11

217 18 0
                                    

Nagising ako ng may maramdamang may gumalaw sa tabi ko. Napamulat ako at tumambad sa paningin ko ang puting kisame. "Hey, Are you okay now?" Tanong agad ni Totga.

"Bakit--ah." Napadaing ako ng subukan kung bumangon.

"Huwag ka munang bumangon. Bubukas nanaman ulit yung sugat mo kapag masyado kang gumalaw." Napahiga naman ulit ako.

"Ang sakit ng tiyan ko."Sabi ko saka hinilot yung tiyan ko.

"Kailan ka huling kumain?"

"Kahapon, yung sandwich na binigay mo."

"Tsk! Tapos uminom kapa kagabi! Bakit hindi mo inaalagaan ang sarili mo. Pinag-aalala mo'ko eh." Sabi nito saka kumuha ng tubig at bumalik saka pinainom ako. "Kukunin ko lang yung soup, huwag kang aalis diyan, magagalit talaga ako sayo." Tumango naman ako.

Umalis ito kaya dahan-dahan akong naupo. Kinapa ko ang gilid ng labi ko at may band aid na iyon.

"Bakit ka gumalaw? Hayst!"

"Ayos na ako." Saka ngumiti.

"Ayos? Eh, ang taas-taas ng lagnat mo kanina tapos may mga pasa at sugat kapa. Ano bang nangayari kagabi? Sabi ng mga tao sa inyo ay naglasing ka daw."

"Wala."

"Pinag-alala mo'ko kanina ng mawalan ka ng malay." Sabi nito at sinubuan ako, hindi na ako nagreklamo dahil kailangan ko talaga iyon ngayon.

"Mabuti ka pa nag-aalala sa'kin."Natatawang sabi ko.

"Kaibigan kita, eh. Ayaw kung may masamang mangyari sayo." Sinubuan niya naman ulit ako. Natahimik na kami ulit. Sinusubuan lang ako ni Totga at pinapainom ng tubig. Makaraan ang ilang minuto ay naubos kona rin yung soup.

Umalis muna si Totga para ibalik yung mga pinagkainan ko. Mabuti pa si Totricc, palaging andiyan kapag kailangan ko pero yung sarili kung pamilya, wala.

Tumayo na ako dahil medyo maayos na yung pakiramdam ko. Napatingin ako sa damit ko, nakapagbihis na ako. T-shirt at Short ang tanging suot ko.

"Hero! Ang tigas talaga ng ulo. Sinabi ko ng huwag gagalaw eh."

"Ikaw ba yung nagbihis saakin?" Tanong ko pero agad itong namula.

"M-Malamang hindi no, yung mga nurse yung nagbihis sayo." Hinawakan ko naman siya sa magkabilang pisngi.

"Bakit ka namumula?"

"W-Wala 'to, bitawan mo'ko Hero." Binitawan ko naman siya saka ngumiti.

"Tara, balik na tayo sa klase." Sabi ko saka inayos ang pinaghigaan ko.

"Pero baka mapano kananaman, Hero." Ngayon ko lang napansin na naka T-shirt at shorts na rin si Totga.

"Alam mo Totga, masyado kang nag-aalala. Ayos na ako, naubusan lang ako ng lakas kanina dahil sa gutom pero okay na ako."

"Pangako mo 'yan, ah?"

"Hmm."

Nagsimula naman akong maglakad at tumawid ng tayo saka inakbayan si Totga dahil nagpumilit talaga na aalalayan ako.

"Slowly. Mag-ingat ka oh may bato."

"Baliw, hindi na ako bata." Natatawang sabi ko. Ginawa akong bata eh.

"Okay lang 'yan. You will be my baby today." Lalo naman akong natawa habang naglalakad.

"Ako pa talaga? Ikaw nga 'tong mukhang bata dahil sa---"

"Oy! si Heroine mapanakit." Pinanggigilan ko naman ang tainga niya habang tumatawa.

Ganon lang kami habang naglalakad papunta sa room. Minsan halos hindi ba ako kakahinga sa kakatawa dahil sa mga biro ni Totga.

Hindi namin pinansin ang mga bulungan, nanatili lang kaming tumatawa na para bang walang problema, susulutin ko na ang mga oras na'to kasi mamaya kakainin nanaman ako ng matinding lungkot.

I gonna ignore the truths and keep it hidden for a temporarily happiness.

QUEEN OF LOVE SERIES 01: HEROINE ANDRADA [COMPLETED]Where stories live. Discover now