Kristine 17 - Panther Walks (...

By MarthaCecilia_PHR

635K 20.2K 1.8K

Muntik nang mabundol ni Aidan ng sasakyan ang isang babaeng basta na lang tumawid sa kalsada. Dinala niya ito... More

Dedication
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36

15

13.9K 489 31
By MarthaCecilia_PHR


BIHIS na si Aidan nang bumaba ng dining room. Inihahanda na ng ina ang pagkain niya.

"'Morning, 'Ma." Hinagkan niya ito sa pisngi. "Ang papa?"

"He left for Paso de Blas this morning. Tinanghali ka yata ng gising, hijo?"

"Gabi na akong dumating kagabi. Have you had breakfast?"

Tumango si Jewel. Sinalinan ng kape ang tasa niya. "Sinabayan ko na ang papa mo kaninang umaga."

He gave her adoptive mother a tender smile. Tuwina'y hinahangaan niya ito sa pagiging mabuting asawa't ina. Pagdating sa pamilya'y walang reserbasyon si Jewel. Silang mag-aama ang laging una para dito. Just as Catherine was, sa abot ng kanyang alaala. Alam niyang karaniwan na'y madaling-araw kung umalis si Bernard patungong Paso de Blas. And there had never been a time na hindi ito gumigising upang asikasuhin ang asawa.

"Join me and have another cup," alok niya. "No, thank you, darling. Your father had a heavy early breakfast. Nadamay ako," nakatawang sabi nito. Pagkasalin ng kape'y ibinaba nito ang percolator sa mesa at humakbang patungo sa bureau at may dinampot na envelope. "Nakita ko ito sa gym, hijo. Sa iyo ba ito?" Napatingala sa kisame ang binata at umiling kasabay ng pagpalatak. Inabot ang sobre mula sa ina.

"Nakalimutan ko na iyan, Mama. Iniwan ni Kurt iyan three days ago. He offered me a job."

"And?"

"Tinanggap ko. Though we haven't discussed it yet. It seemed na ang laman ng envelope na iyan ay ang una kong trabaho."

Nakita ng binata ang kasiyahan sa mukha ng ina. At kahit paano'y nakadama na rin siya ng kasiyahan. Ipinagpatuloy niya ang paghigop ng kape. Naglalagay siya ng butter sa toast nang muling magsalita si Jewel.

"How's your patient?"

"Oh!" he grimaced. "Hindi ko na nakita kung nai-flash sa morning news ang larawan niya." Ipinaliwanag niya sa ina na iyon lang ang tanging paraan upang matunton si Danielle ng mga nakakakilala rito. Hindi na niya sinabi ang mga sinabi ng dalaga na wala na itong pamilya at tungkol sa takot nito na may gustong pumatay rito. Dahil kahit siya'y hindi naniniwala roon. She might have been in an accident that caused her fear and memory loss.

"Wala pa ba siyang naaalala?"

He twisted his mouth drily. "He remembered her boyfriend's name." At naisip na baka ang kauna-unahang bisita ni Danielle bukas sa ospital ay ang nobyo nito. He didn't know why he hated the thought.

"Really." nanunukso ang tinig ni Jewel. Nakita ang pag-asim ng mukha ng anak. "Is she beautiful?"

Napahinto sa akmang pagsubo si Aidan. Gumitaw sa isipan ang mukha ni Danielle. The way she blushed nang bilhan niya ito ng mga underthing. May gumuhit na galit sa mga mata nito subalit sandali lang iyon. Nahalinhan iyon ng kalituhan at relief, na dagli ring nawala. Then the demure smile that made his loin ache.

"Drop-dead gorgeous... even in a hospital robe. And she doesn't wear any makeup."

Tumango-tango si Jewel. Amusement in her beautiful eyes. "No wonder you've got so interested, hijo." She didn't hide the undertone in her voice.

