Kristine 17 - Panther Walks (...

By MarthaCecilia_PHR

636K 20.2K 1.8K

Muntik nang mabundol ni Aidan ng sasakyan ang isang babaeng basta na lang tumawid sa kalsada. Dinala niya ito... More

Dedication
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36

22

14.4K 517 22
By MarthaCecilia_PHR


SI AIDAN ay sa opisina ni Kurt nagtuloy.

"What have you got about this Calvin?" tanong niya. Itinaas ang mga binti sa kabilang silya.

"Calvin Mores, thirty-two years old, isang medical representative. Half-Filipino–half-American. Isa siyang empleyado ng W&W Laboratories, isang maliit subalit progresibong drug company sa Kentucky na pag-aari ng ama ni Danielle, si Samuel Wilding..." Pinaikot nito ang swivel chair upang abutin ang isang folder sa likuran kaya hindi nito napuna ang marahas na pag-angat ni Aidan sa kinauupuang silya.

"Did... did you say Samuel Wilding?" Sinanay na self-control ang nagpangyari upang mapigil ni Aidan ang sariling emosyon.

"Yap." Iniabot sa kanya ni Kurt ang folder. "These information were sent to me through internet this morning from my source in Kentucky. Nandiyan ang lahat ng gusto mong malaman. Nag-file ng indefinite leave si Calvin more than a month ago..."

May ilang segundong nakatitig sa folder si Aidan. Nagtutumining sa isip ang pangalang binanggit ni Kurt. Marami marahil ang nagngangalang "Samuel Wilding." Subalit ang iugnay ito sa isang drug company ay halos magpapigil sa kanyang paghinga. Hindi siya kumikilos para abutin iyon. Ang instinct niya ang nagsasabing nasa folder na iyon ang ilang bagay na maaaring mag-ugnay sa kanya at sa nakaraan.

Banayad na hinampas ni Kurt ang folder sa balikat ni Aidan. "Hey, buddy... narito ba sa opisinang ito ang isip mo o na kay Danielle?" nakangising tukso ni Kurt. Napatingin kay Kurt si Aidan. Nagsalubong ang mga kilay ng huli sa ekspresyon niya.

"Are you all right?"

"Ano ba ang ibig sabihin ng tanong na iyan? Of course, I am all right," bawi niya, pilit kinalma ang sarili. Tumuwid ng upo. "Alam nating narito sa Pilipinas si Calvin ayon na rin sa impormasyon ni Ofelia Guevarra. Have you learned anything from him?"

Sumandal sa swivel chair si Kurt. "Wala siyang kamag-anak dito. His family migrated to the States many years ago. Dumating siya rito sa Pilipinas kasabay ni Danielle Wilding. Two days ago, may katawan ng isang lalaki na natagpuan sa loob ng isang bahay sa isang bagong tayong subdivision sa may boundary ng Santa Rosa patungong Cavite. May mga batang naglalaro ang nakaamoy ng masangsang na amoy kaya nadiskubre ang katawan. The nearest neighbor is a block away from the house. At ayon dito ay isang lalaki ang alam nilang umuupa sa bahay na iyon, the description matched with Calvin's photo na ipinadala sa akin sa internet. I've checked with the forensic records, too, it matched with Calvin's..."

Nang hindi maalis-alis ang titig ni Kurt sa kanya ay nararamdaman ni Aidan na may gusto pa itong sabihin.

"Out with it, Kurt."

Huminga nang malalim si Kurt. "Bagaman wala pang umookupa sa mga bahay malapit sa inuupahan ni Calvin ay may iilang nakatira naman sa mga kasunod na block. Dalawang tao ang nakakitang may isang babaeng tumatakbo na tila wala sa sarili mula sa kalyeng kinaroroonan ng bahay ni Calvin—"

"At tumugma iyon sa description ni Danielle?" idinugtong ni Aidan at isinandal ang likod sa sandalan.

"Maliban sa maiksing buhok ay hindi gaanong napuna ng mga nakakita ang anyo ni Danielle. It was near dusk—"

"Pero naghihinala kang baka si Danielle ang pumatay kay Calvin?" he said sarcastically.

