Dalaga na si Remison

By AnakniRizal

1.5M 155K 332K

"Paglaki ko pakakasalan kita." Iyon ang pangakong narinig ni Remison sa kanyang kababata. This is the story... More

**✿❀ #DNSR ❀✿**
✿SEASON ONE✿
DALAGA 1❀
DALAGA 2❀
DALAGA 3❀
DALAGA 4❀
DALAGA 5❀
DALAGA 6❀
DALAGA 7❀
DALAGA 8❀
DALAGA 9❀
DALAGA 10❀
DALAGA 11❀
DALAGA 12❀
✿SEASON TWO✿
DALAGA 13❀
DALAGA 14❀
DALAGA 15❀
DALAGA 16❀
DALAGA 17❀
DALAGA 18❀
DALAGA 19❀
DALAGA 20❀
DALAGA 21❀
DALAGA 22❀
DALAGA 23❀
DALAGA 24❀
DALAGA 25❀
DALAGA 26❀
DALAGA 27❀
DALAGA 28❀
DALAGA 29❀
DALAGA 30❀
DALAGA 31❀
DALAGA 32❀
DALAGA 34❀
DALAGA 35❀
DALAGA 36❀
DALAGA 37❀
DALAGA 38❀
DALAGA 39❀
DALAGA 40❀
DALAGA 41❀
✿SEASON THREE✿
DALAGA 42❀
DALAGA 43❀
DALAGA 44❀
DALAGA 45❀
DALAGA 46❀
DALAGA 47❀
DALAGA 48❀
DALAGA 49❀
DALAGA 50❀
DALAGA 51❀
DALAGA 52❀
DALAGA 53❀
DALAGA 54❀
DALAGA 55❀
DALAGA 56❀
DALAGA 57❀
DALAGA 58❀
DALAGA 59❀
DALAGA 60❀
DALAGA 61❀
DALAGA 62❀
DALAGA 63❀
DALAGA 64❀
DALAGA 65❀
DALAGA 66❀
DALAGA 67❀
DALAGA 68 ❀
DALAGA 69❀
DALAGA 70❀
DALAGA 71❀
DALAGA 72❀
DALAGA 73❀
DALAGA 74❀
DALAGA 75❀
DALAGA 76❀
DALAGA 77❀
DALAGA 78❀
DALAGA 79❀
DALAGA 80❀
✿SEASON FOUR✿
DALAGA 81❀
DALAGA 82❀
DALAGA 83❀
DALAGA 84❀
DALAGA 85❀
DALAGA 86❀
DALAGA 87❀
DALAGA 88❀
DALAGA 89❀
DALAGA 90❀
DALAGA 91❀
DALAGA 92❀
DALAGA 93❀
DALAGA 94❀
DALAGA 95❀
DALAGA 96❀
DALAGA 97❀
DALAGA 98❀
DALAGA 99❀
DALAGA 100❀
INTERLUDE CHAPTER: BINATA NA SI POKNAT
DALAGA 101❀

DALAGA 33❀

14.9K 1.7K 5.2K
By AnakniRizal


"S-SALAMAT po sa paghatid," nahihiya kong sabi.

"No problem, Remi," nakangiting sagot sa'kin ni Ate Gabi na cool na cool na nakashades habang nasa driver's seat.

Tapos na ang birthday party ni Burma, hindi ko nga rin alam kung paano nagwakas 'yung napaka-awkward na mga pangyayari. Sinundo si Quentin ng bodyguard niya na walang iba kundi si Ate Gabi at pinilit nito na ihatid na rin ako sa amin. Ang hirap tumanggi kahit na nahihiya ako kaya heto nakauwi rin naman ako nang matiwasay.

"Thank you rin, Quentin," sabi ko naman sa katabi ko. Ngumiti lang siya at bumaba na ako ng sasakyan.

Hinintay ko silang umalis kaso biglang bumukas 'yung bintana at dumungaw si Quentin sa'kin.

"I really had fun," nakangiting sabi ni Quentin. "I wonder who that jealous boy is. Is he your boyfriend?"

