Dalaga na si Remison

By AnakniRizal

1.5M 155K 332K

"Paglaki ko pakakasalan kita." Iyon ang pangakong narinig ni Remison sa kanyang kababata. This is the story... More

**✿❀ #DNSR ❀✿**
✿SEASON ONE✿
DALAGA 1❀
DALAGA 2❀
DALAGA 3❀
DALAGA 4❀
DALAGA 5❀
DALAGA 6❀
DALAGA 7❀
DALAGA 8❀
DALAGA 9❀
DALAGA 10❀
DALAGA 11❀
DALAGA 12❀
✿SEASON TWO✿
DALAGA 13❀
DALAGA 14❀
DALAGA 15❀
DALAGA 16❀
DALAGA 17❀
DALAGA 18❀
DALAGA 19❀
DALAGA 20❀
DALAGA 21❀
DALAGA 22❀
DALAGA 23❀
DALAGA 24❀
DALAGA 25❀
DALAGA 26❀
DALAGA 27❀
DALAGA 28❀
DALAGA 29❀
DALAGA 30❀
DALAGA 31❀
DALAGA 32❀
DALAGA 33❀
DALAGA 34❀
DALAGA 35❀
DALAGA 36❀
DALAGA 37❀
DALAGA 38❀
DALAGA 39❀
DALAGA 40❀
DALAGA 41❀
✿SEASON THREE✿
DALAGA 42❀
DALAGA 43❀
DALAGA 45❀
DALAGA 46❀
DALAGA 47❀
DALAGA 48❀
DALAGA 49❀
DALAGA 50❀
DALAGA 51❀
DALAGA 52❀
DALAGA 53❀
DALAGA 54❀
DALAGA 55❀
DALAGA 56❀
DALAGA 57❀
DALAGA 58❀
DALAGA 59❀
DALAGA 60❀
DALAGA 61❀
DALAGA 62❀
DALAGA 63❀
DALAGA 64❀
DALAGA 65❀
DALAGA 66❀
DALAGA 67❀
DALAGA 68 ❀
DALAGA 69❀
DALAGA 70❀
DALAGA 71❀
DALAGA 72❀
DALAGA 73❀
DALAGA 74❀
DALAGA 75❀
DALAGA 76❀
DALAGA 77❀
DALAGA 78❀
DALAGA 79❀
DALAGA 80❀
✿SEASON FOUR✿
DALAGA 81❀
DALAGA 82❀
DALAGA 83❀
DALAGA 84❀
DALAGA 85❀
DALAGA 86❀
DALAGA 87❀
DALAGA 88❀
DALAGA 89❀
DALAGA 90❀
DALAGA 91❀
DALAGA 92❀
DALAGA 93❀
DALAGA 94❀
DALAGA 95❀
DALAGA 96❀
DALAGA 97❀
DALAGA 98❀
DALAGA 99❀
DALAGA 100❀
INTERLUDE CHAPTER: BINATA NA SI POKNAT
DALAGA 101❀

DALAGA 44❀

14.7K 1.5K 1.6K
By AnakniRizal



NAKARATING na lang sa'kin isang ang araw ang balita na sa Pilipinas mag-aaral si Miggy ng kolehiyo, pero sa malayong lugar, hindi sa Maynila. Ang dinig ko sa kapitbahay namin ay pangmayamang eskwelahan daw 'yon.

Hindi ko na tinangkang kausapin pa si Miggy dahil tinablan na ako ng hiya, kahit hindi ko naman alam kung bakit dapat akong mahiya. Gustuhin ko man siyang i-add sa napaka-private niyang account sa Facebook ay hindi ko magawa.

Tinanggap ko na lang din talaga ang katotohanan na sa bawat paglipas ng taon ay hindi maiiwasan ang mga malaking pagbabago. Wala nga talagang permanente kahit nararamdaman ng isang tao.

Nabaling din naman ang atensyon ko sa pagsapit ng pasukan nitong June. Ito ang kauna-unahan kong taon sa kolehiyo at kung inakala ko noon na pasakit na ang first day sa unang taon sa hayskul, sobrang sisiw lang pala 'yon kumpara ngayon.

Marami sa mga kapitbahay namin ang natutuwa sa'kin dahil magiging Manilenya na raw ako o Manila girl. Hindi maiwasang tuksuhin ako na mag-iiba raw ako sa katagalan na siyang lihim kong kinaiinis, pinangako ko sa sarili ko na magiging ako pa rin si Mingming kahit sa Maynila pa ako mag-aral.