"And just what do you mean by that?" Nagsasalubong ang mga kilay na tiningala ni Aidan ang ina.

Jewel shrugged her shoulders at bago pa may masabi uli si Aidan ay tumalikod na ito. But he caught the mysterious smile that formed her lips. Naiiling na ipinagpatuloy ng binata ang pagkain.

Nang matigilan siya nang matuunan ng pansin ang envelope. Dalawang araw nga lang pala ang ibinigay ni Kurt sa kanya para sa trabahong iyon. Inihinto niya ang pagkain at dinampot ang Manila envelope. Binuksan iyon. Lumabas ang isang wallet size photo kasama ang ilang pirasong papel na marahil ay naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa trabaho.

Itinaas niya ang larawan at wala sa loob na tinitigan nang manlaki ang mga mata. "Danielle!" bulalas ng binata.

Hindi siya maaaring magkamali. Ang babaeng nasa larawan ay si Danielle bagaman mahaba ang buhok ng dalaga sa larawan. The photograph must have been taken a couple of years ago. It was a candid shot dahil hindi naman sa camera nakatingin ang dalaga. And she wasn't even smiling in the photograph. What he could see in her face was boredom.

Mabilis siyang tumayo at tinungo ang kinaroroonan ng telepono. He dialed Kurt's hotline. Tatlong ring nang sagutin ni Kurt ang telepono. "Kurt... it's about the job—"

"Oh, don't bother," agap ni Kurt sa kabilang linya. "Nakausap ko ang kliyente ko. She asked me to drop the case..."

Nagsalubong ang mga kilay niya. "Bakit daw?"

"Ang sabi ng kliyente ko'y nakita na niya ang pamangkin niya. Iyang larawang nasa envelope. Umuwi na raw sa kanila."

Lumalim ang kunot sa noo ng binata. Tatlong araw na mula nang magkausap sila ni Kurt sa telepono. "Kailan niya nakita si D—ang... pamangkin ba niya?"

"Yes. Noon mismong hapon nang araw na nag-usap tayo. A couple of hours after we talked, tinawagan niya ako and asked me to drop the case. I called you back but you were out already. Nawala na sa isip ko. Walang problema, pare, I still have another job waiting for you."

Hindi agad sumagot si Aidan. Nakita na ng kliyente ni Kurt ang pamangkin niya at umuwi na ito. Ang pamangkin na ipinahahanap ay si Danielle. Niyuko niyang muli ang larawan. Hindi siya maaaring magkamali. Si Danielle ang nasa larawan, ilayo man niya o ilapit ang litrato. Perhaps a couple of years younger but still it was Danielle.

"Danielle ang pangalan ng pamangkin niya, 'di ba?" Inabot niya ang mga papeles upang basahin iyon subalit sinagot na ni Kurt ang tanong niya sa linya.

Something wasn't right, he thought. Kung nakita na ng tiyahin nito si Danielle at naiuwi na, dapat ay may nagpakita na sa ospital noong isang araw pa. Kung hindi man ay may dumalaw na dapat kay Danielle.

"Hey, are you still there?" si Kurt.

"Yeah. Hintayin mo ako, pupunta ako riyan." Iyon lang at ibinaba na niya ang telepono. Muling ipinasok sa sobre ang larawan at isiniksik iyon sa bulsa ng maong. Matapos magpaalam sa ina'y nagmamadaling umalis.

Mula sa Sucat ay malayo ang Ermita at naipit pa siya sa traffic. Ala-una pasado na nang makarating siya sa building ni Kurt. Si Jade ang humarap sa kanya na malaki na ang tiyan.

"Pregnancy becomes you, Jade," masuyong sabi niya sa pinsan, kissing her cheek. "Kailan lalabas iyan?"

"Two more months. Nagmamadali na nga, eh. Panay ang sipa sa tiyan ko," nakatawang sagot nito. "How's my handsome and gorgeous cousin? Sino ang latest?"