"It entered my mind. You said she was sure Calvin's dead. At ayon din sa iyo'y may mga bagay siyang naaalala at may mga bagay na hindi. Could it be that she faked her memory loss?" Hindi agad makasagot si Aidan. Kanina'y nagulat din siya nang makilala ni Danielle ang matandang katiwala nang walang kaabog-abog. Pagkuwa'y umiling siya.

"I don't think so. Hindi iyon ang nararamdaman ko—"

"You're a sucker for helpless and beautiful women, Aidan. Huwag kang magtiwala sa sarili mong damdamin," pasaway na sabi ni Kurt. "Hindi pa natatagalan nang muntik ka nang mapatay dahil lamang sa tiwala mo sa isang babae. At alalahanin mong sinabi mismo sa iyo ni Danielle na natitiyak niyang patay na si Calvin..."

"Damn!" he groaned angrily. Nagtutumanggi ang kabilang bahagi ng isip niya na may kinalaman si Danielle sa pagpatay kay Calvin. "At paano mo ipaliliwanag ang pagsisinungaling ng tiyahin niya na natagpuan na siya?"

"Napakaraming solidong dahilan para doon, pare. Don't let your feelings cloud your judgment. And keep it in mind that her aunt hired me to find her." Wearily, inabot niya ang folder at tumayo. Nasa pinto na siya nang muling magsalita si Kurt. "It could be a passion killing, buddy. Huwag kang patangay sa magandang mukha. Alalahanin mo si Yvette..."

Lumingon siya. "Ano ang binabalak mong gawin? Sabihin sa awtoridad ang hinala mo?" May warning sa tinig niya.

"Hindi ko hinahadlangan ang pagpapatupad sa batas. But since no one asked my opinion..." Nagkibit ito ng mga balikat. "And for the meantime, I will leave everything to you." He sighed. "Naniniwala ka ba talagang may kinalaman si Danielle sa pagpatay kay Calvin?" Muling nagkibit si Kurt. "Frankly speaking, I don't know. That's why I am giving her the benefit of the doubt." Hindi na kumibo si Aidan at tumalikod nang tuluyan.

SA SASAKYAN, nagtatalo ang isip niya sa sinabi ni Kurt. Kasabay niyon ay ang paglalaro sa isip ng anyo ni Danielle. Could such a sweet face murder a man? Was she just faking her memory loss? And was he really gullible when it came to damsel in distress?

"You are a lousy judge of character when it comes to helpless women, Aidan." You fool! akusa niya sa sarili.

Gumuhit sa balintataw niya si Yvette. Nakilala niya ito sa mismong American embassy sa Mexico. Siya ang napagtanungan kung paano lalapit sa Ambassador. Nang makita niya ito'y tila galing sa pag-iyak. May pasa pa sa braso. Ayon dito ay secretary ito ng isang Mexican businessman. Gustong magkanlong sa embassy dahil itinago ng employer ang passport. Ayon dito, she was sexually and physically abused.

Sa kabila ng pagiging mulatto nito at maliit, Yvette was very beautiful. Alon-alon ang mahaba at malambot na buhok. Ang kulay ng balat ay tila tulad sa isang pulot. Naakit siya, higit sa lahat ay gusto niya itong tulungang makawala sa malupit na employer.

He promised to help her. He talked to his Boss and explained Yvette's predicament. And in two days, Yvette had a new passport. Subalit hindi agad ito nagbalik sa Amerika. Sabi nito'y gusto nitong ikutin ang buong Mexico na hindi nito nagawa mula nang dumating doon dahil sa kahigpitan ng amo.

Sa paningin ni Aidan ay para itong munting ibong nakawala sa hawla. Iyon ang simula. Lahat ng pagkakataong wala siyang trabaho ay magkasama sila ni Yvette. May threat sa buhay ng Ambassador sa Mexico subalit minsan man ay hindi sumagi sa isip niya na ang babaeng inakala niyang kahit langgam ay hindi kayang tirisin ay isang hitwoman.

"Love me, Aidan... love me..."

"It's almost daylight, Yvette," inaantok niyang sabi. "How could you be so insatiable? We spent the whole damn night f—ing..."

She smiled seductively as she planted a kiss on her navel. "Leave it to me, honey... I'll satisfy myself." At ipinagpatuloy nito ang ginagawang paghalik sa katawan niya... pababa at pababa pa.

