21

185 12 0
                                    


"Hero! Gumising ka na diyan putangina." Napabangon naman ako at napatingin sa oras at nakita kung 9:12 na ng umaga.

"Wala akong pasok ngayon." Saad ko ng buksan ang pinto.

"Bumili ka nga ng ulam. Walang maayos na ulam dito piste." Napatingin naman ako sa mesa at may itlog saka hotdog.

"Ayaw ng mani-este nung baby sa Itlog at Hotdog?" Linakasan ko ang pagkakasabi ng mga iyon kaya yung tingin ni Helda parang papatayin ako.

"Huwag mo akong inisin Heroine ah. Masasakal talaga kita kapag hindi ka tumigil. Bilisan mo na bilhan mo na ako."Binigyan niya ako ng isang libo kaya tumalikod na ako at lumabas. "Linaga o Afritada?"

"Dalawa." Naglakad na ako papunta sa karenderya sa may malapit lang.

"Anong sayo Hero?" Tanong ni Mang Kilab.

"Nilaga saka Aftrida. Damihan niyo yung sabaw."

"Oo naman. Malakas ka saakin eh." Natawa naman ako. Pero agad akong napaatras ng may bumunggo saakin. Tatlong malalaking lalaki.

"Mang Kilab ano na? Magbibigay ka o sisirain namin 'tong karenderya mo."

"Wala pa akong kita. Umaga palang." Dahilan ni Mang Kilab pero bigla nalang siyang sinakal ng isa.

"Matanda yan mga pre." seryusong saad ko saka kinuha ang kamay niya na nakahawak kay Mang Kilab.

"Sino ka naman ah? Huwag kang makialam dito kung ayaw mo masaktan." Natawa naman ako.

"Ayusin niyo ang ugali niyo. Andito ka sa teritoryo ko." Kinuha ko yung itak ni Mang Kalib saka tumingin sa kanila.

Bigla nalang sumugod ang isa pero sinipa ko lang siya tinadtad ng saksak. Sunod na umatake ang isa pero naiwasan ko lang iyon saka agad siyang hinampas ng itak sa leeg. Tumingin ako sa isa saka dahan-dahang lumapit pero bigla itong lumuhod. "Pasensiya na ho, pasensiya na. May pamilya pa ako."

"Kayong dalawa tumayo kayo diyan huwag kayong OA. Likod lang ng itak ang tinaga ko sa inyo." Sita ko sa dalawa saka tinutukan sila ng itak.

"Umalis na kayo. Ang aga-aga nampipiste." Tumakbo naman sila papaalis kaya bumuntong hininga ako.

"Mang Kaleb yung ulam na inorder ko." Binigay naman saakin ng matanda kaya kinuha ko na iyon saka binigay sa kaniya yung isang libo. Binalik ko na rin ang itak niya saka kinuha yung sukli. "Salamat ng marami Hero. Pasensiya na sa abala."

"Ayos lang. Mauuna na ho ako." Paalam ko saka naglakad na pabalik ng bahay.

"Tagal mo naman." Reklamo ni Helda.

"Sana ikaw bumili." Sagot ko saka nilagay sa bowl yung mga ulam.

"Ayusin mo ang pagsagot sa akin ah."

"Lintek kumain ka na nga. Dami pang satsat piste." Naupo na ako saka kumuha ng kanin saka afritada.

"Ayaw mo kumain ng hotdog? Ayaw mo sa maliit na hotdog?" Nakangising tanong ko habang tumutuhog ng hotdog.

"Huwag mo akong bwesitin Hero."

"Oh gising na ang isa pang mani." Agad naman akong sinamaan ng tingin ni Heleen.

"Ang gago mo Hero."

"Alam ko."

"Bahala ka nga diyan lintek ka." Natawa nalang ako saka nagpatuloy sa pagkain.

Pagkatapos kumain ay ako na ang naghugas ng pinagkainan. Nang matapos ay pumasok na ako sa kwarto at naghanap ng maisusuot. Sa huli ay isang itim na loose na T-shirt ang napili ko saka isang puting loose na short.

QUEEN OF LOVE SERIES 01: HEROINE ANDRADA [COMPLETED]Where stories live. Discover now