32

174 10 0
                                    

"Shit, hintayin mo naman ako." Habol ko sa kaniya at hinawakan siya sa braso.

Ewan kung saan siya pumunta ng nakaraan basta ngayon ko na lang siya ulit nakita mula ng nangyari yung sa clinic. Mga isang linggo na rin ang nakalipas mula nun.

"Hey, may kailangan ka?" Kaswal na saad nito habang nakangiti. Parang may pumitik naman sa puso ko sa hindi ko malamang rason.

"Mag-usap tayo." Saad ko.

"Oh, sorry. May pupuntahan pa kasi ako. Medyo nagmamadali alam muna hahaha. I have to go." Tumalikod na ito at balak na sanang sumakay.

"I hurt you....sorry."

Ngumiti naman ito saka tumingin saakin. "Its okay. Mas mabuti ng ako yung masaktan kesa ikaw. I don't want to hurt you again. I won't hurt you because I love you. So its okay na ako na lang, kaya ko pa naman."

"Sorry..."

"Forgiven. I have to go. Bye. I love you." Kumabog ng malakas ang dibdib ko ng halikan ako nito sa noo pero kasabay nun ay tumulo na lang yung luha ko.

Wala ng tao dito sa school kung meron man ay kunti na lang. Mag-aalasais na kasi. Kanina ko pa siya hinihintay dahil nakita ko nandito pa ang kotse niya.

"Gabi na. Umuwi ka na, Hero."

"W-Wala na akong masasakyan." Saad ko saka pasimpleng pinahid yung luha ko. Nasaan na yung Poop? Bakit Hero na lang.

"Hmm. Sige sumabay ka na lang saakin. Ihahatid kita bago umuwi." Nakangiting saad nito at binuksan ang pinto. Tahimik naman akong pumasok.

Naging tahimik ang biyahe. Walang nagsasalita saaming dalawa. Pero ng hindi ko na makayanan  ay nagtanong na ako. "Galit ka ba saakin?"

"No."

"Galit ka eh." Hindi ko alam pero parang iiyak na talaga ako. Hindi naman ako ganito dati ah.

"No."

"Sabi na galit ka talaga eh." Naiiyak na talaga ako.

"No--hey, I are you crying?" Tinigil nito ang sasakyan at ako naman ay naiyak na. Hindi ko alam ang dahilan pero nasasaktan ako.

"Kaya hindi mo na ako kinakausap at hindi ka na nagpapakita kasi galit ka saakin. I'm sorry. I'm sorry. Hindi ko naman ginusto yun eh." Saad ko habang pinupunasan ang luha ko pero agad itong pumasok at niyakap ako ng mahigpit.

"Baby, Don't cry. I'm not galit, okay? Stop crying already, I love you." Napayakap naman ako sa kaniya saka napaiyak lalo na parang bata. "Don't be sorry, you don't do anything wrong."

"I miss you." Kusang lumabas na lang iyon sa bibig ko at agad na namula dahil sa kahihiyan.

"I miss you too." Nakangiting saad nito at hinalikan ako sa noo saka hinagod ang likod ko para pakalmahin ako at naging epektebo iyon dahil napatigil ako sa pag-iyak. Pero yung puso ko ay lalong lumakas ang tibok pero agad akong napapikit ng tumunog ang tiyan ko. "My baby is hungry, huh?" Tatawa-tawang tanong nito pero ngumuso lang ako.

"Kanina pa kita hinihintay dun sa parking lot eh." Agad naman ako nitong hinigit palabas ng kotse. "Then we'll eat. What my baby wants?"

"Ikaw na bahala." Nagugutom na talaga ako.

May trabaho pa pala ako mamaya.

Naglakad naman kami papunta sa isang table. Si Shit na ang nag-order para saaming dalawa. "Inaantok ako." Saad ko saka pumikit pero naramdaman kung may gumagalaw sa gilid ko at nangtingnan ay nasa tabi ko na siya. "Dito ka mahiga para komportable." Tap niya sa balikat niya.

QUEEN OF LOVE SERIES 01: HEROINE ANDRADA [COMPLETED]Where stories live. Discover now