20

205 17 0
                                    


"Magandang Hapon po, Tita." Bati ko ng makita si Tita Teimhs pero agad lang ako nitong niyakap.

"Magandang Hapon rin, Iha." kinalas niya n ang pagkakayakap saka ngumiti.

"Mommy, nagugutom na po ako." Saad ni Shit. Parang batang umaatungal. Pft. Cute, huh?

"Ay tamang-tama, nagluto ako kanina. Tara sa Dining area." Bigla nalang ako nitong hinatak  kaya wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod.

Nang makarating agad bumungad sa paningin ko ang mga pagkain na nakahain sa mesa. "Kumain na kayong dalawa alam kung gutom na kayo." Naupo naman ako ng senyasan ako ni Tita.

Habang kumukuha ng kanin ay napapatingin ako kay Shit na subo ng subo lang. Parang pinagutoman ng sampung taon. Napatingin naman ito saakin habang may subo-subong steak. "Bakit?" Umiling lang ako saka nagpatuloy sa pagkuha ng pagkain. Kumuha lang ako ng kanin saka afritada. "Tita, kain tayo." Aya ko sa kaniya.

"Kakakain lang namin ni Matherro bago kayo dumating kaya busog pa ako, Iha. Kumain ka pa, pakabusog ka Iha para ganahan kayo sa paggawa ng project niyo." Nilagyan ng ng napakaraming ulam ang plato ko, balak ko sanang tumanggi pero hindi ko nalang tinuloy.

Binilisan ko nalang ang pagkain para madaling matapos. Subo lang ako ng subo at inom ng inom ng juice kahit puputok na  yung tiyan ko. Matapos ang ilang sandali ay natapos na ako. Halos hindi ako makagalaw. Taena an'sakit ng tiyan ko punyawa.

"Gusto mo bang kumain ng Cookies, Iha?"

"Busog na busog na po talaga ako, Tita. Mamaya na lang po siguro."

"Sige, iaakyat ko nalang mamaya doon sa taas." Nakangiting saad nito.

Nagpaalam na kami kay Tita saka umakyat na sa taas. Napapansin ko kanina pa tahimik si Shit pero hinayaan ko nalang, baka may iniisip.

Nagsimula na kaming magbasa at kagaya ng dati ay sinusulat ko ang mga importante. Hinahighlight ko na rin para mabilis ko matandaan.

"Huwag mo akong titigan, Shit." Ramdam ko mula pa kanina ang mga titig niya. "May kailangan ka?" Tanong ko saka nilingon siya at agad naman itong umiwas ng tingin.

"Wala." Binalik na nito ang tingin sa libro niya kaya ganon na lang rin ang ginawa ko.

Finocus ko sa pagbabasa at pagsusulat ang atensiyon ko lalo na sa mga salita na hindi ko pa naeencounter dati, agad kung hinahanap sa dictionary ang meaning nun at isusulat sa papel.

Makaraan ang ilang sandali  naramdaman kung hindi na siya gumagalaw kaya napatingin ako sa kaniya at tama nga ang kutob ko. "Tinulugan ako ng putangina." Iiling na saad ko pero hinayaan ko nalang rin siya saka nagpatuloy na.

Masyado akong nawili sa pagbabasa at hindi namalayan ang oras. Alas nuebe na tangina. Inayos ko na yung mga libro at nga ginamit saka nilagay ko na sa bag yung mga sinulat ko.

Pati ang libro at mga notes ni Shit ay inayos ko na rin. Tiningnan ko pa kung maayos na lahat saka tumayo na. Hindi ko na gigisingin si Shit, tulog na tulog eh.

Naglakad na ako palabas at dahan-dahang sinarado ang pinto. Bumaba na ako at at agad kung nakita si Tita Teimhs. "Tita? Uuwi na ho ako." Paalam ko.

"Ay, Iha, pasensiya na at hindi ako nakapunta sa taas, may inasikaso kasi ako. Kumain ka muna, Iha. Nasaan pala si Thorr?"

"Okay lang po yun. Hindi na ho ako kakain, busog ako dun sa kanina. Si Toma andon sa library, nakatulog." Sagot ko.

"Masyado ng gabi Iha baka mapano ka sa daan. Sandali at tatawagin ko si Thorr para ihatid ka."

QUEEN OF LOVE SERIES 01: HEROINE ANDRADA [COMPLETED]Where stories live. Discover now