25

198 14 1
                                    

"Hero, gumising ka na! Anong oras na!" Sigaw ng tao sa labas. Naiinis na bumangon ako saka malakas na binuksan ang pinto.

"Ang ingay-ingay mo, tangina!" Sigaw ko pabalik saka uminom ng tubig.

"Huwag mo aking masigaw-sigawan! Baka nakakalimutan mong Nanay mo pa rin ako. Kung wala ako baka matagal ka ng patay." Sigaw niya naman pero tinawanan ko lang naman siya.

"Edi sana pinatay mo na lang ako. Bakit sinusumbat mo sa akin ang katangahan mo? Putangina naman, parang ako pa talaga may kasalan, e, noh? Punyeta, edi ako na. Ako na lagi ang may kasalanan. Putangina." Natatawang saad ko saka binuksan ang bag niya saka kumuha ng isang libo. "Ano yan?! Bakit hawak mo ang bag ko? Ibalik mo ang---"

"Bakit, may magagawa ka kapag kinuha ko?" Nakangising sabi ko saka malakas na iniwaksi ang kamay niya na nakahawak sa akin.

"Ibalik mo sabi! Papatayin kita kapag hindi mo ibinalik iyan!" Sigaw niya saka itinulak ako.  Agad na nag-init ang ulo ko saka sinakal siya.

"Kung ikaw kaya patayin ko?! Tutal parang dati ko pang gustong-gusto na patayin ka, eh. Ah! Punyeta, kung hindi lang talaga kita Nanay baka inilibing na kita ng buh---" Napatigil ako ng baklasin ni Heleen ang kamay ko na nakasakal kay Helda.

"Lasing ka na naman! Umalis ka na nga." Pagpapataboy nito.

"Tss. Pasalamat kayo, babae kayo. May kaunting respeto pa ako sa mga taong masyadong mahihina kagaya niyo." Nakangising saad ko saka lumabas ng bahay at malakas na isinara ang pinto.

Agad kung narinig ang mga tsismosa naming kapitbahay kaya napatingin naman ako sa kanila. Agad silang nagsara ng mga pinto at bintana ng makita akong nakatingin. "Isang tsismis niyo pa, susunugin ko lahat ng bahay niyo, pati kayo ililibing ko, mga gago!" Sigaw ko at nanahimik naman ang lugar.

Ang sakit ng ulo ko.

Naglakad na ako papunta sa tiyangge saka kumatok sa tiles na nas  gilid pero makaraan ang ilang minuto ay wala pa rin. Tangina. "May bibili! Magbebenta wala namang bantay, ano 'to display?" Sigaw ko at agad na may lumabas na babae na halatang takot na takot.

"A-Ano yung b-bibilhin mo?" Tanong nito.

"Alak at sigarilyo. Bilisan mo, ah, huwag kang babagal-bagal, hindi ka pagong." Dali-dali naman itong kumuha ng alak at kumuha ng sigarilyo saka inabot sa akin. Nanginginig pa nitong binigay sa akin ang sukli.

Balak ko na sanang aalis ng bigla na lang may bumangga sa akin kaya napatigil naman ako sa paglalakad. Nilapag ko muna ang mga dala ko saka binalikan ang mga lalaking iyon.  "Kuku---" Hindi ko na siya pinatapos sa pagsasalita, sinipa ko siya sa likod at agad na sinuntok ang isa sa mukha. Biglang sumugod ang isa pa nitong kasama pero nakailag ako at binigyan siya ng isang sipa sa dibdib. Napailag naman ako ng batuhin ako ng isa ng bote. Kumuha naman ako ng bato saka malakas na inihagis iyon sa isa at nasapol ito panga. Kumuha ako ng dospordos sa gilid at lumapit sa isa saka malakas siya na hinampas gamit iyon. "Huwag kayong magtatapang-tapangan sa lugar ko! Mga putangina kayo." Hinampas ko siya ulit ng hinampas, papatayin ko ang gagong 'to.

"Jusko! Hero, tama na iyan. Baka matapay mo sila." Napatigil naman ako ng marinig ang boses ni Kapitan. Agad ako nitong inawat saka nilayo sa mga lalaki na nakahandusay na sa lupa. "Dapat lang 'yan sa kanila, mga putangina sila! Papatayin ko ang mga 'yan, Kap. Ang aga-aga, gagaguhin ako."

"Kumalma ka, Hero. Kailangan mong kumalma. Teka, lasing ka na naman ba?" Napabungtong hininga naman ako saka tumalikod.

"Alis na'ko." Paalam ko saka pinulot yung sigarilyo at alak ko.

Nagsindi ako ng sigarilyo saka binuksan ang alak saka nagsimulang mag-lakad.

Tangina. Umagang-umaga, pinapainit na nila ang ulo. Bwesit.

QUEEN OF LOVE SERIES 01: HEROINE ANDRADA [COMPLETED]Where stories live. Discover now