"H-Ha?" nanlaki 'yung mga mata ko sa bigla niyang tinanong. "H-Hindi ko boyfriend si Poknat, best friend ko siya."

"Oh, I see," sabi niya. "I hope we'll bond again next time. Bye!" iyon ang huli niyang sinabi bago sumara ang bintana ng sasakyan at umalis iyon.

Pagpasok ko sa loob ng bahay ay nadatnan kong busy si Mamang sa kusina, tuwang-tuwa siya na may pasalubong akong pagkain na pinabaon sa'min ng mama ni Burma, ang dami kasing natira sa mga handa. Pagkatapos ay dumiretso ako sa kwarto ko at saka humiga sa kama.

Pakiramdam ko ang daming nangyari ngayong araw. Dala marahil ng pagkaubos ng enerhiya ko'y maaga ako nakatulog noong gabing 'yon.

Mabilis lang na natapos ang weekends at sumapit na naman ang Lunes, naglalakad ako papuntang sakayan ng jeep at nagulat ako nang biglang sumulpot si Poknat sa harapan ko.

"H-Huy, bakit andito ka—"

Humalukipkip siya tapos walang pilyong ngiti na makikita sa mukha niya, seryoso lang siyang nakatingin sa'kin. Huminga muna siya nang malalim bago magsalita.

"Itatanong ko na nang direkta, wala kasi akong load," seroyosong sabi niya. "Sino ba sa buhay mo 'yong, canteen boy na 'yon?"

Nagsalubong ang kilay ko nang marinig 'yon. Diyos ko, dalawang araw na ang lumipas ay talagang iyon ang ibubungad niyang tanong sa'kin? Talagang inabangan pa niya ko rito sa sakayan.

"Poknat, ano ba naman—"

"Sagutin mo 'yung tanong ko," putol niya sa'kin..

Ako naman ang napahinga nang malalim. Mukhang alam ko na kung saan papunta 'tong usapan na 'to.

"Hindi," sagot ko.

"May gusto ka ba sa kanya?" biglang tanong niya ulit.

"H-Ha? Wala—"

"Pero masaya ka kapag kasama mo siya?" sunod niya ulit na tinanong.

"Poknat—"

"Sagutin mo 'yung tanong ko, Mingming!"

Hindi na naman ako natutuwa sa kanya. Akala ko tapos na kami sa ganito pero hindi pa pala. Dahil lang nalaman niya na si Quentin ang first kiss ko noon? Ang tagal-tagal nang nangyari 'yon at wala naman 'yong malisya pero parang bakit gano'n 'yung pinapamukha niya sa'kin..

"Oo, masaya ako kapag kasama ko siya," sagot ko. "Naging mabait siya sa'kin noong mga panahong magkasama kami sa play, hindi siya mapagmataas kahit na malaki ang agwat ng estado namin sa buhay kaya naging magkaibigan kami."

Nag-iwas siya ng tingin nang marinig ang sinagot ko, nagsalita ulit siya pero mas mahina.

"Masaya ka rin naman kapag kasama mo ako," tila bulong niya sa hangin. "Pero iba 'yung kislap ng mata mo kapag tumitingin ka sa kanya, hindi katulad ng ngiti mo kapag kasama mo ako o si Miggy."

"Poknat—"

"Hindi mo ba ako kayang magustuhan? Hindi mo ba ako kayang hintayin?" tumingin na siya sa'kin at nangungusap ang mga mata niya.

Diyosmiyo, umagang-umaga bakit ganito ang bubungad sa'kin? Bakit ba pinapakomplikado niya palagi lahat? Akala ko tapos na kami sa ganito, naging okay na kami, tapos ganito na naman?

Muli akong humugot nang malalim na hininga, wala akong rason para magalit kaya naman pinilit kong maging kalmado.

"Bakit ba lahat kayo ganyan? Sila Aiza, Burma, puro ganyan ang nasa isip niyo—"

"Anong ganyan?" maang na tanong niya.

