Kapit Bitaw

By ynsanity

3.8K 219 41

editing :) but when is the right time for anything? HIRAYA SERIES #2 - [COMPLETED] a novel More

KAPIT BITAW
Prologue
Chapter 1
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 08

94 3 0
By ynsanity


"Hi, tapos na?"

Bungad sa akin paglabas ko sa classroom si Ray.

Kasabay ko si Maria palabas at nung tumingin ako sa kaniya, ngiting ngiti siya. Nakataas pa nga eyebrows niya. As if, first time 'to mangyari. "Una na ako beh." sabi niya at nagwave. "Bye." I said and waved back.

It has been 3 months since the fest where we confessed. Munimuni played after the conversation and somehow, 'di ako makafocus sa mga kanta nila.

This has been our set up for those months. Hihintayin niya ako pagkatapos ng klase namin sa labas ng classroom ko araw araw which has never even been a problem because his dismissal was earlier than mine. Nilalakad niya ako papunta sa gate, hindi masyadong malapit sa kotse ko dahil baka mahuli kami ng driver ko. After that, he walks back to the gym for his training.

Minsan, sinasamahan niya ako tuwing lunch at recess pero not everyday to the point na wala na akong time para sa mga kaibigan ko. And I was okay with it.

This was just like any other day.

"Hi, yes. Sorry kung naghintay ka matagal," I said when I looked at the time in my phone. "Late nagdismiss si Ms."

"Okay lang." he said, still energetic. He put his hand on the small of my back, a signal that we should start walking already. Sumabay kami sa crowd of students na pababa sa hagdanan. The weight of my backpack was paining my back kaya nilagay ni Ray ang kamay niya doon sa baba, in effort to make it lighter for me.

Hawak niya rin ang envelope ko, something na nakasanayan niyang gawin. I just let him.

Magaalas-singko na, mainit parin ang sikat ng araw dahil pasummer na. I squinted my eyes when we got down the stairs, we stopped for a while pero nagpatuloy na rin kami sa paglalakad. A gym bag was hanging on his left shoulder habang nasa kanang kamay naman niya ang envelope ko.

The walk was silent.

Over the past 3 months, alot has happened. Mas nakilala na namin ang isa't isa. Hindi na ako naaawkwardan kapag kinakausap siya pero mostly talaga, tahimik lang kami kapag magkasama kami. It was silent, but at least it was comfortable.

I guess you could say that we were in the Mutual Understanding phase. We never really talked about it for long pero I think we both agreed with that. No label, but with [little] commitments. First time ko din magkaroon ng gano'n. Hinding hindi puwedeng malaman nila mama dahil unang una, nakatakda na ako sa ibang lalaki, pangalawa, sigurado ako na, if I am not exaggerating, papatayin ni papa si Ray for not following his rules. Pero kung magagalit man sila, sa akin dapat. Wala na si Ray doon.

We reached the gate after a few more minutes.

Kukunin ko na sana envelope ko at magpapaalam. "By-"

"Wait lang!" he suddenly said, holding one of my shoulders to stop me. Medyo nagulat ako dahil napataas ang boses niya na parang natataranta. I immediately looked back at him na mukhang napapawisan na ng sobra sobra. Kumunot kilay ko at lumiit mata ko. "Why?"

"Uh..."

I gave him a look na parang nagsasabi na sabihin mo na. Tumingin ako sa likod, baka biglang sunduin ako ng driver ko dito sa main gate kapag natagalan ako. Students from different sides and areas of our school came flowing out in different groups. Yung iba, may katext o katawag. Siguro yung magsusundo sa kanila. May mga bus na nakapark sa gilid, sunod sunod.

"Ano iyon, Ray?"

Ang tagal niyang magsalita. Nilibot ko ang mga tingin ko nu'ng nagtama mata namin ng isang babae. Mukhang hindi naman niyang intensyon na tumingin sa akin at binalik niya kaagad ang atensyon niya sa lalaking may hawak ng kamay niya. Was that...?