He chuckled. "May ipakikilala ka ba sa akin?" Tinanguan nito si Kurt na papasok sa apartment mula sa opisina nito sa may kabilang bahagi ng building.

"Bakit ka napasugod bigla?" tanong ni Kurt.

"I'm going to leave you two to talk business," ani Jade. "Pero kumain ka na ba, Aidan?" "Don't bother, thank you. I had late breakfast. Busog pa ako." Itinuro ni Kurt ang mahabang sofa at naupo roon ang binata. Sa tapat nito sa pang-isahang sofa naupo si Kurt.

"What do you know about this Danielle Wilding?" bungad agad ni Aidan. Nabasa niya kanina na iyon ang apelyido ni Danielle. "Maliban sa ilang impormasyon tungkol sa kanya'y wala nang nakalagay sa papel na isinama mo sa larawan."

"Pare, tapos na ang kasong iyan. Nakita na siya ng tiyahin niya. Hindi ba't sinabi ko sa iyo sa telepono. Tara sa opisina at pag-usapan natin ang panibagong assignment. A little bit dangerous... it's industrial theft. Hindi basta-basta ang mga suspect."

"Look, Kurt. I'm interested with Danielle Wilding because her aunt hasn't found her yet. She lied to you."

Nagsalubong ang mga kilay ni Kurt. "What are you talking about?" "Listen, I've accidentally found Danielle Wilding three days ago..." Sinabi nito sa bayaw ang buong pangyayari kung paano nito natagpuan si Danielle.

"Well... sonofabitch!"

"Jade hasn't changed you, has she?" nakatawang sabi ng binata. Amused na umiling at ipinagpatuloy ang sinasabi. "Late last night, pinakiusapan ko ang isang dating kakilalang newscaster na i-flash sa TV ang larawan niya sa maghapong ito. Now, tell me more about her..."

Napasandal sa upuan si Kurt. Umiiling na tila hindi pa rin makapaniwala. "Danielle Wilding," simula nito. "Fil-American. Wala nang mga magulang. She will turn twenty-one two weeks from now. Her aunt, a certain Marion Guevarra, hired my agency to find her. She left her home in Kentucky three months ago. Dalawang ahensiya na ng private investigator ang naghalili subalit hindi siya matagpu-tagpuan though they've been always on her trail.

"Danielle could run anywhere subalit hindi naisip ng tiyahin na dito sa Pilipinas magtatago si Danielle. Though she inherited her grandmother's house in Santa Rosa, Laguna, hindi na dumadalaw si Danielle at ang mother niya sa Pilipinas mula nang mamatay ang grandmother niya three years ago. At ayon dito, natiyak niyang hindi maiisip ni Danielle ang magtungo sa Pilipinas when her mother died six months ago. She speaks Tagalog fluently."

"Paanong narito sa Pilipinas ang tiyahin niya?" ani Aidan. Tama kung gayon si Danielle na sabihing wala na itong pamilya.

"Nang maisip ng tiyahin na may nakilalang Pilipino si Danielle sa Kentucky ay naisip nitong bumalik sa Pilipinas may isang buwan nang mahigit ngayon. And she was surprised to find Danielle in her grandmother's house in Santa Rosa. Subalit muling tumakas si Danielle kasama ng boyfriend niya may isang linggong mahigit na ang nakalipas. The aunt found my agency through the yellow pages. She came here and gave me all the necessary informations."

Bumaba ang mga mata ni Aidan sa larawan ni Danielle. Suddenly, soft-brown and pleading eyes flashed his mind. She was beautiful and very young. So vulnerable... so terrified.

Why? Ano ang kinatatakutan ni Danielle Wilding? He intended to know. May kung anong biglang naalala si Aidan. Something from long ago. Napatingin siya kay Kurt.

"Did you say she's from Kentucky?"

"That's right. Why?" Nagkibit siya ng mga balikat. It was too much of a coincidence. Hindi siya naniniwala sa ganoon. But then fate could either be kind or cruel.