"'Yang ganyan, 'yang pag-ibig na 'yan, kasi sa totoo lang hindi ko alam, ano bang dapat kong gawin? Gusto ko lang naman maging simple ang hayskul life ko pero bakit ba gusto n'yong maging komplikado?" hindi ko namalayan na bakas ang hinanakit at pagod sa boses ko. "Minsan hindi na rin ako natutuwa sa tuwing may binabatong malisya sa'kin ang mga kaibigan ko, kaya naman please Poknat..."

Umiling siya na para bang nadismaya sa mga sinabi ko.

"Hindi... Hindi mo ako naiintindihan," sabi niya. "Gusto ko lang malaman kung kaya mo rin ba akong magustuhan, kung kaya mo rin ba akong tingnan na may kislap sa mga mata mo."

Natameme ako nang marinig 'yon mula sa kanya.

"Bata pa lang tayo... alam mo na ikaw lang ang gusto ko," sabi niya sabay ngiti, pero alam mo 'yun parang hindi siya masaya. "Siguro nga sa ngayon hanggang dito lang talaga ako. Sorry, Ming! Nadala na naman ako ng emosyon, wala nga pala akong karapatang magselos."

Poknat... Hindi ko alam kung anong dapat isagot sa kanya kaya nanatiling tikom ang bibig ko.

"Sige, kitakits sa school," sabi niya sabay kaway at saka siya naglakad papalayo. Hindi ko alam kung saan siya pupunta dahil ito lang naman ang sakayan papuntang eskwelahan. Wala akong ibang nagawa kundi tanawin siya palayo.

Na-late ako sa school sa ikalawang pagkakataon. Naabutan ako ng rush hour, walang masakyan, tapos ayon hindi ako nakaabot kaya napagsaraduhan ako ng gate. Hindi ko naman dinamdam 'yung pagkakalate at mabuti na lang din ay hindi terror ang teacher namin sa first subject. Hindi ko alam kung pumasok ba si Poknat.

Sumapit ang lunch break at as usual ay magkakasabay kaming apat. Ako, si Aiza, Burma, at Honey. Speaking of Honey, gano'n pa rin naman siya, 'yung normal na Honey na palaging busy sa pagtetext at tahimik, sumasagot paminsan-minsan pero madalas ay para lang siyang emo.

Kahit na nuknukan pa rin ng hyper at kulit si Aiza at Burma ay damang-dama ko na gustung-gusto nilang intrigahin si Honey tungkol sa nangyari noong weekend sa birthday ni Burma. Pakiramdam ko nga'y hinihintay lang nila si Honey magkwento pero buong maghapon kaming naghintayan at wala ni isa sa amin ang nagtangkang magbukas ng topic.

Hanggang sa lumipas ang ilang araw ay tila naibaon na sa limot ang mga naging kaganapan noong birthday party ni Burma. Hindi na rin nagpakita si Poknat sa'kin, pero kilala ko 'yun, babalik din 'yon sa normal na parang walang nangyari kaya hindi ako gano'n ka nag-aalala.

Minsan sumasagi sa isip ko sa tuwing napapatingin ako kay Honey habang busy siya sa pagtetext, kung ano bang tumatakbo madalas sa isip niya? Bakit ni hindi man lang niya sinabi sa amin nila Aiza na may crush pala siya kay Poknat, dahil ba magkababata kami?

Hindi ko rin maiwasang maisip kung ano 'yung iniisip niya sa'kin sa tuwing pinapakita ni Poknat 'yung motibo niya sa'kin, anong nasa isip niya sa tuwing naiinis at tinataboy ko si Poknat. Siguro iyon din ang gustong malaman ni Aiza at Burma kaya hindi nila magawang direktang magtanong.

Pakiramdam ko tuloy ay hindi pa talaga namin lubusang kilala si Honey, palagi lang kasi siyang tahimik at nakikisakay sa mga kalokohan nila Aiza, ang tanging alam lang namin sa kanya ay madalas siyang magpuyat kaya siya madalas ma-late at palagi siyang may ka-text na mga boys sa ibang school. Maliban sa maliliit na bagay ay wala na akong maisip na alam na malalim tungkol kay Honey.

