34

179 11 0
                                    

"Hero, may sasabihin ako." Dinala ako ni Kim sa walang taong lugar ng makita akong pumasok kanina.

"Ano yun?"

"I lie. I'm sorry."

"Hm?"

"H-Hindi ako ang humalik sayo doon sa Janitors Room ng araw na iyon."

"I know." Nagugulat naman itong napatingin saakin. Nginitian ko naman siya. "Yung halik kasi ng na naganap sa Janitors Room ay iba sa halik nung sa Clinic. When you kiss me, sorry to hurt you but I don't feel anything."

"I'm sorry for lying."

"I will forgive you in one condition."

"What is it? Say it. I will do it."

"Ilahad mo yung buong pangyayari ng oras na iyon. Then I will forgive you."

"D-Deal."

"Hm."

"May pinapautos nun si Sir saakin. Pero parang naiihi ako kaya pumunta ako sa Main na Cr dito sa floor natin pero sarado ata kaya pumunta ako sa ikalawang Cr. Medyo madilim doon dahil inaayos ata na ewan doon tapos yun nga nakita kita. Balak sana kitang puntahan nun kaso nakita ko na may nakaabang sayo sa may unahang parte ng lugar sa may medyo madilim. Hindi mo siya makikita mula sa gawi mo at yun nga ang nangyari. Bigla ka na lang niyang hinatak papunta sa Janitors Room. At yun na ang sumunod na nangyari. At yung gumawa nun ay---"

"Kilala ko na." Nakangiting saad ko saka ginulo ang buhok niya. "Una na ako sa room." Paalam ko saka naglakad na.

Pumasok na ako sa loob ng kwarto at agad naupo sa upuan ko. "Good Morning." Nagulat naman ako biglang inilapit ni Shit ang mukha nito.

"Ahm...ano...g-good morning din." Natawa naman ito saka pinat ang ulo ko.

"You're so cute."

"Hm." Kinalma ko ang sarili ko ng makitang nakatingin saamin yung ibang kaklase namin at pumasok si Yui at Speaker na no. 1 sa pagka-tsismoso.

"Good Morning, Hero." Bati ng dalawa.

"Morning din."

"Pupunta ka ba bukas sa Birthday ni Toma?" Nagkatinginan naman kami ni Shit.

"Birthday ko din bukas." Natatawang sagot ko at gulat na gulat naman ang nga baliw.

"Wala ka na Toma, kambal mo pala si Hero eh." Agad namang tumama ang ballpen sa dibdib ni Yui na ibinato ni Shit.

"Sinasaktan mo na ako? Nagka-Hero ka lang nananakit ka na." Arte naman niya at kami naman ay natatawa lang.

"Wala akong pakialam sayo singkit." Sigaw ni Shit sa kaniya.

"Hero. Hero. Nakita mo yung ugali niya? Ang sama-sama diba? Huwag mong sasagutin yan." Saad ni Yui habang nakaturo kay Shit. Balak na sana siyang sugurin ni Shit mabuti na lang at dumating si Sir. Nakaligtas.

Nagsimula na ang klase. Kagaya ng dati ay ganoon pa rin naman. Discuss then quiz or oral recitation. Ganiyan naman palagi si Sir.

Enjoy lang kami sa pagtuturo niya dahil masaya siyang Teacher. Nagjo-joke siya palagi at ine-explain niya kaagad ang hindi maintindihan ng mga esudyante.

Nagpatuloy lang ang klase namin. Sa second sub namin ay gumawa lang kami ng isang report na on the spot. Hindi naman siya ganoon kahirap kaya natapos ko rin agad.

Sa third sub naman ay si Panot ang teacher namin. At kagaya ng dati, ang sakit na naman makatingin at parang papatayi kami. May pa 200 quiz na naman siya saamin at kagaya ng dati kami na naman ni Shit yung walang plus points kasi nga may lihim na galit talaga siya saamin. Pero sa huli ay wala,  prefect pa rin.

QUEEN OF LOVE SERIES 01: HEROINE ANDRADA [COMPLETED]Where stories live. Discover now