05

254 19 1
                                    

Narinig ko ang tunog ng bell kaya tumayo na ako. Lunch Break na. Nagsialisan na ang mga classmate ko kaya sumunod naman ako. Balak kona sanang lumabas ng bigla nalang sumarado ang pinto. Pinihit ko yung doorknob pero ayaw mabuksan. Pinihit kopa ng ilang ulit pero wala talaga. Nalock ako.

Nakarinig ako ng mga tawanan mula sa labas at nakita kung may sumisilip sa akin mula sa bintana, actually marami sila.

Bumuntong hininga nalang ako saka tinatamad na bumalik sa upuan ko. Nagsalpak ako ng earphones sa tenga ko saka nahiga sa mga kamay ko.

Binigyan panga nila ako ng pabor, hindi naman ako kumakain sa tanghali eh, natutulog lang ako dun sa Garden kapag wala pa si Totga, Tsaka tinatamad akong maglakad ngayon. Umuulan pa naman sa labas.

Tumingin ako sa mga tao sa bintana na nakakunot na ang noo pero nginisian ko lang sila kaya ayon nagsi-walk out. Pft.

Makalipas ang ilang sandali ay tahimik na ang lugar. Wala naman talagang music yung earphones ko, nilagay ko lang iyon para mauto sila na hindi kona sila naririnig.

Boring naman.

Napatingin ako sa katabi kung bintana at nakita ko na tumila na yung ulan at ang ganda na uli ng langit.

Ganon lang ang ginawa sa mahigit sampung minuto bago tuluyang tumayo at kinuha ang bag ko. Kumuha ako ng isang wire sa bag ko saka sinimulan ng kalikutin ang pinto.

Makaraan lang ang ilang minuto ay narinig ko na itong nagclick kaya bumuntong hininga ako saka binuksan ang pinto. Agad kung nakita yung Toma and friends na nasa kabilang banda at nakasandal sa pader at hindi nakapaniwalang nakatingin saakin pero  nagkibit balikat lang ako saka laglag balikat  na naglakad na dati ko ng ginagawa.

"Ganiyan talaga kapag may lahing magnanakaw." Napatigil naman ako saka tumingin sa nagsalita. Nakita kung nakangisi na ito. Tiningnan ko lang siya ng ilang sandali bago tumalikod at naglakad.

"Hero!" Nakawagayway ang kamay na tawag saakin ni Totga mula sa harap pero tiningnan ko lang siya saka naglakad. "Bumagsak ka? Drop out? Bakit ganiyan mukha mo? May nangyari no?"

"Amboring lang." Sabi ko saka naglakad pero bigla nalang akong binangga ng malakas ng kung sino.

"Ops. Kakalat-kalat ka kasi." Sabi nung Toma at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Hey ayos kalang? May masakit ba sayo?" Agad na tanong sakin ni Totga.

"Hindi ako mamamatay sa isang napakahinang bunggo lang."

"Tara na nga, punta tayo sa Cafeteria, umulan kaya hindi tayo makakain sa labas so wala ka ng magagawa." Bigla nalang ako nitong hinawakan sa braso at nagsimulang maglakad at wala na akong nagawa kung hindi ang maglakad kasunod sa kaniya.

"Eww. Bakit may basura dito. Yucks naman. Nawalan na ako ng ganang kumain." Nandidiring sabi ni Kim habang nakatingin saakin.

"Arte mo." Napasipol naman ang mga tao ng sabihin ko iyon at ito namang kasama ko ay ngiting-ngiti habang hinihila ako.

Bigla ako nitong pinaupo sa isang upuan at umupo naman siya sa harap ko. Dalawa lang kami sa isang table pero yung mga matang nakatingin ay napakarami.

Nahiga ako sa braso ko at pumikit na. Dahil nga andito ako sa Cafeteria ay hindi na natigil ang bulungan.

