14

201 15 1
                                    

"Poop, tangina! Hintayin mo'ko!" Napatigil naman ako saka bored na tiningnan siya.

"Bilisan mo. Para kang uud."

"Taena ka? Higante ka kasi kaya yung isang lakad mo ay limang lakad kuna. Oh, saan na tayo  gagawa ng pinapagawa ni Dean?" Tanong nito ng makalapit.

"Ewan ko pero matik na hindi sa bahay." Bored na sabi ko habang naglalakad.

"Eh saan tayo---tumuwid ka nga! Ang pangit tingnan kapag nagkukuba kang maglakad Poop."

"Edi huwag kang tumingin." Sabi ko pero tumuwid nalang ako ng tayo.

'Bakit sila magkasama?'
'Malandi talaga.'
'Nang nakaraan si Totricc at Shinn tapos ngayon si Thorr naman.'
'Tomboy pero malandi.'

"Hoy! Ang iingay niyo mga piste!" Sigaw ni Shit kaya natahimik naman sila.

"Shit sa Library nalang muna tayo habang wala pa tayong lugar na magagawan."

"Sige." Nagsimula nalang ulit akong maglakad at nakasunod naman si Shit sa'kin.

Makaraan ang ilang minuto ay nakarating na kami sa library. Agad akong dumeritso sa isang table na walang tao saka nilagay dun ang bag ko saka naghanap na ng libro tungkol sa sinabi ni Dean.

Ilang sandali lang ay may nahanap na ako na limang libro kaya naisipan kung bumalik na sa mesa na inuukupa ko at nakita ko si Shit na nagecellphone habang ngiting-ngiti.

Maingat ko namang ibinaba ang libro at naupo sa upuan. Nakita ko namang natatawa  si Shit habang nakatingin aa Cellphone niya. "Nasa library tayo, huwag kang maingay." Saway ko sa kaniya kaya nanahimik ito pero pulang-pula na. Tatayo na sana ako para kumuha ng bagong libro ng maramdamang kumapit ang upuan sa pwet ko at kasabay nun ang pagtawa ni Shit.

Tinanggal ko naman ang upuan at kitang-kita ko ang mga bubble gum na natira sa upuan. Kinapa ko naman ang palda ko at napatingin nalang sa posibleng may gawa ngayon ay humahagalpak na ng tawa. Napapatingin na saamin ang ibang estudyante saka natatawa rin. Ang Nagbabantay naman ng library ay wala. Piste.

"Puta! Hahahahhaha ayan kasi tatanga-tanga." At humagalpak nanaman ang tawa.

Basi sa naramdaman ng kamay ko ay halos sampung bubble gum ang nasa palda ko. Naglakad ako papunta sa harap niya at tiningnan siya.

"Issa Prank!" Sabi nito saka tumawa nanaman ng malakas.

"Tatanggalin mo'to o bubugbugin kita." Seryusong sabi ko.

"Bakit ako ba ang may gawa? Nakita mo?"

"Sino ang may gawa. Sabihin mo kung ayaw mo masaktan." Tumigil na ito sa pagtawa ng makitang sumeryuso na ako.

"Si Kim." Sabi nito saka turo sa babae na nasa ikatlong table na nagvi-video na nakangisi na saakin. Naglakad ako papunta sakaniya saka agad siyang sinakal at binitin sa ere kaya nanahimik na lahat ng tao.

"Mula noon nagpapasensiya lang ako sayo pero sumusubra ka na. Tingnan mo kung paano ako magalit." Sabi ko at binitawan siya kaya napapaubo naman siya na nalaglag sa sahig pero hinawakan ko lang siya sa buhok at kinaladkad sa sahig hanggang sa makalabas na sa library. Kita ko na dumugo na yung tuhod niya kaya binitawan ko siya pero agad ding tindyakan sa tiyan. "Nakakaputangina kana, inuubos mo talaga ang pasensiya ko. Akala mo matatakot akong saktan ka dahil mayaman ka? Puwes nagkakamali ka." Sabi ko at tindyakan ulit siya sa tiyan.

"Ow! First time na babae pinatulan mo ah." Napatingin naman ako sa nagsalita at nakita ko si Grakon.

"Ibigay mo sa'kin 'yang baseball bat." Utos ko sa kaniya.

"Babae yan Hero!" Suway niya.

