Responsibility To Oath (Fixed...

By ellastic18

327K 6.4K 100

Fixed Series #3 (R-18) Carsen Landrix Fontanilla doesn't believe in love and relationships. But an unexpected... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Epilogue

Chapter 30

1.3K 32 0
By ellastic18

Chapter 30

"Grabe naalala mo pa 'yon?" natatawa bagaman naiiling na tanong ni Nathaniel.

Si Nathaniel iyong tinutukoy ko. Siya iyong dumating kanina na hindi maalis alis ni Delune ang paningin.

His full name is Vegra Nathaniel Ford. Yup, his father is a foreigner kaya ganoon ang apelido niya at kaya ganoon nalang ang itsura niya. Tingin palang, mahahalata mo ng may lahi siya. He's white and has a brown eyes.

Nang tawagin niya ang pangalan ko kanina ay doon na nagsimula ang paguusap namin. Buti nalang at nakabalik agad ang yaya ni baby kaya nagkaroon kami ng oras ni Nathan na makapagusap, iyong kaming dalawa lang. We do some catch up. Noong una ay panay ako ang nagkekwento pero nang matapos ako ay siya naman ang nagsimula.

Ikwinento niya sa akin ang nangyari sa kanya magmula noong umalis siya sa bansa, kung ano ano ng maachieve niya sa ilang taon na hindi kami nagkita. And base to his stories, masasabi kong nagtagumpay na siya sa kanyang buhay o larang na tinahak.

He made me proud. Para akong kapatid o magulang na napaiyak pa nang marinig ang mga iyon mula sa kanya. Noon palang naman, alam ko na...na magtatagumpay talaga siya at gagawa rin ng sariling pangalan gaya ng kanyang mga magulang at hindi ako nagkamali roon. Hindi niya ako binigo.

"Oo naman," sagot ko sabay hagikgik. "Matalas yata ang memorya ko pagdating sa mga bagay na iyan," mayabang kong dagdag.

Bigla ko kasi siyang tinukso. He was telling me earlier na maraming nagkakagusto sa kanya roon sa ibang bansa, then may naalala ako kaya inasar ko na siya. There's this girl kasi from high school na talagang gustong gusto siya, as in! Kung nasaan siya ay naroon din iyong babae, minsan nagugulat nalang ako na nasa harapan na namin siya. May dala siyang mga pagkain, minsan naman ay may letter na ginawa. 

It's kinda creepy kasi pakiramdam ko, bawat galaw namin ay pinanonood niya. Nagtataka nga akong hindi manlang siya nagalit sa akin, ni hindi ko siya nakitang samaan ako ng tingin sa t'wing makikita niya akong kasama si Nathan. All I see in her eyes was admiration, hindi ko alam kung bakit ganoon. I was expecting her to react negatively dahil palagi kong kasama iyong taong gusto niya, pero hindi ganoon ang nangyari.  

Alam ko ang pangalan no'ng babae na iyon, kabatchmate rin kasi namin siya. And if I'm not mistaken, matalino rin siya gaya ni Nathan, iyon nga lang may pagkanerd daw. May mga pagkakataon na natutukso siya at nabubully dahil doon, pero syempre ipinagtatanggol ko o ni Nathan.

Nang makagraduate kami ng high school ay hindi na namin siya nakita pa. Nakakahinayang pero sana nasa maayos na kalagayan siya. 

"What's her name again?" tanong ni Nathan saka ulit kumuha ng wine. 

Tsk, kanina pa siya, nakakarami na, pero hayaan na nga at mukha namang sanay na sanay na siya.

"Wait..." sabi ko nang biglang may makitang carbonara. Gosh! Bigla akong natakam doon.

"Gusto mo kuhanan kita?" tanong niya, ang paningin ay naroon na rin sa tinitignan ko.

Wala sa sarili akong tumango. "Yes please," sabi ko.

Natawa pa siya bago tuluyang tumayo. Pinanood ko siyang kumuha ng carbonara. Grabe kahit nasa gitna siya o napalilibutan ng maraming tao, nagagawa niya pa ring mag-stand out. Kahit yata sinong kababaihan ang makakita sa kanya ay tiyak na maii-startstruck sa kagwapuhan niya. 