"Nothing important. It is just that a long time ago, I knew someone from that place." Hindi kailangang sabihin niyang tagaroon ang mga magulang niya... ang mga Worth. Ang apelyidong iyon ay matagal na niyang ibinaon sa limot.

Nang matagpuan siya ni Bernard sa Texas ay hindi niya sinabi ang apelyido niya. Just Aidan and nothing. Maliban na lang nang madaling-araw na matagpuan niya si Danielle sa daan kung saan ibinigay niya ang sariling pangalan sa ospital.

"Kaapelyido ng babaeng ito. Samuel Wilding..." dugtong ng binata.

"Oh, well, hindi umabot sa pamilya ng dalaga ang impormasyong ibinigay ng tiyahin. Ano ang plano mo ngayon?"

"Hindi ko alam kung ano ang motibo ng tiyahin sa pagsasabing nakita na niya si Danielle at pagkatapos ay hindi naman nagpapakita sa ospital. Besides, ang sabi niya sa iyo'y umuwi na ang dalaga. Nasa ospital pa rin si Danielle hanggang ngayon. Kausap ko siya sa telepono habang patungo ako rito. At noong isang gabi'y sinabi ni Danielle na may tao sa silid niya.

"No one believed her, kahit ako'y hindi naniniwala, though I didn't tell her so. She is sick, she couldn't remember so her mind could be muddled. At kahapon ay may isang tao akong nakitang papasok sa silid niya na nang makita ako'y biglang tumakbo. I ran after him. Naiwala ko siya. Hindi ko gustong mag-isip ng masama dahil baka hospital personnel lamang iyon. At kaya tumakbo dahil hinabol ko... but it didn't make sense."

"That's interesting..." ani Kurt, hinihimas ang baba at pinag-iisapan ang sinabi niya.

"I don't like it when I have this hunch, Kurt. Sa Mexico, hindi miminsang nakadama ako nang ganito tuwing may mangyayaring hindi maganda. Please do me a favor. Use your connection, alamin mo ang iba pang mga bagay tungkol kay Danielle Wilding sa Kentucky." Nagdududang tinitigan ni Kurt ang bayaw. "Bakit ganoon na lamang ang interest mo sa babaeng ito?"

Umiwas ng tingin si Aidan. "I don't know. I can't explain. But she was terrified, Kurt. She was so scared and she told me that some people are trying to kill her. Ang pangalan ba ng boyfriend niya ay Calvin?"

"Yes. Isang medical representative, ayon sa tiyahin." "Find anything you can about him. Danielle said he's dead." Kumunot ang noo ni Kurt. "Akala ko ba'y hindi siya makaalala?"

"May flashes siya ng memorya. And everytime she had those, she's scared as hell." Tumayo na siya. "Aalis na ako. Say my good-byes to Jade."

Tumayo na rin si Kurt. "I'll call you as soon as I found something."


***************Balita mga beshie char hahahha update - update muna ako mamaya na ako sasagot sa mga comments char. - Admin A ************

Continue Reading

You'll Also Like

573K 19.6K 35
"There's a falling star!" bulalas ni Mirabelle, saka mabilis na tumayo at mula sa likuran ni Karl ay isinuksok ang dalawang kamay sa bulsa ng shorts...
285K 7.2K 22
Pinalayas ng kanyang ama si Georgina Yulo kaya naisipan niyang humingi ng tulong kay Pio Andong. Napadpad siya sa Bud Brothers Farm. Doon ay ibinigay...
614K 18K 38
"Now what shall it be? Go home or have a drink with me?" tanong ni Benedict, watching her over the rim of his goblet. Julianne saw the challenge in h...
543K 16.5K 38
Kristine Series 23 - Wild Enchantment Adriana's new stepmother considered her an excess baggage. Through cunning manipulation, ipinaubaya siya nito s...