Started with a Fake Relations...

By EightFinityAndBeyond

211K 7.2K 485

They start as a fake couple.. What will be the end of their story? -- (COMPLETED) This story is not yet fully... More

Started with a Fake Relationship <3
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
AUTHORS NOTE
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23: Luke and Melissa Side.
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Not an Update.
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 46.2
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 52.2
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 54.2
Last Chapter ♥
SWAFR: EPILOGUE ♥

Chapter 26

2.7K 115 16
By EightFinityAndBeyond

Please, tell me kung okay pa ba yung takbo nung story o hindi :'( Paiba-iba kasi takbo nang utak ko e' kaynes! >_< Sorry for the late update guys, busy lang talaga :((

SHAIRA's POV

Alas-diyes na nang umaga ako nagising, marahil na din siguro sa puyat. Kinapa ko yung cellphone ko sa tabi ko at tinignan kung may mensahe ba akong natanggap mula kay Ethan. Hindi nga ako nagkamali at may tatlong text galing sa kanya.

From: Sweetheart Ethan

"Goodmorning Baby, kakagising ko lang. Magpeprepare na ako sa pagpasok! Iloveyou! :'>"

Napangiti ako, sa twing' magtetext siya sakin hindi maaring walang 'I love you' na nakalagay sa huli. Sunod ko namang binasa yung pangalawa at pangatlong text niya.

From: Sweetheart Ethan

"Ang sarap nang niluto kong Breakfast baby, kasing sarap nang labi mo. Magbreakfast ka na pagkagising mo. Mahal na Mahal Kita, sweetheart.."

"Im on my way to school, ingat ka sa pagpasok mamaya okay? Im sorry hindi kita masusundo mamaya, I miss you baby. I love you. Text kita ulit pagkarating ko sa school."

Kumalabog naman yung puso ko sa text niyang iyon, hindi talaga siya nagkakamaling pakiligin ako kahit pa sa mga little gesture niya katulad nito. Damn! Im so inlove with this Man.

Pero nakakapagtaka dahil hindi siya nagtext ulit, katulad nang sabi niya sa pangatlong text, pinasawalang-bahala ko nalang iyon. Tinext ko din siya, alam kong ngayong oras ay breaktime nila nang 30 minutes.

To: Sweetheart Ethan

"Goodmorning! Kakagising ko lang baby, eat well. Iloveyou."

Nakangiti kong text sa kanya. Pero nakakapagtakang hindi siya nagrereply. Busy siguro, sabi ko nalang sa sarili.

Tumayo na ako at nag-asikaso na sa pagpasok. Pagtapos kong kumilos, kumain na muna ako saglit at umalis na nang bahay.

Nang malapit na ako sa school, hindi ko alam pero nakaramdam ako nang kaba, kaba at takot katulad nung pinagtulungan ako nila Venus. Yung pakiramdam na nag-iisa lang ako at walang tutulong sa akin. Napahawak ako sa dibdib ko. "Relax Shai, wala lang yan." pag-papalakas loob ko sa sarili at bumuntong hininga.

Nang nasa tapat na ako nang gate hindi ko alam pero lalong kumalampag yung puso ko, bakit pakiramdam ko may mangyayaring di maganda?

Kahit puno nang pag aalinlangan nilakasan ko yung loob kong pumasok sa school.

Napahinga ako nang maluwag nang wala namang kakaibang nangyari, nagpatuloy lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa Whole Court, halos malaglag ang puso ko sa nakikita ko sa paligid, sa bawat poste at pader nang school.

Mga litrato namin ni Drake nung gabing hinalikan niya ako sa Pisngi.

Pero kung titignan, parang naghahalikan kami sa litratong iyon.

Hinablot ko sa pagkakadikit yung litrato, para akong baliw na tinatanggal ang mga nakadikit, naluluha na din ako. Paniguradong ako nanaman ang Topic sa school na ito. Napatigil ako sa pag-tanggal nang may magsalita mula sa likod ko.

"So, Here comes the Bitch." dahan dahan akong lumingon at nakita si Venus sa likod ko, nakataas ang kilay niya at halos magulantang ako nang makita sa likod niya ang mga miyembro nang fansclub ni Ethan, may mga hawak silang banner na nakalagay doon ang mukha ko at ang salitang "Die Shaira Mondejar, the evil bitch."

"V..Venus? A-ano nanaman ba to?" kinakabahan kong tanong, takot na takot ako dahil napakarami nilang nakapalibot sa akin.

"Your asking me kung ano ang mga ito??! Ikaw! Ikaw yan! At ang kalandian mo! Akalain mong pinatulan ni Prince Ethan ang malanding kagaya mo? Ang makating katulad mo?!!" malakas niyang sabi, biglang tumulo ang mga luha ko sa pisngi, paano ko ba ipaglalaban ang sarili ko? Puro takot lang ang nararamdaman ko.