Bigla tuloy sumagi sa isipan ko kung may girlfriend na ba siya o asawa. Hmmm, mamaya ko nalang siguro itatanong pagbalik niya. 

Natigil ako sa pagiisip nang ilapag ni Nathan ang plato na naglalaman ng carbonara sa harapan ko. Tingin palang, naglalaway na talaga ako. Nang hindi makapagpigil ay mabilis ko na 'yong nilantakan. Narinig ko pang matawa ang katabi ko pero hindi ko na lamang pinansin. Masyado akong abala rito.

"Dahan dahan nga..." aniya saka kumuha ng tissue. "Ang kalat mo pa rin kumain," komento niya saka ako pinaharap sa kanya. Hawak niya ako sa baba, sa ganoong paraan niya ako pinunasan sa labi. 

Pinaulanan tuloy ako bigla ng hiya. Ang tanda tanda ko na pero makalat pa rin. Paano nalang kung ibang may makakita? Ano nalang ang iisipin nila? Na ang nagiisang anak ng mga Lopez ay makalat kumain? Na naturingang Doctor pero ang dugyot? Gosh hindi ko maimagine!

"Sorry aken," sabi ko nang sa wakas ay matapos siya sa kanyang ginagawa. Hindi na ako nakasubo pang muli no'ng carbonara dahil nahihiya na ako sa kanya.

"Ayos lang, sanay naman na ako sa 'yo," agap niya saka ngumiti.

"Nga pala Nathan..."

Sumeryoso bigla ang kanyang mukha. "Ano 'yon?"

"May girlfriend kana ba? Asawa?" diretsa kong tanong.

Hindi siya nakasagot agad pero maya maya'y ngumit rin ulit. "Why did you ask?"

Ngumuso ako. "E, kasi nacurious lang ako."

"Hmm?"

"Oo nga! So ano nga, mayroon na ba?" tanong ko.

Natawa siya saka inilagay ang kaliwang braso sa sandalan ng inuupuan kong silya. Napatitig pa ako roon bago ibinalik sa kanya ang paningin.

"Well..."

"Ano nga? Ayaw pang sabihin..." maktol ko. Pinagkrus ko ang parehong braso saka binti.

"Mayroon akong nagugustuhan," pag-amin niya.

Oh wow, may nagugustuhan na siya. Pero sino naman kaya? Kung sakali man, kilala ko ba? O baka naman taga ibang bansa rin? Model? Artista? Nasa business industry?

"Alam niya na gusto mo siya?" tanong ko. Curious kasi talaga ako. Saka isa pa, baka matulungan ko pa siya roon. Maging tulay pa ako sa kanilang dalawa diba?

Umiling siya. "Hindi nga eh."

"Bakit hindi?"

"Hindi ko alam kung paano ko sasabihin..." Napakamot pa siya sa kanyang ulo tsaka nahihiyang tumitig sa akin. "Paano ba dapat? May ideya ka ba? Help me."

Inalis ko ang pagkakakrus ng braso ko. Sumandal ako sa inuupuan na para bang seryosong bagay itong paguusapan namin. Inilagay ko rin ang aking hintuturo sa baba. "Kapag aamin ka sa kanya, make sure na kayong dalawa lang, yayain mo siya sa isang date."

"Sige, what else?"

"Bilhan mo ng flowers saka chocolates."

"Paano kung hindi ko alam 'yong gusto niyang bulaklak? Paano kung ayaw niya ng chocolates?"

Ngumiwi ako. "Ang hirap naman niyan, dapat tinanong mo siya."

"Bihira nga akong makalapit doon."

Nangunot ang noo ko. "Bakit naman?" Gaano ba kahirap lapitan iyong babae na 'yon at bihira lang? Celebrity ba siya? Kasi kung oo, maiintindihan ko pa dahil mahigpit ang security nila, pero kung ordinaryong babae lang, jusko naman! Ang gwapo na ni Nathan tapos hindi manlang niya nanonotice? Gosh, sayang 'yon!