He was exhausted and spent. At kahit sariling katawan niya'y hindi na gustong tumugon. Subalit matiyaga at mapamaraan ang babae. Nagagawa nitong pagningasin kahit kahoy na babad sa tubig.

And had it not been for the constant nightmares, hindi siya magigising sa umagang iyon. Pasado alas-nueve nang mapabalikwas siya ng bangon.

"Shit!" usal niya. Alas-diyes ang alis ng Ambassador patungong Chihuahua at kasama siya sa entourage nito. "Yvette!"

He grabbed for his jeans. At habang nagmamadaling nagbibihis ay hinanap niya si Yvette subalit wala roon ang babae. Wala rin ang cell phone niya. Binuksan ang drawer sa night table upang kunin ang baril niya. Subalit wala ito roon. His chest started to pound. At kabisado niya ang damdaming agad na umahon sa dibdib. Tuwing may panganib sa trabaho niya'y nararamdaman niya iyon.

Sa loob na ng taxi siya nagsintas ng sapatos at nagbutones ng polo shirt. Halos singhalan niya ang driver upang magmadali.

"La embahada de Americano, pronto!"

Malapit na sila sa embassy subalit hindi sila makaraan sa dami ng mga taong naroroon. May rally sa umagang iyon sa harap ng embassy building. Napilitan siyang bumaba ng taxi at lakad-takbo ang ginawa pagtungo sa embahada. Mula sa malayo'y nakita niyang papalabas ang Ambassador. From a distance, natatanaw niya ang dalawang kasamahan.

Iyon din ang sandaling nakita niya si Yvette na kausap ang isang mataas na lalaki sa may ilalim ng puno. He was wearing a dark three-piece suit, tulad din ng ibang mga naroroon. Nakita niyang may iniabot ang lalaki kay Yvette.

From a trained eye he recognized the small gun. Ipinasok ng babae iyon sa bulsa ng tailored cut blouse. Nanayo ang mga balahibo ni Aidan sa batok. Saan gagamitin ni Yvette ang baril? Pagkuwa'y nakita niyang lumakad ito patungo sa grupo ng Ambassador. Beautiful and harmless. And Yvette was his girl. Iyon ang pagkakaalam ng mga kasamahan niya at maging ng mga security ng Ambassador. Walang maghihinala rito. No! He ran. Habang si Yvette ay lumalakad nang normal patungo sa Ambassador mula sa likod nito. Her hips swaying and earned attention from some of the men. Nginitian nito ang kasamahan niyang nakatayo sa may di-kalayuan. His companion smiled back, admiration in his eyes.

Pinagbabalya ni Aidan ang bawat humarang sa daanan niya. Sinusundan siya ng mura ng mga ito. Ang tanging pag-asa niya'y hindi babaril si Yvette mula sa malayo. Mapupuna ito ng mga security at ng mga kasama niya na inilalabas pa lang nito ang baril.

She would fire at close range. Walang pipigil dito na makalapit sa Ambassador. Ibinalya ni Aidan ang isang reporter na nasa harap ng Ambassador, isang dipa ang layo mula sa huli. Then Yvette saw him. Nakita niya ang panlalaki ng mga mata nito at ang pagkalito. Subalit iglap lang iyon, pagkuwa'y itinaas ang kamay mula sa loob ng blusa.

It only took her seconds to fire and Aidan to push the Ambassador.

Aidan took the bullet that was meant for the Ambassador.



*************Bawi na lang me kapag may marami na akong time char hahahaha. Kumusta kayo mga beshie? Daming sale ngayon ala lang me pambili hahahaha. Baka may gusto magdonate dyan char hahahaha. Stay safe and God bless. - Admin A *****************************

Continue Reading

You'll Also Like

402K 21.1K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1.5M 38.6K 50
When Lance Navarro whispered "I do..." Erika Rose saw hatred and contempt in his eyes. Pero hindi doon natapos ang galit ng bunsong lalaki ni Franco...
614K 18K 38
"Now what shall it be? Go home or have a drink with me?" tanong ni Benedict, watching her over the rim of his goblet. Julianne saw the challenge in h...
1.3M 27.6K 27
Mula pagkabata'y lihim na minahal ni Kate si Rafael. Subalit ang playboy ng San Ignacio College ay iba ang pinagtutuunan ng pansin, ang kaibigan mata...