33

190 11 0
                                    

"Saan punta mo gaga? Bakit ayos na ayos ka ata? Nakadress pa ah." Nginisian ko lang naman siya.

"Date bakit? Ay oo nga pala, juntis kaya hindi makalandi ng ibang lalaki na mayaman." Sinamaan naman ako nito ng tingin pero hinayaan ko lang.

Malaki na ang tiyan ng dalawang mani. Tatlo o apat na buwan na ata yung tiyan nila. Hindi ko alam, bahala sila diyan.

"Alis na ako mga mani." Paalam ko saka lumabas. Marunong naman akong magpaalam kahit papaano eh.

Agad na tumigil ang mga mata ko sa lalaking nasa harap ko. Agad ns gumihit ang ngiti sa labi ko saka lumapit sa kaniya. "Good Morning, Poop."

"Good Morning din. Ang aga mo ah." Sumakay ako sa likod ng pagbuksan ako nito.

"Excited akong makita ka eh. Ang ganda mo ngayon. Babaeng-babae." Natawa naman ako.

Isang pink na bestida na may ribbon na belt at tatlong butones sa taas ang suot ko. Yung buhok ko naman ay hinati ko lang sa gitna saka nilagyan ng clip yung sa kabila na ibinigay ko sa porma ko. Wala akong make-up na kahit ano. "Saan mo ba ako ide-date, Shit?"

"Secret muna."

"By the way, pinagalitan ka ba ni Tita Teimhs dahil ginabi ka ng byernes?" Tanong ko. Nanood pa kasi siya ng laban ko. At ayon nagselos kay Rex pero inexplain ko naman agad kaya nawala yung tampo at selos niya.

"Hindi naman. Sinabi ko kasi na kumain at inihatid pa kita." Napatango-tango naman ako saka niyakap si Snorlax. "Malapit na Birthday natin, Poop. Saan ka maghahanda?"

"Sa bahay na lang siguro. Hindi naman bigdeal talaga saakin yung Bithday ko, itutulog ko na lang. Hindi na rin ako maghahanda."

"No, e-ce-celebrate natin dapat......ng magkasama. Wait, I have an Idea. Ano kaya kung dalhin natin ang mga pamilya natin tapos magbakasiyon tayo sa Cebu? Total wala namang pasok sa Friday, so Friday to Sunday, diba?"

"Pero baka mangyari na naman yung nangyari dati nung nagbakasyon tayo." Natatawang saad ko saka bumuntong hininga.

"No, it won't happen again. I promise. Hurting you means hurting myself too. Don't worry, okay? I will never hurt you again, I won't promise because some things happen that we don't know. But as far as I can, I will not hurt you again instead I will love you and love you and love you. Again and again." Nag-iwas naman ako ng tingin ng tumingin siya saakin. "You know, I'm falling for you everyday. You're so pretty, you're simple but quiet cool. You're smart. You're independent. And many---"

"Tama na. Tama na. Kinikilig na ako." Tumatawang saad ko dahil feeling ko nagpaparty na yung puso ko sa loob.

"Really? Oh, you're turning red baby. Damn, you're pretty. I love you."

"Hm hm. Gwapo ka rin ngayon. Bagay tayo." Pareho naman kaming natawa.

"Masaya ka ba ngayon?" Tanong nito.

"Oo naman." Masayang-masaya. I never felt this overwhelming happiness  before. Yung parang tumatalon-talon yung puso ko.

"Mas papasayahin pa kita." Saad nito at tinigil ang sasakyan. Napatingin naman ako sa wrist watch ko at halos isang oras na simula ng umalis kami ng bahay. Parang ang bilis naman.

"Andito na ba tayo?" Tanong ko saka binuksan ang pinto.

"Yes." Agad naman akong napatingin sa harap at halos tumalon na naman ang puso ko ng makitang nasa harap kami ng isang Amusement Park. "Naalala ko kasi noon na sabi mo hindi ka nakakapaglaro and wala kang kasama palagi. So naisip ko dito. Gusto mo ba?"

"Gustong-gusto. Tara, Shit. Pasok tayo." Excited na saad ko.

"Wait. Kukunin ko lang yung camera ko." Tumango naman ako at hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi ko. "Tara, Poop." Humawak naman ako sa braso niya saka umayos ng tayo at naglakad papasok. Habang naglalakad ay napapatingin ako sa mga rides. They look scary actually, they go up and down, twirl and twirl, swing and many more.

QUEEN OF LOVE SERIES 01: HEROINE ANDRADA [COMPLETED]Where stories live. Discover now