He sighed. Dinampot niya ang kanyang baso na naglalaman ng wine saka iyon nilaro sa kanyang kamay. "She's a model and sooner or later baka artista na rin."

Oh model pala e, kung model baka naman pu'pwede kong tanungin si Cae? O kaya si Ash? Baka sakaling kilala nila at matulungan nila ako rito kay Nathan?

Hmm, perfect idea iyon...

"May mga kaibigan akong model, baka matulungan ka nila, ano bang pangalan no'ng babae na gusto mo?" tanong ko.

"Keshia!" Naalis ang paningin ko kay Nathan nang marinig ang boses ni Ella, may kalakasan iyon kaya batid kong naagaw din niya ang atensyon ng iba pang tao na malapit sa gawi namin.

Lumingon ako at ganoon nalang ang gulat ko nang makita siyang nakasuot ng formal attire. Napakaganda niyang tignan! Teka, akala ko ba paalis alis siya ng bansa? Bakit nandito siya bigla? Anong mayroon? Don't tell me inimbitahan sila nina Mommy and Daddy?

"Ella..." sabi ko nang makalapit siya sa amin. She's not alone of course, batid kong kasama niya ang asawa niya. Tsk, iyon pa ba? Syempre hindi niya hahayaan si Ella na pumunta sa ganitong event na magisa. Saka knowing Creed? May pagkaseloso at possessive ang isang 'yon.

Niyakap niya ako ng mahigpit. "Oh gosh, I miss you!" sabi niya, siya na rin ang kusang humiwalay sa akin. Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko.

"Ang laki na ng tummy mo! Malapit ng lumabas ang baby," sabi niya na halatang mas excited pa sa akin. Nang mapansin na may kasama ako ay kaagad na dumako roon ang paningin niya. "Oh, hi!" bati niya kay Nathan.

Mukhang natulala pa si Nathan matapos siyang batiin ni Ella kaya naman siniko ko siya para hindi mapahiya. "Hi raw sabi ni Ella," bulong ko.

Biglang natauhan si Nathan at nahihiyang ngumiti sa aking kaibigan. "Hello, Dauntiella Lee right?" tanong niya.

Nakangiting tumango si Ella. "Oh let me introduce myself to you, I am Dauntiella Lee-De La Vega," pagpapakilala niya saka naglahad ng kamay sa aking kaibigan.

Kaagad na tinanggap iyon ni Nathan. "Nice to meet you, sorry I didn't know that you're married."

"It's okay, hindi naman big deal," sagot niya, nakangiti pa rin. Nang hindi na sumagot si Nathan ay bumaling siyang muli sa akin. "Kesh, sorry nalate kami, si Creed kasi—"

Hindi na natapos ni Ella ang sasabihin nang biglang sumulpot si Creed sa tabi niya. Inilagay nito ang kanyang kamay sa bewang ng asawa. Sa ganoong paraan niya ipinaalam sa mga kalalakihan na nakatingin sa asawa niya na pagmamay-ari na niya ito.

"I heard my name love," ani Creed saka inilapit ang labi sa pandinig ng asawa.

"Yeah, I was telling Keshia na kaya tayo nalate ay dahil sa 'yo."

Binalingan ako ni Creed at nginitian. "Oh right, sorry for being late Kesh, nagkaroon kasi ng emergency sa kumpanya."

Gustuhin ko mang itanong kung sino ang nagimbita sa kanila pero hindi ko na ginawa.

Tinanguan ko siya at nginitian din. "Ayos lang, by the way enjoy the party."

Nagkatinginan ang dalawa saka ngumiti. "We will surely will, ooh by the way..." Lumapit si Ella sa akin, itinapat niya ang kanyang labi sa aking pandinig. "Cae is coming, maybe si Ash din kaya watch out for those two."

Natawa ako. "E? Sige ako ang bahala, pero sina Tusher at Lauri pupunta rin ba?"

"Yup, nandyan na nga sila sa labas, halos kasabay lang din namin..." si Creed na ang sumagot no'n.