Nagsisigawan ang mga kababaihan at halos mabingi ako sa mga pinagsasabi nila.

Naglakad si Venus paikot sa akin, "Hmm. Diba sabi ko sayo di pa tayo tapos? Here, ang ganda nang surpresa ko hindi ba? Nagustuhan mo diba? Tutal malandi ka naman, Ayan ginawa kitang Center of Attraction, Ang saya hindi ba?" bulong niya sa akin na nagdulot nang sanlibong kaba mula sa katawan ko, kahit anong pigil ko sa pag-iyak hindi ko mapigilan.

Magsasalita pa sana ako nang sampalin niya ako nang malakas sa Pisngi.

Naging dahilan yon' nang pagbagsak ko sa sahig.

Tumingin ako kay Venus, at inilibot ko ang paningin ko. Panay ang pagkalampag nang puso ko nang makita nang mata ko si Ethan na papalapit sa kinalalagyan ko. Kahit umiiyak hindi ko alam pero napangiti ako, nandito na siya para ipagtanggol ako.

Pero nawala ang ngiti sa labi ko at ang pag-asang ipagtatanggol niya ako nang tumayo lang siya sa harap ko at pwersahan akong hinila patayo. Nakakunot ang noo niya at galit na galit ang mga matang nakatingin sa akin. Naniniwala ba siya sa litratong yan?

"Hindi ko alam na malandi ka pala, hindi lang basta malandi dahil pati pinsan ko pinatos mo pa. Akalain mong na-inlove ako sa makating katulad mo." madiin at malamig niyang saad sa akin. Nag-uunahang tumulo ang luha sa pisngi ko, nakatingin lang ako sa mga mata niya pero hindi ko makita sa mata niya yung mga tingin niya sa akin noon na puno nang pagmamahal, puro galit at poot ang nakikita ko sa mga mata niya. Kung kanina nasaktan ako sa pagsabi ni Venus na malandi ako pero mas masakit pa palang kung yung taong mahal mo ang magsabi sayo nang salitang iyon.

"E..Ethan. L-let me explain. B-bakit ka ba ganyan? P-pagpaliwanagin mo muna ako!" saad ko, hinawakan ko ang braso niya pero iwinaksi niya iyon.

Halos mabiyak yung puso ko nang pagsalikupin ni Venus yung kamay nilang dalawa, Si Ethan naman ay parang walang pake sa ginawang iyon ni Venus, parang gusto pa niya yung ginawa nito dahil nakita ko yung pagpisil niya sa kamay nito.

Lalong lumakas ang hikbi ko at tuloy-tuloy lang sa pagtulo yung luha ko. T-talaga bang sarado ang utak at puso niya na pakinggan ako? Na pakinggan ang side ko?

"E..Ethan" naluluha kong sabi, pero imbis na kaawan niya ako itinapon niya sa mukha ko yung litrato at yung dyaryo kung saan nakalagay yung litrato namin ni Drake.

"I hate you to death Shaira, don't you ever dare na lumapit ulit sa akin, I don't want to see your stupid face again." pakiramdam ko nawasak ang puso ko sa sinabi niya, ganun ganun nalang yon? Ni hindi niya man lang pakinggan ang side ko? Ang sakit sakit na marinig sa kanya ang mga salitang yan, ang sakit sobrang sakit.

Tumalikod na si Ethan, pero binulungan pa ako ni Venus.

"You heard it? Layuan mo na siya, Ethan is MINE now!"

Napaupo ako habang umiiyak, umalis na sila sa harap ko. Pero yung ibang mga kababaihan ay pinagbabato pa ako nang papel bago tuluyang umalis. Awang-awa ako sa sarili ko. Kung kailan kailangan ko nang kadamay walang tumulong sa akin, nasan na ba sila Melissa? Hindi ko na kaya yung nangyari ngayon, pakiramdam ko wasak na wasak na ako.

Pinilit kong tumayo at tumakbo palabas nang school, pero napabagsak muli ako sa sahig nang makita ko ang nag-aalalang mukha ni Drake. Imbis na makaramdam ako nang galit sa kanya, ipinasawalang bahala ko nalang iyon at agad agad na tumayo upang yumakap sa kanya. I need someone to lean on, right now. Hindi ko na kaya yung sakit.

Tinanggap niya yung yakap ko,

"I--Im sorry Shaira, This is all my fault" pagpapaumanhin niya habang hinihimas ang likod ko, hikbi lang at pag-iyak ang nasasagot ko sa kanya. Bumitaw ako nang yakap sa kanya at iniupo niya ako sa bench sa field habang pinapakalma ako, pero hindi talaga ako makalma.