At dahil nagquit na ako sa Drama Club ay naglalakad ako ngayong mag-isa pauwi, may general meeting kasi sila at kasama roon 'yung tatlo. Nabalitaan kong may play ulit pero hindi muna collab kasama ang Silvestre Academy.

Paglabas ko ng gate ay biglang may nagtakip ng mga mata ko, napangiti ako dahil sinasabi ko na nga ba't babalik din siya sa normal pero nang lumingon ako'y nagulat ako nang makita si Quentin.

"Hi!" nakangiti niyang bati.

Pinagtitinginan kami ng ibang mga babaeng dumadaan, mali, si Quentin lang pala 'yung tinitingnan nila dahil sa nagningning nitong presensiya.

"Quentin, anong ginagawa mo rito?" nakakunot kong tanong sa kanya. Hindi ko maiwasang maawa kasi parang kanina pa siya naghihintay base sa pawis niya sa noo, tumatagaktak eh, pero kahit gano'n ay ang fresh niya pa rin. Bigla tuloy akong naconscious, sana hindi sobrang oily ng mukha ko.

"I waited for you," sabi niya at kunwari mas nagulat ako kahit na alam kong sinadya naman niya talaga 'yon. Pero totoo namang hindi ko ineexpect na makikita ko siya rito ngayong araw pa na hindi ko kasama sila Aiza. "Where are your friends?"

"Ahm... May meeting kasi sila," sagot ko at tila hindi pa rin niya magets. "I quitted, remember?" Shaks, Ming, napapa-ingles ka na rin. Kung nandito sila Aiza ay tiyak kong papalakpakan ako no'n.

"Oh, I see, another approval of destiny," sabi niya. "Let's go." Bigla niya akong hinawakan sa kamay at hinila papunta sa kabilang kalye kung saan naghihihintay 'yung sasakyan nila. Nasilip ko na hindi si Ate Gabi ang driver.

"S-Saan tayo pupunta?" nagawa ko lang magtanong nang buksan niya ang pinto.

"Ladies first," sabi niya at pumasok naman ako sa loob ng sasakyan. "I will treat you because I owe you last time."

Ah, oo nga pala, nilibre ko siya ng kwek kwek noong gabing nakidnap kaming dalawa. Hindi ko na kinuwestiyon si Quentin dahil alam ko namang mapagkakatiwalaan siya. Dinala ako ni Quentin sa mall at dahil kasama namin ang driver nila bilang guardian ay pinapasok kami.

Sa isang ice cream store ako dinala ni Quentin, bumalik sa parking lot 'yung driver nila kaya naiwan kaming mag-isa. Kung iisipin para kaming nagde-date dalawa! Hala! Talagang sumama ako sa kanya rito ng walang angal?

"Is there something wrong?" tanong niya habang hinihintay namin 'yung mga inorder niya.

"Ah, ang lamig kasi," sabi ko. Lumipat kami ng pwesto pero gano'n pa rin 'yung lamig. Napansin ko na kaming dalawa lang 'yung tao sa store, paano ba naman, nuknukan pala ng mahal 'yung mga ice cream dito!

"Thanks for coming with me," sabi niya nang tumahimik bigla.

"Ako nga ang dapat magthank you, ang mahal pala rito," komento ko naman habang tumitingin sa mga nakapaskil na menu.

"How's school?" tanong niya bigla.

"Ah, okay naman."

Namalayan ko na lang na nagkukwentuhan na kami na para bang ang tagal-tagal na naming magkakilala, magaan kasi 'yung loob ko sa kanya at malaya kong nakwento 'yung nangyari ngayong araw. Tapos gano'n din 'yung kinuwento niya.

Natanong ko nga sa kanya kung kilala niya sila Deanna at gulat na gulat ako nang malamang magkaklase sila noong first year! Ayon, naging topic namin 'yung mga elem friends ko, napunta rin 'yung topic kay Azami.

Mas nawindang ako nang ipagtapat niyang nagkacrush siya kay Azami noong first year, tapos nawala raw 'yung pagkacrush niya nang malamang may boyfriend na ito.