Pero tila isang kakaibang mundo ang pinasok ko.

Akala ko noon ay nakita ko na ang Maynila noong enrolment. Pero iba pa pala ang daloy ng mundo nito sa normal nitong gawi, kapag nagsabay-sabay na ang pasok ng mga estudyante at mga empleyado. Lahat ng mga tiga-norte ay papuntang timog. Punuan ang jeep at siksikan ang LRT.

Kakaiba 'yung pagod kapag papasok ka palang, parang pagdating mo sa school ay gugustuhin mo nang umuwi dahil haggard ka na. Lalo na pag pauwi, doble ang pasakit ng commute kapag rush hour pasado ala singko ng hapon, hanggang labas ang pila ng LRT at wala kang masasakyang jeep.

Parang dati ay isang sakay lang ng jeep ang biyahe ko na wala pang sampung minuto. Na-culture shock ako ng sobra sa biyahe kong umaabot ng isa't kalahati hanggang dalawang oras, isang sakay ng jeep at tren. Ginusto mo 'to, Remison, kaya magdusa ka.

Sa loob ng isang linggo ay isang araw lang akong walang klase, tuwing Miyerkules. May pasok ako ng Sabado at Linggo naman para sa NSTP (National Service Training Program). Natural daw na hectic ang schedule ng mga first year dahil sa dami ng units.

Kung nakaka-culture shock ang commute ko sa pagpasok, mas nakaka-culture shock din siguro 'yung mga bagong taong nakakasalamuha ko. Ibang-iba sila kumpara sa mga naging kaklase ko noon, siguro factor din 'yung galing sila sa iba't ibang lugar. Hindi naman kasi lahat ng mga kaklase ko ay tiga-Maynila, marami ring mga tiga-probinsya katulad ko.

Nakakapanibago lang na may mga kaklase akong yayamanin o rich kid, may mga englisero, maarte, mukhang mayabang, may mga simple lang din naman katulad ko, may mga tahimik, may iba na sobrang ingay at bida-bida. At sa totoo lang ay nahirapan akong magkaroon ng mga kaibigan. Kaya noong unang linggo ay palagi lang akong mag-isa tuwing vacant, hindi ako lumalabas ng school kapag tanghalian dahil may baon akong pagkain para mas makatipid dahil nuknukan ng mahal 'yung mga pagkain dito.

Naalala ko tuloy na may isa kaming prof ang nagbigay sa'min ng intro, sa college hawak n'yo ang buhay n'yo, walang ibang kikilos dito kundi kayo. At sa college hindi kayo kilala ng prof n'yo at bihira na matatandaan ng mga prof n'yo ang mga pangalan n'yo kasi wala kaming pakialam kung pumasok kayo o hindi. Walang magpapaalala sa inyo ng mga dapat gawin dahil hindi na kayo high school.

Ewan ko ba pero bigla akong nagkaroon ng anxiety, kung ito man 'yung tawag sa nararamdaman ko. 'Yung palagi akong nag-aalala kapag lalabas na ako ng bahay. Pakiramdam ko kasi bawat araw ay nagiging pahirap nang pahirap ang buhay ko sa university, kahit hindi pa naman gano'n kahirap 'yung pinag-aaralan namin ay para bang hirap na hirap na kaagad ako.

Siguro... Dahil wala pa akong nagiging kaibigan, wala akong kakilala rito sa Maynila, natatakot akong magtiwala basta-basta. Sa kabila ng pangamba ay sinikap ko pa ring mag-aral ng mabuti kahit nagkakanda-puyat-puyat ako kasi mas triple pa pala ang pahirap ng mga professors kesa sa mga teachers namin noong hayskul.

Parang gusto ko tuloy ibalik ang oras noong hayskul at bawiin ang mga pagrereklamo ko, o 'di naman kaya'y hindi ko na lang dapat sineryoso masyado 'yung hayskul para mas nag-enjoy ako noon.

At siyempre, hindi ko pinapakita kay Mamang at Auntie Emily na nahihirapan ako. Hindi ko sinasabi sa kanila na hindi pa na nagtatapos ang first semester ay parang maiiyak na ako.

Mabuti na lang ay nakakausap ko pa rin sila Aiza, Burma, at Honey dahil kung hindi ay mababaliw na ako ng tuluyan. Hindi na kami makapagkita-kita dahil hindi pare-parehas ang mga schedule ng day off namin. Hindi ko sila maiwasang mamiss ng sobra at hindi ko maiwasang mainggit sa tuwing naririnig ko ang mga kwento nila na may mga nagiging kaibigan na sila at mga bagon crush.

