16

201 14 0
                                    

"Hero! Putanginang bata ka, ikaw ba ang nagnakaw ng pera ko sa bag." Bungad saakin ni Helda ng makalabas ako galing sa kwarto.

"Oh ba't ako nanaman?"tanong ko.

"Sino pa aber? Kayo lang ni Heleen ang andito  kahapon habang wala ako."

"May trabaho ako kahapon tangina tapos ako pa kukuha punyeta sabog ka?"kinunutan ko siya ng noo ng bigla itong naduduwal at tumakbo papunta sa lababo.

Pumunta naman ako sa mesa at kumuha ng kanin at itlog. "Ayan mukhang may bago kang ipapalaglag. Gandahan mo yung paglaglag para masaya." nagsimula na akong lumamon pero nakita ko ring naduduwal si Heleen matapos malanghap ang itlog. "Mukhang nagpapadami kayo ah, ano tatay niyan 4M o may asawa?" Tumatawang sabi ko habang nakatingin sa kanilang dalawa na nagduduwal sa lababo.

Matapos kung kumain ay agad akong tumayo at pumunta sa lababo at kita kung nagpapahinga na sila habang habol ang hininga. "Pareho kayong buntis akalain niyo yun! Ayan kasi hindi nag-iingat." Nakangising sabi ko.

"Manahimik ka!" Sigaw nila.

"Okay mga Mommy Juntis." Tumatawang sabi ko saka nag-ayos na.

"Umalis kana nga! Nampipiste pa eh."

"Ba't galit kayo? Ganiyan ba 'pag buntis?" Agad na lumipad ang kaldero pero nakayuko na ako. Agad na akong lumabas saka sinarado na ang pinto.

Nakasoot lang ako isang loose na puting T-shirt at Shorts na itim at naka-earphones din ako.

Sumakay lang ako ng tricycle at nagpahatid sa park na siyang pinag-usapan namin ni Shit. Mabuti at sweldo kahapon kaya may pera ako kahit papaano.

Makaraan ang ilang minuto ay nakarating na ako. Agad akong nagbayad saka lumabas. Kinuha ko na ang earphones ko saka nilagay sa bulsa.

  Maraming tao sa park na namamasyal. Hindi ko maiwasang mapatingin sa magpamilya na  masayang ba-bonding.

Pamilya ko kasi parang ewan.

Wala na ngang Tatay tapos yung Nanay parang teenager na nagpabuntis tapos yung kapatid tatanga-tanga na nagpabuntis din.

"Poop!"napatingin naman ako sa gawi kung nasaan nanggagaling ang boses at agad nakita si Shit kaya naglakad na ako papunta sa kaniya. "Bakit ngayon ka lang?"

"Kasi ngayon lang ako."simpleng sagot ko at sinamaan naman ako nito ng tingin.

"Ikaw na nga 'tong late tapos ikaw pa yung mabebwesit." Singhal nito.

"Late? Wala naman akong sinabing oras ah?"

"Tsk! Kain muna tayo, nagutom ako kakahintay sayo." Sabi nito at hinatak nalang ako bigla. Halos kaladkarin na ako ni Shit papasok sa isang sasakyan.

"Kaninong kotse 'to?"

"Sa aso siguro." Kinunutan ko naman siya noo dahil sa sagot niya. "Malamang timang, akin!"

"Ang ganda." Saad ko habang nililibot ng tingin yung kotse niya na ngayon ay umaandar na.

"Saan mo gustong kumain Poop?" Napatingin naman ako sa kaniya.

"Nakakain na ako eh. Ikaw nalang magdesisyon tutal ay ikaw lang din naman ang kakain."

"Sige ako na ang pipili." Napangiti ako nung makita ang mga Stuff toy na nasa harap.

"Shit, pwede ko bang hawakan ang mga 'to?" turo ko sa mga pokemon na stuff toys.

"Sure." Agad ko namang hinawakan yung Eeve saka Pikachu at pinaglindas ang daliri sa iba kagaya ng Mewtwo, Squirtle, Charmander, Lucario, Jigglypuff at marami pang iba. I hope I had this things too.

QUEEN OF LOVE SERIES 01: HEROINE ANDRADA [COMPLETED]Where stories live. Discover now