For the past 3 months, hindi na kami nagpapansinan ni Julian. Huling salita na sinabi niya sa akin ay noong magkasama kami sa elevator nu'ng Enero. Pagka-lumalapit ako sa kaniya, bigla siyang iiwas. Or was it all in my head? We just pretend to be close kapag may gathering ang Angeles at de los Santos.

I saw her kissed his cheek.

One more time. And another, mas matagal.

'Di ko alam pero bigla ako nakaramdam ng...

Dismaya?

Ewan ko. Feeling ko sasabog ako sa matinding dismaya.

Natauhan ako noong may narinig ako pagtawag ng pangalan ko. I blinked once, twice. "Huh?"

"S-sabi ko... uh... gusto mo ba maging official? Like, boyfriend girlfriend?"

Napatigil akong saglit. Then, I panicked. 'Di ko muna kayang tingnan ang mata ni Ray kaya ibinaling ko muli ang tingin ko sa lalaking ayaw na ayaw ko. They were still there. I know that my eyes could show Ray everything. Nagbubulag-bulagan ba siya? Or is he blinded by his anxiousness?

They were still there. I didn't want to use that vulgar tern, pero 'nag-lalandian' sila. And ano ang mali doon?

Liana, why are you so mad?

If Julian can enjoy his remaining bachelor years, I can too. For God's sake, grade nine palang ako. Kung puwede siya maging masaya, malaya, puwede rin ako.

"I mean..." Ray's voice once again disturbed me from my thoughts. I could hear the sadness in his voice. Tumingin ako muli sa mata niya. I liked him naman 'e. So, what was keeping me from answering. "Hindi mo naman kailangang bigyan ako ng sagot ngayon. I'll wait. Hihintayin kita hanggang handa ka na."

But I was fast to shake my head. Fast to speak up. Inunahan ko na ang desisyon ko gamit ang salita ko.

"Let's do it. Let's be official."

Maria Arellano
Today 7:56 PM

ANO TONG NARIRINIG KO
JULIANA DE LOS SANTOS HOY
LIANA
MAY KUMAKALAT NA BALITA

ano yunn??

NA KAYO NA NI RAY????
TOTOO??????
UY WAG KANG SEENER NGAYON

😀
kung totoo??

ANONG KUNG TOTOO???????
SO TOTOO????
GAGA SUMAGOT KA
NAGPAPANIC AKO PARA SAYO

kung totoo ano gagawin mo??

HAHHSHSHSHSHAHHAHAHHA
ANGAS AH SINO KA NASAAN SI LIANA
PUTA KA HULI NANAMAN AKO SA BALITA
AKO DAPAT UNANG MAKAKAALAM E

😔
sorry huhu
i just arrived home e
di ko inexpect na ganon kabilis aano ang balita

TEH HALOS LAHAT NA MAY ALAM
BALITA KO SINABI LAMANG NI RAY SA ISANG KA-VARSITY NIYA TAS NARINIG NG IBA
MALAMANG FAMOUS KAYO GAGO EDI NAGKALAT BALITA
daming nadidismaya na may crush kay ray
dami ring nadidismaya na may crush sayo

omg HAHA

tEH LEGIT PROMISE
ani nga nila power couple of the yr
dami ding bashers na nagsasabi di kayo tatagal

ohh HAHAHA hayaan mo silaaa
it's better if di nalang ako magsalitaa

hayst bahala ka
pero sis ingat ka may masama akong kutob dito

why naman?

basta d ko maexplain
ayoko nalang magtalk HSHHSHSSHHSHSHSHHA charot
basta ingat ka ate girl kasi may kasabihan na kapag matalino sa acads, bobo sa pagibig

HAHAHAHAHA
okok tnx maria i'll keep that in mind 😚

Continue Reading

You'll Also Like

170K 3.1K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
4.4K 379 128
kina & josiah | an epistolary the "til death do us part" love
719 113 56
An epistolary. © lavishlybella 2023
5.4K 451 120
If all else fails Would you be there to love me? When all else fails Would you be brave, to see right through me? ••• Awit Ryle Arcete and Juan River...