Minsan napapatanong ako sa sarili ko kung bakit gano'n? Bakit gano'n? Bakit parang ako lang 'yung nagdudusa sa umpisa pa lang?

Hanggang sa isang araw ay hindi ko na nakayanan at binuhos ko lahat kay Quentin ng mga saloobin ko. Palagi pa rin kasi kaming magkatext, bilib nga rin ako sa kanya dahil walang sablay ang pagpapadala niya ng mga message kahit na minsan hindi na ako nakakapagreply.

Nasabi ko sa lahat sa kanya sa text ng mga frustrations at takot ko, na hindi ko magawang maopen sa kila Mamang maging kila Aiza. At siyempre, nakinig si Quentin. Iyon lang din naman ang kailangan ko, 'yung may makikinig nang walang panghuhusga.

Kaya nagulat ako noon habang nasa school ako ay biglang tumawag si Quentin.

"Uy, hello? Quentin? Bakit ka napatawag?" gulat na gulat kong sabi. Mabuti na lang ay saktong kakatapos lang ng klase ko at vacant period namin.

"I just want to check on you," sagot niya sa kabilang linya, panigurado ang ganda ng kislap ng ngiti niya. "How are you?"

"Okay naman, kakatapos lang ng class namin. Ikaw? Wala ka bang klase ngayon? Baka nagkacutting ka, ah," biro ko at natawa naman siya.

"Nope, vacant din namin ngayon. Gusto lang kitang samahan tuwing lunch, okay lang? Well... Hindi man physical akong nandiyan."

Hindi ko alam kung deserve ko ba 'yung kabutihan ni Quentin. Simula kasi noon ay siniguro niya araw-araw na okay ako sa school, tuwing lunch break ay tumatawag siya para 'sabayan' akong kumain. Ina-update niya ako sa klima sa Baguio, basta nagpapalitan kami ng mga kwento na para bang magkasama kami.

Nawala ang anxiety ko dahil sa araw-araw na 'pagsama' sa'kin ni Quentin. Hindi niya nga ako iniwan dahil walang palya ang pagtawag niya. Sabi niya pa nga, destiny ulit ang gumawa ng paraan para magtugma ang vacant schedule namin.

Lumipas ang mga linggo ay tila naging okay naman ang lahat. O sadyang nasanay nang mabugbog ang katawan ko sa biyahe at malunod sa kakainom ng kape para magpuyat sa pagrereview. Hindi ko rin kasi pwedeng pabayaan 'yung grades ko na bumaba sa quota para sa scholarship kaya pressured din ako.

Akala ko nga magtatapos ang first sem na wala man lang akong nagiging kaibigan pero katulad ko'y may isa ring loner na kaklase ang nakatagpo ko.

Si Elizabeth Buendia o Ely for short. Nakatabi ko kasi siya sa isang subject tapos tuloy naging magpartner kami sa isang report kaya ayon may kasabay na ako tuwing lunch kumain.

Kung tahimik ako ay mas tahimik si Ely, napag-alaman ko na sa Maynila siya lumaki pero hindi halata sa kanya 'yung pagiging 'Manila Girl', karamihan kasi sa mga kaklase kong babae na tiga-Maynila ay maiingay, mga kikay, mga galawgaw (Oo na, judgmental na ako).

Naninibago pa rin ako kasi nasanay ako sa mga maiingay kong kaibigan noong hayskul pero okay na rin ako kay Ely basta hindi siya masamang impluwensiya. 'Yon din kasi ang bilin ni Auntie sa'kin noon, huwag daw akong makakahanap ng barkada na BI o bad influence.

At dahil judgmental ako sa mga tao ay mukhang nagkamali na naman ako ng akala kay Ely. Lesson number 9999, huwag na huwag magiging assumera.

Isang hapon kasi maaga ang uwian, tapos si Ely absent, pero pinapupunta niya ako ng condo niya para tapusin 'yung research namin (kami na kasi palagi ang nagpapartner simula noong nagkakilala kami).Sabi ko wala akong laptop pero sabi niya dalawa 'yung kanya, papahiramin ako at mabilis ang wifi nila. Wala na rin akong angal kasi walking distance lang din naman 'yong condo niya mula sa university.

Tinuro niya kung anong room at floor siya. Ang gaga ko rin kasi, nakita kong nakaawang ang pinto ng bahagya. Hindi ako kumatok at diretsong binuksan ang pinto.