"Hero!" Sigaw ni Totga kaya napamulat ako at naramdaman ko nalang na may malamig na dumadaloy mula sa ulo ko papunta sa katawan ko.

Tumayo ako kaya mas lalong dumaloy yung Smoothie, mula sa ulo ko hanggang sa iba't-ibang parte ng katawan ko. Naging orange na ang Uniform ko. Napatingin ako sa may gawa at kita ko yung Toma nanaman."Oops. Nadulas sa kamay ko." Tumatawang sabi.

Kinuha ko yung Juice na nasa table saka naglakad papunta sa harapan ng Toma at ibinuhos sa ulo niya yung Strawberry na Juice. Agad na napatigil ito sa pagtawa at tumingin saakin. "Oops. Nadulas sa kamay ko." Gaya ko sa boses niya pero agad niyang dinakma ang kuwelyo ng Uniform ko. "Gago ka talaga eh no!" Sigaw nito sa pagmumukha ko.

"Hmm." Simpleng sagot ko at namalayan ko nalang na nasa sahig na ako at dumudugo yung labi.

"Bagay sayo 'yan. Ang basurang katulad mo walang karapatan na magtapang-tapangan sa kaharian ko." Tumayo ako saka dumeritso ng tayo saka naglakad papunta sa kaniya at hinawakan siya sa balikat at agad na sinuntok ng malakas sa tiyan. "Pero wala kang karapatang saktan ako." Sabi ko saka iniwan siyang nasa sahig.

Kinuha ko yung bag ko sa upuan at umalis doon. Kaya ayaw ko pumupunta sa Cafeteria eh. Tsk.

"Hero hintayin mo'ko! Hero." Hinayaan ko lang si Totga na humabol. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad at hindi pinansin ang mga nagtatawanang estudyante.

Agad akong pumasok sa loob ng banyo saka naghilamos ng mukha. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at napatawa nalang ng mapakla. I really hate this feeling.

Hinubad kona yung Uniform na nagkulay Orange dahil sa Smoothie. Linabhan kona iyon para mawala ang smoothie pero basa nadin yung sando ko. Basa na lahat.

"Ahm Ikaw ba si Hero?" Napatingin ako sa nerd na may hawak na paper bag.

"Ako nga, bakit?"

"Pinabibigay ng lalaki dun sa labas 'to. Ibigay ko daw sayo." Napatingin naman ako sa paper bag.

"Sinong lalaki?"

"Hindi ko alam eh." Kinuha ko naman iyon  kaya umalis na ang babae na nagbigay.

"Mga bagong Uniform? Kanino galing 'to?" tanong ko habang nakatingin sa laman mg paper bag. Baka kay Totga?

Wala na akong choice.

Pumunta ako sa isang cubicle at naligo dahil may mga smoothie pa pati sa buhok ko na maikli, nagpagupit ako undercut, nasa taas lang yung mahaba na hanggang sa leeg ko naman kahit papaano. Mainit kapag masyadong mahaba yung buhok.

Matapos kung maligo ay sinoot kona yung bagong Uniform. Napangiwi nalang ako sa palda, hindi man lang umabot hanggang tuhod. Nataponan  din kasi ng smoothie yung palda ko kanina. Shit ang ikli naman, pero wala na akong choice.

Pumunta ako sa harap ng salamin at agad na inayos yung necktie na bago na kulay pula at  may tatak pa ng School. Inayos ko yung buhok ko na basa, hinayaan ko lang na nakalugay. Palagi ko siyang tinatali dati kapag naiinitan ako.

Napatingin naman ako sa Palda ko, ang ikli talaga. Argh!

Kinuha kona ang damit ko sa may dryer at nilagay sa plastic, amoy smoothie padin siya at Orange na ang kulay niya. Nilagay kona ito sa bag ko saka tiningnan pa sa huling pagkakataon ang mukha ko.

QUEEN OF LOVE SERIES 01: HEROINE ANDRADA [COMPLETED]Where stories live. Discover now