03

313 24 1
                                    

Naglalakad na ako sa loob ng Cafeteria at lahat ng mga mata ay nasa akin, nagulat sila siguro bakit ako napadpad ako rito.

Dumeritso ako sa water dispenser saka kinuha ang bottle ko mula sa bag at naghulog ng dalawang piso at makaraan ang ilang sandali ay napuno na ang bottle ko. Bakit pa ako bibili ng tig bente kung meron namang tig piso, pareho lang naman ding tubig. Umikot na ako habang nakayuko at nilagay sa bulsa ko yung tatlong peso saka na agad na tumingin sa daan at dumaan ako sa gilid ng makitang may naglalakad din sa gitna banda pero nagulat nalang ako ng bigla itong pumunta sa gawi ko at nabundol ako.

"The fuck!" sigaw ng lalaking nakabundol sa'kin. Natapon ang spaghetti sa damit nito. Biglang tumaas ang tingin nito sa akin, masamang tingin. "Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo!?"

"Nakatingin. Ikaw yung hindi." Sabi ko saka pinulot ang bottle ng tubig ko saka nagpatuloy na sa pahlalakad.

"Ako pa talaga? Ikaw nga 'tong basura na nakakalat dito sa Cafeteria tapos ako pa gagawin mong mali. Ako pa ang ituturo mo?!" Sigaw nito kaya napatigil na naman ako sa paglalakad.

"Tumabi na nga ako, hindi ba? Ang laki-laki ng daan tapos napunta kapa talaga sa dinadaanan ko tapos ako pa mali?" Sagot ko rito pero bigla nalang ako nitong kenuwelyuhan at dinuro.

"Aba't ang tapang tapang mo ah! Ano, may ipagmamalaki ka ba! Basura ka lang naman dito ah." Sigaw nito sa mismong pagmumukha ko.

"Bitawan mo'ko." Sabi ko rito pero tinawanan lang ako nito at agad na sinuntok. Napaatras naman ako at agad na ipinahid ang dugo na nagmula sa labi ko.

Tumingin ako sa kaniya saka tumawid ng tayo, ang dating magkapareho lang namin na taas, ngayon at nag-iba na. Hanggang balikat ko nalang siya kaya napataas ang tingin nito saakin pero agad akong umikot at walang ano-anong sinipa siya sa dibdib. "Pag sinabi kung bitaw," seryusong sabi ko at linapitan siya. "Bumitaw kana." Malakas kung inihampas sa pagmumukha niya ang dala kung water bottle at saka tumayo pero agad din akong napatilapon ng sipain ako nito sa likod.

"Ang tapang mo ah! Wala kang karapatang saktan ako." balak na naman sana ako nitong suntukin pero nakatayo na ako at nakaiwas.

"At ikaw may karapatang saktan ako? Wala ka ring karapatan." Balak sana itong susugod ulit ng biglang may dumating na tatlong lalaki at pinigilan siya.

"Toma tama na yan!"

"Babae 'yan pre."

"Wala akong pakialam. Tuturuan ko ng leksiyon ang basurang tomboy na 'yan!" Nakita ko ang inis nito kaya nginisian ko lang  siya kaya lalo itong nainis at nagpumiglas sa kasama niya.

"Hey, mabuti pa umalis kana rito. Hindi mo gugustuhing galitin si Toma." Saad ng isang lalaki.

"Hero! Anong nangyari dito?" Tumalikod na ako doon nang marinig ang boses ni Totga.

"Wala. May nadisgrasya lang." Sumabay naman saakin si Totga sa paglalakad.

"Nadisgrasya? Bakit dumudugo yang labi mo?"

"Wala, kinagat lang ng lamok."

"Eh? Lamok?"

"Tsk. Dami mong tanong."

"Hehehe gusto kitang kausap eh."

Nanahimik lang ako at hindi na sinagot ang mga tanong ni Totga. Hahaba lang yung kwento kapag kinausap ko siya.

Pumunta ako sa palagi kung tinatambayan tuweng break, Garden. Pumunta ako sa ilalim ng puno at nahiga roon. Nakita ko namang naupo si Totga sa tabi ko.

"May bad news ako sayo Hero."

"Ano 'yon?" Tanong ko habang nakapikit ang mga mata.

"Ililipat na daw ako ng School, Hero. Kumuha sila ng estudyante sa Special Section at nasama ako para sa Exchange program."

"Mabuti nga 'yon, hindi ba? Mas maraming opportunities ang makukuha mo." Natahimik siya sandali kaya napamulat ako at tumingin sa kaniya.

"Hindi na kita makakasama lagi."

"Ayos lang yan."

"Mami-miss mo ba ako, Hero?"

"Oo naman. Ikaw lang yung nag-iisang kaibigan ko dito sa School."

"Madami akong kaibigan Hero, bigyan kita."

"Okay na ako sa isang Totricc Gavin Havoc na makulit."

"Ayieeeee. Kinilig ako dun Hero." Natawa lang naman ako. "By the way, hindi na ako aalis. Hindi kita iiwan." Napatigil naman ako sa pagtawa at naupo.

"Sumama ka."

"Nope. Ngayon kain na tayo."

"Sumama ka."

"Nope. Tsaka hindi naman ako pumayag dun eh. Sinabi ko lang talaga sayo para malaman yung reaskiyon mo kapag umalis ako." Napailing nalang ako sa kaniya.

QUEENS OF LOVE SERIES 01: HEROINE ANDRADA [COMPLETED]Where stories live. Discover now