18

180 12 1
                                    

Napamulat ako agad ng marinig ang tilaok ng manok. Lunes ngayon ah?

Bakit hindi sumagiw si Helda ngayon?

Bumangon naman ako saka tinali ang buhok ko. Tumingin ako sa oras at 5:48am palang. 8:30 pa simula ng klase ko ngayon.

Naging maayos ang paggawa namin ni Shit ng pinapagawa ni Dean sa nakaraan na Sabado at Linggo. Madali lang naman siyang turuan kaya mabilis kaming natatapos sa isang part at napupunta sa susunod.

Pagbukas ko ng pinto bumungad sa paningin ko ang dalawa na nasa mesa at halatang problemado. Lumapit naman ako saka naupo sa upuan at agad kung nakita ang bagay na nasa mesa kaya natawa naman ako. "Nagbunga na ang mga mani."

"Hindi ko pwedeng patayin ang bata, ako ang papatayin ng ama nito." Dinig kung bulong ni Heleen.

"Ayaw mo niyan, batang ina kana."nakangising sabi ko at kumuha ng sigarilyo sa kaha ni Helda at nagsindi.

"Manahimik ka Hero ah!"sigaw nito.

"Bakit? Hindi ba totoo ang sinasabi ko? Mag-18 ka pa  lang pero magkakaanak ka na. Ano tawag dun? Baby mother?" Tatawa-tawang sabi ko.

"Oh ikaw Tanda ano problema mo?" Tanong ko kay Helda na nakatingin sa isang pregnancy test na may dalawang guhit.

"Iisang lalaki lang ang nakabuntis saamin ni Heleen." Humagalpak naman ako ng tawa habang nakatingin sa kanilang dalawa. Punyeta?

"Isa lang ang umararo sa mani niyo? Putang---mani naman yan. So in short  ay hindi mo rin pwedeng ipalaglag ang batang yan?" Nailing na lang ako saka nagtimpla ng kape.

"Sinabing manahimik ka!" Sigaw ulit ni Heleen.

"Bakit galit ka sa'kin? Nagsasabi lang naman ako ng totoo. Kasalanan ko bang tatanga-tanga kayong dalawa?" Agad na uminit ang pisngi ko ng sampalin ako nito.

"Sumusobra kana!"

"Anong sobra dun? Nasaktan ka sa sinabi ko? Bagay lang yan sayo."sabi ko habang natatawa. Sa kaniya pa talaga nanggaling. "Kasalanan ko bang nagpatuhog ka? Kasalanan ko bang pinili mo ang panandaliang sarap at panmatagalang hirap? Ikaw ang nagdesisyon nun punyeta ka. Pinapaalala ko lang sayo." Tumayo na ako at natawa nalang ng makita ang galit na galit na mukha ni Heleen at halos basagin na ang basong hawak.

Napailing nalang ako saka sinara ang pinto at dumeritso sa banyo. Nagsabon, naglugod at nagshampoo, nakabili na ako ng mga kailangan ko dahil nga sumweldo ako ng nakaraan at nakakuha ng tip. Sa totoo may pera naman na akong pambili ng gamit kung gugustuhin ko kaso nag-iipon ako. Hindi ko sigurado ang utak ni Helda kaya kailangan ko talaga ng ipon.

Pagkatapos ko ay agad akong nagtampi ng tuwalya saka lumabas. Dumeritso ako sa kabinet at kinuha ang isang bagong uniform ko. Wala ng pag-asa yung isang palda ko na nilagyan ni Kim ng bubble gum.

Hindi talaga ako sanay sa palda dahil ang ikli talaga pero dahil nagsusuot naman ako ng short at cycling ay napapagtyagaan din. Kapag ito yung suot ko para akong tao hindi kagaya ng una kung uniform na halos tahi na lahat. Binigyan din ako ni Leerex ng isang bag. Ayaw ko sanang tanggapin pero iniyakan ako kaya wala na akong nagawa.

