko dahil wala naman na akong magagawa.

"Yes! E-peperfect ko talaga yung quiz." Nailing na lang ako saka pumasok na sa room. Agad ko namang nakita si Totga na nakatitig sa isang babae na tumatawa. "Oy! Baka matunaw." Napakurap-kurap naman ito at napatingin saakin saka ngumiti.

"Magkasama na naman kayong dalawa?" Nagsamaan naman sila ng tingin ni Shit.

Nagka-ayos na sila ng nakaraan. Ewan bakit sila nagkatampuhan pero nagibg maayos naman sila. Mag-uusap at kulitan na eh.

"Bakit? Selos ka noh? Ayan kasi ayaw ni Poop sayo kasi ampangit mo raw." Nailing na lang ako sa dalawang 'to. Sa nakalipas na ilang linggo ganito sila palagi.

"Hoy! Kaibigan/Kapatid lang turing ko kay Heroine huwag kang advance! Tsaka saating dalawa ikaw yung pangit. You're so pangit. Sana hindi ka sagutin ni Hero, right Hero hindi mo siya sasagutin?" Tinawanan ko lang naman sila ng sakalin ni Shit si Totga.

"Kapag ako hindi sinagot, ililibing kita sa basurahan at ipapakain sa mga langgam."

"Kung kaya mo."

Naupo na lang ako sa upuan ko at tiningnan lang sila. Medyo payapa naman na ngayon ang buhay ko basta hindi magtatagpo ang landas namin ng Lexi na hangal.

QUEEN OF LOVE SERIES 01: HEROINE ANDRADA [COMPLETED]Where stories live. Discover now