Kitang-kita ko tuloy na may kahalikan si Ely na lalaki, estudyante rin 'ata na tiga-ibang school, nakapatong sa kanya sa kama nila. Gusto ko sanang lumabas 'agad pero para akong naestatwa sa kinatatayuan ko.

Nang mapansin ni Ely ang presensiya ko'y kaagad niyang marahang tinulak ang lalaki kaya napatid ang paghahalikan nila. Mabuti nga't may mga damit pa silang suot!

"Shit," bulong ni Ely sabay ayos sa sarili pero poker-faced pa rin. "I'll call you later," sabi niya sa lalaki.

Sumunod naman ang lalaki, ang gwapo nito, base sa tikas ng katawan ay varsity player. Nilampasan lang ako at parang wala lang nangyari na lumabas ng condo.

"S-Sorry hindi ako nag-text na walang algebra kaya napaaga ako," nahihiya kong sabi.

"Sit down," utos niya at nagpunta siya sa may pantry para magtimpla ng kape. Parang wala lang talaga sa kanya 'yung nangyari.

Damang-dama ko 'yung awkwardness habang gumagawa kami ng research, o ako lang 'yon? Kaya binasag ni Ely ang katahimikan.

"Si Dexter 'yon, ex ko," bigla niyang sabi habang kaswal na nagta-type. "Nakikipagbalikan."

Grabe namang pakikipagbalikan 'yon, sa isip ko.

"S-Saan mo siya nakilala?" wala akong masabi kaya natanong ko 'yon.

"Sa Letran, galing ako ro'n last year, nagtransfer lang ako sa ADU," sagot niya naman. "On and off ang relationship namin. Varsity players are jerk but he's a good kisser."

May kilala akong varsity player na medyo mabait naman. Gusto ko sanang sabihin.

"How about you? Gaano na kayo katagal ng boyfriend mo?"

"Huh?"

"'Yung palagi mong katawagan tuwing lunch break." Akala ko ako lang ang assumera. Sunud-sunod akong umiling.

"Hindi ko 'yon boyfriend... Ano... Manliligaw pa lang?"

Napangisi siya sabay tingin sa'kin. "Bakit hindi ka sure?"

"Kasi since high school pa niya ako hinihintay."

"Oh, I see. That's rare. Mabuti't hindi siya nagsasawa at napapagod maghintay sa'yo?" parang natamaan ako bigla sa sinabi niyang 'yon kasi iba ang dating. Naalala ko siya bigla. "Saang university siya?"

"Ah... Hindi ko alam ang pangalan pero sa Baguio siya nag-aaral, international school," sagot ko at napatango naman si Ely. Bigla ko tuloy nilibot ang tingin ko sa condo niya dahil na-distract na ako, napansin kong may tatlong gitara siyang nakadisplay, mukhang musikero pala 'tong si Ely.

"Good thing he's not from here."

"Bakit mo naman nasabi?" 'di ko maiwasang itanong.

Pumangalumbaba si Ely at saka tumingin sa'kin, napansin ko na ngumiti siya pero 'yung mga mata niya ay parang inaantok pa rin. "I admire your innocence. But here's the reality, most university students are looking for a relationship, lalo na mga boys. You know, it's normal, they call it the exploration stage."

"Exploration stage?" Tinitigan niya ako na para bang sinasabi na alam ko na kung ano 'yung tinutukoy niya, gaya ng nakita ko kanina, normal lang daw 'yon sa ganitong edad, iyon ang pinahihiwatig niya.

"Anyway, balik tayo sa suitor mo," sabi niya sabay baling ulit sa laptop. "Just a friendly advice, I heard it from someone too, relasyon ang pinahahaba hindi ang ligawan. All I'm saying is, some relationships last longer even the courting process is short."

Mabuti na lang at walang pasok kinabukasan dahil medyo ginabi ako ng uwi. Naabutan ako ng rush hour kaya nahirapan akong makasakay.

Bago ako matulog ay hindi ako mapakali dahil hindi pa rin ako tinatantanan ng mga sinabi ni Ely at 'yung katotohanan na nadiskubre ko kanina, na hindi siya 'yung gano'ng inaasahan ko. Nabibigla pa rin ako.

At dahil hindi ako mapakali at hindi ko matiis, tinext ko sila Aiza kung gising pa sila pero si Honey lang ang nagreply. Kay Honey tuloy ako nag-open tungkol sa bagay na hindi ko ma-oopen kay Quentin.

Honey: Ganyan talaga karamihan sa mga mindset ng mga tiga-city, Remi. Liberated 'yang new friend mo. Kaloka. Ingat ka dyan.