"I finally get why I feel comfortable with you," sabi niya. "I never knew na magbestfriends kayo ni Azami."

"Oo nga, ang ironic nga kasi 'yung dati kong crush 'yung naging boyfriend niya," sabi ko bigla at huli na para bawiin 'yon. "Hala! Ang daldal ko! Huwag mong sabihin kay Azami na sinabi ko 'yon ha, noong elem ko pa crush si Viggo, wala na kong crush sa kanya ngayon!" hays, masyado akong defensive.

Tumawa lang si Quentin, halatang amused na amused siya sa'kin. Huminto rin siya sa pagtawa at sinabing hindi niya raw sasabihin. Pero... Grabe naman ang destiny sa'min, parehas kaming hindi nacrush back ng mga crush namin tapos heto kami ngayon, magkasamang kumakain ng ice cream.

Teka, teka, parang nagiging advance masyado ang pag-iisip ko. Magkaibigan lang kami ni Quentin, ano? At saka dinala niya kaya ako rito dahil bumabawi lang siya sa panlilibre ko sa kanya ng kwek kwek.

"Kamusta naman kayo ng best friend mo?" noong una hindi ko nagets kung sino ang tinutukoy niya hanaggang sa mapagtanto ko 'agad na si Poknat ang tinutukoy niya.

"Ayon, nagtatampo pa rin," sagot ko. "Pero gano'n lang 'yun, hindi rin ako matitiis no'n at magbabati rin kami. Gano'n na kami simula mga bata pa lang kami."

"Oh, I see, you're childhood friends," sabi niya at tumango naman ako.

Napagkwentuhan namin si Poknat, tapos marami pa rin kaming naging ibang topic. Hanggang sa lumipas ang dalawang oras ay muli nila akong hinatid sa amin.

"Thank you, Quentin," sabi ko sa kanya bago ako bumaba.

"See you next time," sagot naman niya.

Pagbaba ko ay napaisip ako bigla. Ibig sabihin... May mga susunod pa?

Mabuti na lang ay hindi pa alam ni Mamang na nagquit na ako ng Drama Club kaya hindi niya ako kinuwestiyon kung bakit ngayon lang ako umuwi. Ang dami ko nang inililihim kay Mamang, minsan nagiguilty ako pero palagi ko na lang iniisip na para rin 'yon sa kanya, para hindi siya mastress ng bongga kasi may pagkaparanoid talaga siya, kaya ko naman 'yung sarili ko eh, ayoko lang mag-aalala siya ng sobra.

Kinabukasan sa eskwelahan ay normal naman ang lahat... Bumalik na rin sa dati si Poknat dahil nang makita niya kami sa tambayan ay masigla niya kaming binati at nagpaalam pa sa'min na may practice sila ng banda niya. Sabi ko na babalik din siya sa normal. Mabuti naman kung gano'n, napanatag na 'yung kalooban ko.

Pero noong sumapit ang lunch, habang nakapila ako para bumili ng ulam ay nararamdaman kong pinagtitinginan ako ng mga tao sa paligid ko. Tama nga 'yung kutob ko na ako 'yung pinupuntirya nila nang marinig ko 'yung bulungan ng mga babae sa likuran ko.

"Mukhang totoo ang tsismis na sila na no'ng leading man niya sa play, may nakakita sa kanila kahapon na sumakay sila sa kotse."

"Wow, swerte naman ni ate girl, nakabingwit ng Silverian."

"Totoo! Makasali nga rin sa Drama Club at baka ro'n ko mahanap ang prince charming ko."

Dapat sila ang mahiya sa ginagawa nila pero ngayon ay ako ang nahihiya para sa kanila—at para sa'kin. Hindi ko sukat akalaing tila magiging artista ako para pagtsisimisan nila. Hindi ko rin naman sukat akalaing madaming fan girls si Quentin na nakakita sa'min kahapon at take note kusang loob talaga akong sumama sa kanya!

Iyon na ba ang iniisip ng iba sa'min?

Pagbalik ko sa pwesto namin habang may dalang tray ay nadatnan ko sila Aiza at Burma, nawawala si Honey.