Oh for sure sina Mommy at Daddy nga ang nagimbita sa kanila.

Lumipas ang ilang minuto at kasama ko na sina Tusher, Lauri, Creed at Ella sa iisang table. Of course Nathan is still beside me, nakakatuwang isipin na nakasasabay siya sa usapan nina Tusher at Creed pagdating sa business. Mukha tuloy silang magkakasundo.

"Ang gwapo ng friend mo," bulong ni Lauri saka ngumisi.

Pinanliitan ko siya ng mata saka inilingan. "Nako, marinig ka ni Tusher..."

"Wala namang mali roon..." depensa niya.

"Seloso ang asawa mo," paglilinaw ko.

Natawa siya saka umiling. "Sa tagal naming magasawa, hindi na masyado, alam mo kasi...kapag matatanda na kayo, hindi niyo na masyasong iniisip 'yon o binibig deal."

Sabagay, tama nga naman siya. Kapag talaga matanda kana, hindi na sasagi sa isip mo ang mga ganoong bagay. Wala ng masyadong selos at mga malalaking away. Saka kapag may asawa kana, imbes na pagawayan o pagtalunan, mas pipiliin niyo nalang na ayusin at pagusapan. Hindi gaya noong magkarelasyon palang kayo, konting away o tampuhan pwedeng maghiwalay, ngayon kasi iba na.

"Guys, we're here..." Sabay sabay kaming lumingon nang marinig ang boses ni Ash. At gaya ng inaasahan, kasama niya si Cae.

Cae rolled her eyes. "Tsk, ewan ko ba kasi kung bakit sumabay ka pa sa akin, e kaya mo namang magisa..." asik ni Cae saka naupo sa upuan na katabi ng kay Nathan. "Tabi tayo ah? Okay lang?" tanong niya pa rito.

Ang atensyon ni Nathan ay naalis na kina Tusher at Creed. Napunta iyon bigla kay Cae na ngayon ay nasa tabi na niya.

Nakangiti niyang tinanguan si Cae. "Of course, by the way Cae, is that really you?"

Natigilan si Cae at bahagya pang itinagilid ang ulo para titigan ng maigi si Nathan. "Wait..." Nanlaki ang mata niya. "Nathan..." sabi niya saka yumakap ng mahigpit dito.

Nang sulyapan ko si Ash ay nasa malayo na ang tingin niya. Tahimik pa siyang naupo sa upuan na katabi ng kay Creed.

Nathan hugged her back. "Cae, finally!"

Humiwalay si Cae at nakangiting tinanguan si Nathan. "Finally, nagkaroon na tayo ng chance na makapagusap at magkasama..."

They know each other? What a small world...

"Oo nga, napakarami mo kasing securities sa t'wing magkikita tayo, iba talaga kapag sikat na." si Nathan.

Natawa si Cae at hinampas siya sa braso. Hindi iyon nakaligtas sa paningin naming lahat, kaya batid kong miski si Ash ay nakita rin iyon.

"Pasensya kana roon."

"By the way Cae..."

"What is it?"

"What's your favorite flower? Mahilig ka ba sa chocolates?"

My jaw dropped. Nanlaki rin ang mata ko. Ganoon nalang ang gulat ko matapos marinig iyon mula kay Nathan.

Tama ba ang narinig ko? Kasi kung oo, possible bang si Cae iyong nagugustuhan niya?

Uh oh...

~to be continued~

Continue Reading

You'll Also Like

1.7K 81 39
Carvajal Series #2 Crescensia Maghnuis is an independent woman. When her parents died, she became strong and independent. She don't want to get invol...
5.9K 163 39
Asteria Nicolai Valmoria decided to go out together with her friends. That's where she met Aires Kahlil Silverio, the CEO of Sivres Company and also...
12.6K 441 46
The young Everleigh really adored the young Vincent Aiden Sullivan back in their Elementary days. But after that, she believes that she already moved...
3K 225 38
Fate. What is fate? According to my research, it is to be destined to happen, turn out, or act in a particular way. Iyon na ang dapat na mangyari e...