"Okay." Sabi ko saka tinadyakan ulit si Kim sa tiyan na ngayon ay namimilipit na. Lumuhod naman ako saka umuklo at binulungan siya."Ulitin mo pa ang ginawa mo at hindi lang 'yan ang gagawin ko sayo" Saka ako tumayo at tiningnan siya saka tumalikod na at pumasok na sa library at kinuha ang bag ko saka lumapit kay Shit. "Bukas na tayo magsimula, may gagawin pa ako."

"Saan kita hihintayin bukas?"tanong niya.

"Sa Park." Sabi ko at tumalikod na.

Nakita kung tinulungan na ng mga kaibigan niya siya na parang lanta ng gulay. Piste kasi.  Hinayaan ko nalang saka naglakad na parang wala lang nangyari.

Nang makalabas ay agad akong lumiko at naglakad lang ulit. Habang naglalakad ay hinuhubad ko ang uniform ko, may sando at Short naman ako na soot kaya okay na ako dun. Nilagay ko sa bag Uniform ko kaya napatigil ako ng ilang sandali.

Dahil medyo malayo ang bahay, naisipan ko nalang na tumakbo. Takbo lang ako ng takbo at hinayaan ang mga nakatingin saakin.

Makaraan ang ilang sandali ay nakarating na ako sa bahay na pawis na pawis at bigla nalang sumakit yung ulo ko kaya napakapit pa ako sa pinto pero maya-maya ay umayos na rin kaya binuksan ko na ang pinto at nakita ko si Heleen na may kahalikang lalaki at napatigil ng makita ako. "Tuloy niyo na nahiya pa kayo." Bored na sabi ko at naglakad na papunta sa kwarto pero bigla akong tinawag ng lalaki kaya napatingin ako sa kaniya. Halatang mayaman, nasa 19 or 20, gwapo, maputi, kulay asul ang mata. "Hey."

"Levaster hayaan mo na ang pangit na yan." Sabi ni ate at sinamaan lang ako ng tingin. Tatalikod na sana ako pero nagsalita nanaman ang lalaki.

"What's your name?" Tanong nito.

"Why?"

"Levaster hayaan muna siya."

"I just want to know."

"Whatever." Sabi ko saka bumuntong-hininga at pumasok sa kwarto at nilock iyon.

Napatingin ako sa orasan sa pinto at 5pm na. Agad kung kinuha yung palda mula sa bag at pumasok sa banyo at kinuskos ang bubble gum pero nakakailang minuto ay wala talaga. Binabad ko nalang muna sa sabon ang palda at naligo nalang.

Lumabas na ako sa Cr at agad nagsuot ng Malaking T-shirt at short na hanggang tuhod. Hinayaan ko lang ang buhok ko na lumugay dahil basa pa naman.

Nang makitang maayus na ay sinoot kuna yung sapatos na binili ko ng nakaraang buwan lang kaya bago pa.

Lumabas na ako ng kwarto agad akong napayuko ng makita ang lumipad na kaldero. "Bwesit ka talaga! Dahil sayo nawala ang isa kung costumer na punyeta ka!" Sigaw nito.

"Bakit ako sinisisi mo? Anong ginawa ko?" Takang tanong ko.

"Kung hindi ka dumating sana magkakaanak na ako sa isang mayaman, sikat at gwapong tao, piste ka talaga!"

"Too bad. Dumating ako eh." Nakangising sabi ko.

"Oh saan kananaman pupunta? Sa Underground nanaman?"

"Akala ko ba ay wala kayong pakealam sa'kin? Bakit ka nagtatanong." Balak sana akong sampalin pero nginisian ko lang siya.

"Bakit hindi mo matuloy?" Natahimik naman siya kaya natawa ako.

"Pasalamat ka at Ate kita kaya pinagpapasensiyahan ko 'yang bibig mo pero matuto kang tumigil, baka sayo ko mabunton ang galit ko." Sambit ko at tumalikod na.

Naglakad ako papunta sa labasan at pumara ng trycicle. Habang wala pa naman ay nagsuot lang ako ng earphones.

Tumigil na ang trycicle kaya binigay ko na sa kaniya ang bayad at bumaba na.

QUEEN OF LOVE SERIES 01: HEROINE ANDRADA [COMPLETED]Where stories live. Discover now