22

199 13 0
                                    

"Nakarating na rin." Usal namin ng marating ang mataas na Building na pag-aari ng pamilya ni Shit.

"Tara na pumasok na tayo." sumunod naman kami sa kaniya. Napapatingala nalang ako habang naglalakad. Ang ganda ng design halatang pang-mayaman.

"Lenetth, bigyan mo kami ng tig-iisang kwarto." Dinig kung sabi ni Shit.

"Ay, naku Sir Thorr, iyon na nga po ang problema. Fully book na po, tanging isang kwarto nalang po iyong natira----"

"So saan niyo kami papatulugin? Sa labas?" Galit na sigaw ni Thorr sa kanila kaya pumunta naman ako sa tabi niya saka binatukan siya. "Putang---"

"Huwag kang sigaw ng sigaw. Pagsalitain mo muna sila."

"Tama si Hero." Segunda naman ni Shin at Totga.

"Relax ka lang kasi Toma. Highblood agad eh." Saad naman ng dalawa.

"Tsk. Oo na. Magsalita ka na Lenetth."

"A-Ahm...malaki naman po yung kwarto, merong tatlong kama. Dalawang bathroom. Malawak po yung kwarto tapos...tapos kompleto na rin ho ang gamit doon." Halos walang hinga-hinga na paliwanag ng babae na namumutla na.

"Kahit anong laki pa yan Lenetth, may babae kaming kasama oh? Puro kami lalaki at siya lang iyong babae tapos iisa lang yung kwartong tutulugan namin? Ikaw kaya---"

"Ayos lang." Putol ko sa kaniya saka nginitian siya. "May tiwala naman ako sa inyo."

"Sigurado ka?" Tumango naman ako.

"Ako bahala sayo Hero. Kakatayin ko sila kapag may ginawa sila sayo." Bulong ni Totga.

"Huwag kang lapit ng lapit kay Hero. Baka mamaya may sakit ka." Sita ni Shit saka pinaalis si Totga sa tabi ko.

"Akin na yung susi Lenetth. E-ready niyo na lahat ng kailangan namin." Utos ni Shit saka kinuha yung susi at binigyan kami isa-isa.

"N-Naayos na po yung kwarto niyo doon at andun na rin yung mga gamit niyo."

Sumakay na kami sa elevator saka naghintay pa ng ilang sandali bago makarating sa floor namin.

Habang naglalakad bigla ko nalang narinig ang boses ni Leerex kaya napatingin ako sa likod ko at agad siyang niyakap ng tumalon ito bigla. "Babe!"

"Babe?!" Sigaw ng mga kasama kung lalaki habang nanlalaki ang mga matang nakatingin saamin ni Leerex.

"Bumaba ka muna Rex. Ang bigat mo." Saad ko saka dahan-dahan siyang binaba pero agad itong yumakap sa kamay ko.

"Yes, she's my Babe, why?" Malditang tanong ni Leerex sa kanila.

"Bakit ka nandito Rex?" Tanong ko sa kaniya at inayos yung damit niya.

"Dumating si Tito at nagbakasiyon dito at sinama kami ni Mommy kaso papauwi na kami ngayon. Argh! Gusto pa sana kitang makasama dito eh. Kaso nagmamadali na kaming umuwi." Nakangusong sabi nito at nagpapadyak pa na parang bata.

"Bumalik ka na sa kanila, Rex. Baka hinahanap ka na nila."

"Wala bang I miss you diyan?" tiningnan ko lang siya saka natawa.

"Wala."

"Hai-Hai. Buh-bye na Babe. I miss you." Bigla nalang itong dumukwang saka hinalikan ako sa labi saka kumakaway na tumakbo kaya napailing nalang ako saka tumingin sa mga kasama ko.

"Anong nangyari sa inyo? Para kayong nakuryente diyan." nakatingin lang sila saakin  habang nakanganga at nanlalaki ang mga mata.

"Babe? Grabi ka Hero, ah. Hindi ka nagsabing may mala-anghel ka na 𝘉𝘢𝘣𝘦." Usal ni Speaker habang nanlalaki pa rin yung mata.

QUEENS OF LOVE SERIES 01: HEROINE ANDRADA [COMPLETED]Where stories live. Discover now