"May nasagap akong tsismis sa tindera ng gulaman!" bulalas ba naman ni Aiza pag-upo ko. "Remi gurl?! Nagdate kayo ni Quentin kahapon?!"

Sumakit ulo ko bigla sa paratang ni Aiza.

"Ha? Pati ba naman tindera ng gulaman alam ang tsismis?" angal ko. "Nilibre niya lang ako bilang pambawi—"

"So, totoo nga!" si Burma. "Grabe ka, nalingat lang kami, kumerengkeng ka na!"

"Hoy, grabe kayo, friends lang kami!" heto na naman sila.

Akala ko tatalak pa rin sila pero napabuntong hininga na lang sila sabay subo ng pagkain.

"Basta, kung saan ka happy, friend," sabi na lang ni Aiza.

"Si Honey?" tanong ko bigla.

Nagkatinginan muna silang dalawa bago tumingin sa'kin.

"Sabi niya kila Poknat siya sasabay sa pagkain eh," pagkasabi no'n ni Burma ay saktong nasulyapan ko sa malayong table ang grupo ni Poknat at kasabay nilang kumakain si Honey.

May mga tanong ako sa isip pero hindi ko nagawang maitanong sa mga kasama ko. Muling nabuhay ang usapan at sumabay na lang ako sa agos, hindi ko na muna itinanggi kung anong sa tingin nilang meron sa'min ni Quentin.

Noong uwian ay mayroon ulit silang meeting sa Drama Club kaya ako lang ulit mag-isa ang naglalakad pauwi. Pagkatapos kong maglocker ay natigilan ako nang makita ko siya paglingon.

"Honey?"

"Pwede ba kitang makausap?" tanong niya bigla. Wala namang kakaibang aura na bumabalot sa kanya, normal lang din naman 'yung itsura niya, 'yung tipikal na Honey na palagi naming kasama. Napalunok ako dahil may kutob na ako tungkol saan 'yon.

Nagpunta kami sa may lobby kung saan walang masyadong tao.

"Tungkol ba 'to kay—"

"Oo," putol niya sa'kin. "Tungkol kay Kiel."

"Kiel?" Ah, si Poknat.

"Gusto ko siya, Remi," direktang sabi niya sa'kin. "Alam kong hindi mo siya gusto at matagal na siyang nasasaktan sa kakahintay sa'yo."

Tila parang karayom ang tinusok niya sa dibdib ko. Ewan ko kung bakit gano'ng 'yung pakiramdam sa katotohanang sinabi niya, na nasasaktan si Poknat. Alam ko naman 'yon, pero kampante ako sa kanya kasi kababata ko siya na magiging okay lang din ang lahat.

"Kaya naman handa ako na saluhin ang puso niya, pagagalingin ko ang sugat sa puso niya—para maging akin 'yon. Wala naman tayong magiging problema ro'n, 'di ba?" humakbang siya papalapit. Walang emosyon ang mga mata niya, hindi siya galit o ano.

Nag-isip ako nang mabilis pero mas lalong gumulo 'yung isip ko. Ayoko ng ganitong pakiramdam, kaibigan ko si Honey pati si Poknat, ayoko silang nasasaktan.

Kumurba ang labi ko at hinawakan siya sa balikat.

"Sana mapasaya mo siya," sabi ko. "Kaysa sa ginagawa kong pananakit sa kanya. Sana maging masaya kayo."


Continue Reading

You'll Also Like

105K 2.1K 28
Lumaki si Ulysses Yap sa pangangalaga ng kanyang yumaong lola, kaya't hindi niya masyadong nakakasalamuha ang kanyang kapatid na siya ring kinuha ng...
2.6M 166K 56
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
327K 8.9K 63
"Aalamin ko ang totoong nangyari sa kamatayan mo." Date Started: April 28, 2018 Date Finished: May 14, 2018
2.3K 255 28
Laura Ashlee Alvaro thinks that she is living an unworthy life. She fails. She cries. She hopes no more. She knows that there is no way for her to be...