Hinayaan ko lang ang buhok ko na nakabunghay at hinati lang sa gitna. Nang matapos na ay lumabas na ako ng kwarto at dumeritso kay Helda at kinuha ang sigarilyo na hawak. "Masama sa juntis 'to." Binulsa ko iyon ng makitang may apat pa na stick sa kaha.

"Oh baon mo." Bigay niya ng limang daan na buo.

"Daming pera ah, bigtime ba nakakuha ng Mani?"

"Huwag mo akong inisin Heroine kung ayaw mo kunin ko yan." Tumalikod naman ako agad at binulsa ang pera. Ayaw ko maging bato pa 'to lalo na't minsan lang 'to. Lumabas na ako saka sinarado ang pinto.

Napatingin ako sa harap at wala si Totga. Baka dumating si Mommy niya. Nagring naman ang cellphone na binigay ni Totga kaya kinuha ko naman iyon sa bulsa ko. "Good Morning Hero! Sorry hindi kita masusundo ngayon, dumating si Mommy, alam muna miss na miss ko siya." Tama nga ako.

"Okay lang."

"Kitakits nalang sa school."

"Ge." Yun lang ang pinatay ko na ang tawag.

Naglakad na ako papunta sa labasan at nagtawag ng trycicle. Sumakay na ako saka tinali na yung buhok ko na natuyo na.

Makaraan ang ilang minuto ay tumigil na yung sinakasakyan kung tricycle kaya bumaba na ako saka nagbayad. Inayos ko pa ang palda ko bago magsimulang maglakad.

Habang naglalakad sa hallway bigla kung narinig ang pamilyar na boses pero hindi ako tumigil. Napapatingin na naman saakin yung ibang estudyante pero agad ding papasok kapag tinitingnan ko.

"Poop tangina bingi ka?"singhal nito at kumapit sa braso ko.

"Hindi."

"Nakakatangina ka talagang tomboy ka."

"May sasabihin ka pa?" Walang buhay na tanong ko habang nakatingin sa kaniya.

"W-wala na." Kinuha ko na ang braso ko saka tinalikuran siya.

Walang kwentang kausap.

Pagpasok agad ko sa Room agad kung nakita si Kim na may mga band aid ang mukha at masamang nakatingin sa'kin na agad ding nag-iwas nang ngisian ko. "Hindi ka ata nagsumbong? Wala pa akong natatanggap na sulat eh."

"Manahimik ka basura!" Sigaw nito at namumula nanaman sa galit.

"Sa ayaw ko, anong gagawin mo?"nakangising sabi habang nakatingin parin sa kaniya.

"Manahimik ka sabi!"nanggagalaiting sabi nito at dumampot ng ballpen.

"Pft. Parang matatakot mo ako diyan." natatawang sabi ko saka naglakad na papunta sa upuan ko.

"Hintayin mo lang babawi ako sayong punyeta ka." Sigaw nito at nagmamartsang lumabas at tyempong pumasok naman si Shit.

"Anong nangyari kay Kim?"tanong nito saakin  ng makalapit.

"Galit na galit ata sa ginawa ko ng nakaraan."simpleng sagot ko.

"Ang angas mo talaga, Hero!" Bulong ni Yui na nasa likod ko at tinatap  ang balikat ko.

"Ano bang nangyari dito?" Tanong ulit ni Shit.

"Tsismoso ka rin pala, Shit? Okay lang. Bagay naman sayo." Natatawang sabi ko at hindi pinansin ang masama niyang tingin.

"Ang sama-sama ng ugali mo, Poop!"

"Nanggaling pa talaga sayo? Aba matindi." Sarkastiko kung sabi. Nanggaling pa sa lalaking sinisi ako sa sarili niyang katangahan.

"Makabalik na nga sa upuan ko baka masakal pa kita."

"SML?" Sinamaan nanaman ako nito ng tingin saka pinakyuhan pero pinakyuhan ko rin siya pabalik.

Tangina ginigigil ako ng lalaking 'to.

QUEEN OF LOVE SERIES 01: HEROINE ANDRADA [COMPLETED]Where stories live. Discover now