"D--drake.. W-wala na. Wala na.." patuloy padin ako sa pag-iyak, wala na yatang katapusan to' hindi na yata mauubos ang luha ko.

"Ssssh. Im really sorry Shaira, don't worry kakausapin ko si Ethan, aayusin ko tong gusot na ginawa ko." aayusin? Wala na. Sarado na ang utak at puso niyang makinig sa akin.

"H-hindi na siya makikinig. H-hindi na siya maniniwala. P-pinaniwalaan niya ang nakita niyang litrato natin." ang manhid na nang katawan ko dahil sa pag-iyak.

Hinatid ako ni Drake pauwi sa amin at nagulat si Mama sa itsura ko, ayaw ko pa sanang umuwi pero mapilit si Drake, sabi niya mas kailangan ko si Mama ngayon.

Nakahiga na ako sa kama ko, pero tuloy pa din ako sa pag-iyak. Nag-uunahang bumagsak ang luha ko at ang pagpakawala ko nang malalakas na hikbi. Narinig kong kumatok si Mama, narinig ko ang pagbukas nang pinto at ang pag-upo niya sa kama ko.

Pagkaupong-pagkaupong yon' ni Mama agad ko siyang niyakap at umiyak sa kanya.

"SHAIRA! Anak!!" ani mama, habang pinapatahan ako, diniin ko ang pagyakap kay mama, pakiramdam ko ligtas ako sa mga yakap niya at walang kahit na sino ang mag-aatim na saktan ako.

"M-mama.. W-wala na po. Ayaw niya akong pakinggan, A-ayaw na din daw niya akong M-makita, d-dahil dun sa l-litrato na k-kumalat sa school" nauutal kong wika habang patuloy sa pag iyak.

"Alam ko na anak, nasabi na sa akin ni Drake kanina. Wag ka nang umiyak anak, maaayos din ang lahat." humihikbi na ding sabi ni Mama, halos madurog ang puso ko nang marinig kong umiiyak na din siya dahil sa akin, dahil sa kawalan ko nang lakas nang loob para maipagtanggol ang sarili ko.

"Diba sabi ko naman sayo, ang pag-ibig ay hindi pag-ibig kung di ka makakaramdam nang sakit sa puso mo." totoo. tama si Mama, akala ko perpekto ang lahat sa amin ni Ethan, yun pala dadating yung araw na magkakaproblema kami at magiging dahilan nang pagkamuhi niya sakin. Tama nga yung gumugulo sa isip ko nung nakaraan nung nasa kotse ako ni Ethan, hindi iyon nagkamali. Nangyari nga. Parang kahapon lang okay na okay pa kami, ngayon... sa isang iglap nagkaroon nang mitsa ang relasyon namin.

Nagising ako nang tumapat ang sinag nang araw sa mukha ko, nakatulog na pala ako buong magdamag. Humarap ako sa salamin nang kwarto ko, tinitigan ko yung mukha ko. Malamlam na mata, malalaking eyebag, magulong buhok. Hindi ito yung Shaira nung mga nakaraang araw, hindi ako to.

Nakarinig ako nang sunod-sunod na katok sa pinto nang kwarto ko at iniluwa nun si Melissa,Vanessa,Jen, Mika, Sam at Charlie na malulungkot ang ekspresyon nang mukha. Hindi ko alam pero nang makita ko sila nagsiunahan muling tumulo ang luha ko. Wala na nga yatang kaubusan ang luha ko.

"Gosh! Shaira!" isa isa silang lumapit sa akin at niyakap ako.

"Ang kapal nang mukha niya! Ni hindi ka man lang niya hayaang magpaliwanag!" bulyaw ni Charlie.

"Ano ba Charlie, wag ka na ngang magsalita nang ganyan, Shaira needs us." usal naman ni melissa.

"Ang sarap patayin nung Venus na yon! Gusto ko siyang ibigti patiwarik dahil sa ginawa sayo!" saad naman ni Jen. Gustuhin ko mang matawa dahil sa mga sinasabi nila pero hindi sa pagkakataong ito.

Tumagal sila hanggang tanghali sa kwarto ko, sabay sabay din silang umalis dahil may pasok sila. Ganun din naman ako pero hindi ko kayang pumasok ngayon, durog na durog ako sa nangyari. Wasak na wasak ako. Awang-awa ako sa sarili ko. Dahil ni hindi man lang ako paniwalaan nang taong mahal ko.

--

Vote please? :D Loveyoumuch!

~Eightfinity

Continue Reading

You'll Also Like

107K 4.5K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...