Remi: Thanks, pero mabait naman si Ely. Sobrang nashock lang talaga ako na normal sa kanila ung ganun O_O

Honey: Hayaan mo darating ka rin sa ganung phase hahah 18 na tayo next yr

Remi: Pero sa tingin mo... tama ba siya sa sinabi niya?

Honey: Ikaw lang makakasagot nun. Kung sa tingin mo ready ka na, y not? May point din namn.

At least medyo nakatulong ang pag-oopen ko kay Honey. Pero nabother pa rin ako roo sa bagay na 'yon.

Hindi ko maiwasang ma-guilty ng sobra kasi pakiramdam ko ang unfair ko kay Quentin, lahat ginagawa niya para sa'kin at ilang beses niya nang pinatunayan na palagi siyang nandiyan para sa'kin.

Katulad noong dumating ang Linggo, half-day kami sa NSTP. Maaga ang uwian nang bigla niya akong i-text na nasa Maynila siya kasama ang pamilya niya. Pumuslit si Quentin para makipagkita sa'kin sa malapit na mall, sa SM Manila.

Hindi niya mapigilang yakapin ako nang magkita kaming dalawa. At katulad ng nakagawian ay nilibre na naman niya ako rito sa isang mamahaling kainan kahit na pinilit kong huwag na.

"Come on, ngayon na lang ulit tayo nagkita," sabi niya na hinaluan niya ng pagpapaaawa effect, ang cute niya kaya sa huli ay pumayag na rin ako.

Ayun, ang dami naming kwento sa isa't isa. Natutuwa ako kasi hindi nawala 'yung pagiging komportable ko sa kanya katulad noon. Ako nga 'yung naubusan 'agad ng energy dahil ang gana niyang magkwento, nakikinig na lang ako sa kanya habang nakangiti.

"Why?" tanong niya bigla. "Why are you staring? May ice cream ba ako sa mukha?" dumating na kasi kanina 'yung desert namin.

"Ah... Wala. Gusto ko lang... magpasalamat kasi palagi kang nandiyan para sa'kin," sabi ko. "Kasi sobrang laking tulong na sinamahan mo ako palagi sa lunch."

"I'm glad na may naging friend ka na ro'n, but I'm still calling you, okay?"

"Hindi ba ako nakakaabala?"

Kumunot siya. "Of course not."

Ngumiti ulit ako ng alanganin. "Sobrang thank you, Quentin."

"You know I'm always here for you."

Hindi ko maiwasang mapayuko bahagya dahil pumasok na naman sa isip ko na walang permanente sa mundo kahit nararamdaman ng isang tao. Masaya ako na sinabi niya 'yon sa'kin pero hindi ko maiwasang matakot na baka isang araw magbago ang isip niya dahil... dahil mapapagod din siya.

"May gusto pala akong sabihin." Lulubus-lubusin ko na. "Sa 18th birthday ko..."

"Yes? May request ka bang regalo?"

"Baka hindi ako makapaghanda ng bongga... Baka hindi ako magkaroon ng mga debut na may cotillion. Kasi alam mo na... Medyo kinakapos na kami sa pera."

Umiling siya. "What are you saying? It doesn't matter, we can still dance kahit walang formal event—"

"Nangako ka na maghihintay ka sa pagtuntong ko ng eighteen. Pero,Quentin... Huwag mo na 'yong hintayin."

Unti-unting naglaho ang ngiti sa kanyang mala-anghel na mukha nang marinig 'yon.

"Kasi... Sinasagot na kita ngayon."

"W-What?"

Huminga ako nang malalim sabay ngiti. "Tayo na, Q." 



-xxx-



A/N: Mingming is back! Na-miss n'yo ba siya?!

Anyway, gulat ba kayo this chapter? Hehehe magdiwang mga Team Quentin dyan. Sa mga Team Poknat kamusta kayo? Kapit lang ha? (^_−)☆

Advance Merry Christmas and happy new year!!!(っ˘▽˘)(˘▽˘)˘▽˘ς)

Thank you!(─‿‿─)♡

Continue Reading

You'll Also Like

349K 9.7K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
916K 45K 29
When lethargic university lecturer, Theo Gomez, meets an enigmatic and mysterious woman one night, he never expects his life to change forever. Yet...
12.6K 603 12
This was Published on my other account. Post ko nalang dito because may naghahanap and I lost the PDF copy already haha so here's a story I wrote on...
2M 56K 52
Zoe Aldana cannot catch a break. In her anger and grief, she summons the man in her portraits - ang kaniyang guardian angel na si Alexus. As she trie...