27

181 14 0
                                    


Papunta na ako ngayon sa Underground dahil byernes ngayon. Pero hindi na talaga nawala sa isip ko yung halik na yun. Pinipiste na ako ng punyetang halik na yun. Iba ang halik na yun kesa sa mga halik na nauna. Iyon yung unang halik na nakapagpatibok ng puso ko ng sobrang bilis. Nakapagpatigil sa mundo ko.

"Shyt!" Mura ko ng kumabog na naman ng malakas ang puso ko. Ganito na lang palagi ang nangyayari saakin kapag naaalala ko yung halik na iyon.

Naiinis rin ako dahil hindi ko alam kung sino iyon. Wala akong ka-ede-ediya dahil nga sa pisteng sobrang dilim doon ng maganap ang---lintek na iyon.

"Bwesit!" Nagulat siguro ang nagmamaneho ng trycicle kaya napatigil ito.

"A-Ayos ka lang, Hero? May problema ba?" Tanong nito.

"Wala." Sagot ko saka pinakalma ang sarili. Lintek na halik na yun. Ginugulo ang sistema ko punyeta.

Nangmakarating ako hindi na ako nag-abala pang pumila. Dumeritso na ako sa harap. "Buksan mo yung pinto." Utos ko sa kanila.

"Siya si Hero, diba?"
"Ang galing niyan lumaban."
"Shit! Ang gwapo niya."
"Babae yan tanga."

Pagkakitang nakabukas na ang pinto ay agad na akong pumasok at tumambad saakin ang maingay na lugar.

Wala akong laban ngayon. Nandito ako para mag serve ng mga inomin. Ito talaga ang trabaho ko dito sa Club Inferno. Yung laban-laban naman ay kung meron lang gustong lumaban saakin at hindi naman parati iyon.

Alam kung bawal akong magtrabaho dito at kapag nalaman sa school ay pwede akong patalsikin. Ang sinabi ko lang ay nagpa-part time job ako sa isang Restaurant at naniwala naman sila.

"Hero! Andito ka na pala."

"Hm."

Pakidala naman 'to doon sa mga pepol sa Room05 sa taas." Bigay ni Kira ng isang bucket ng Redhorse.

"Geh." Kinuha ko na iyon saka naglakad na papunta sa hagdan. Habang umaakyat ako ay napapatingin ako sa mga lasing na pababa. "Ayusin niyo ang lakad niyo." Utos ko sa kanila at saka nagpatuloy na sa paglalakad pero biglang may humawak sa braso ko pero bago pa man siya makapagsalita ay umikot na ako at sinipa siya sa dibdib dahilan para mahulog siya at lumikha ng malakas na ingay. "Pakidala na sila sa labas. Masyado na silang lasing." Sigaw ko saka umakyat na at dumeritso sa Room05 at agad kung nakita doon si Kim na inaaway ng mga kaibigan niya.

Agad ko namang nilagay sa mesa ang dala kung bucket ng RH at pinatigil sila. "Okay ka lang?" Tanong ko kay Kim at tinulungan siyang tumayo. Nakita ko agad ang tuhod niya na may sugat.

"Heroine the trash. Nagsama ang dalawang basura." Natatawang sambit ni Lexi. Ang pinakamalditang babae sa school, dinaig pa si Kim. Akala ko ay nasa-America pa ang pisteng babae na 'to. Nakauwi na pala.

"Huwag mong paringgan ang sarili mo, ako nahihiya para sayo. Tsaka kung may basura man dito, kayo yun. Mabait lang kayo kapag may kailangan kayo pero kapag wala na doon na lumalabas yang mga sungay niyo." Natatawang saad ko.

"Pake mo?"

"Wala naman masyado."

"Now, nagtatrabaho ka diba dito?" Nakangising saad nito at naupo.

"Talk to the air." Saad ko saka tinalikuran sila. Tinulungan ko si Kim na maglakad dahil dumudugo yung tuhod at siko niya.

"Pagsilbihan mo kami dito. Madami-dami kaming oorderin. Kung ayaw mo, madali lang  namang tawagin manager o ang may-ari nito at ipatanggal ka." Natatawang saad nito.

"Sino ka para utusan ako? Ipatatanggal ako? Pft. Kahit umiyak ka ng dugo, hindi mo ako mapapaalis dito, tanga." Tuluyan ko na silang tinalikuran at ginaya si Kim palabas.

QUEEN OF LOVE SERIES 01: HEROINE ANDRADA [COMPLETED]Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