Kristine 17 - Panther Walks (...

By MarthaCecilia_PHR

636K 20.2K 1.8K

Muntik nang mabundol ni Aidan ng sasakyan ang isang babaeng basta na lang tumawid sa kalsada. Dinala niya ito... More

Dedication
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36

14

15.2K 551 62
By MarthaCecilia_PHR


AIDAN promised to come back later that night at magdadala ng camera. Pumayag si Danielle na kuhanan niya ito ng larawan at ilathala sa mga peryodiko o di kaya ay sa television. Umuwi siya sa kanila para kumuha ng camera at umalis ding muli.

Dumaan muna siya sa mall at bumili ng ilang gamit pambabae. Hindi maiwasan ng mga naroong sales clerk ang magbulungan nang magtanong siya ng sizes ng gamit pambabae. A gorgeous hunk was buying a woman's garment.

"I don't know her size. Could you show me all sizes and I'll choose?"

"Yes, sir," nakangiting sagot ng sales clerk, sabay siko sa kasamang sales clerk na kinikilig sa likod nito.

Isang oras siya halos sa pambabaeng section. Hindi pinapansin ang mga humahangang matang nakatuon sa kanya hanggang sa makapamili siya. Pagkatapos ay nagtuloy siya sa Kenny Roger's at nagpabalot ng pagkain.

Alas-nuwebe na ng gabi nang makabalik siya sa ospital. Tuloy-tuloy siya sa elevator. Wala nang gaanong bumibisita sa oras na iyon kaya nag-iisa na lang siya sa elevator patungong third floor.

Sa nurses station ay iisa lang ang naroong nurse. Nginitian niya ito bago lumiko sa pasilyo patungo sa silid ni Danielle. Malayo pa siya ay natanaw na niya ang isang hindi niya matiyak kung lalaki o babae na nakasuot ng puting hospital robe at berdeng cotton pants. Naka-hospital mask din ito at may cap sa ulo. May hawak itong heringgilya sa isang kamay. Ang isang kamay nito ay pumipihit sa doorknob. Doktor o attendant?

Naka-rubber shoes si Aidan at hindi iyon gumagawa ng ingay sa pasilyo. Subalit naramdaman marahil ng tao ang pagdating niya at napalingon ito sa kanya. Ang akmang pagbubukas nito ng pinto ay napigilan. Pagkuwan ay nagmamadaling lumakad patungo sa kabilang dulo ng pasilyo.

"Hey!" tawag ni Aidan na nagtaka sa biglang pagpihit ng tao sa kabilang direksiyon at sa halos lakad-takbong paglayo. Sukat sa pagtawag niyang iyon ay tumakbo ito. Napatakbo rin ang binata at sinundan ang tao.

"Hey, stop!"

Bumilis ang takbo nito at lumiko sa kabilang pasilyo. Tumakbo rin doon si Aidan. Pagdating niya roon ay wala kahit anino ng hinahabol niya. At dead end na sa dulo. Sa isang bahagi ng pasilyo ay silid ng mga pasyente at sa kabilang bahagi ay ang mga bintanang salamin.

Nagpalinga-linga ang binata. Saan maaaring magdaan ang taong tumakbo?

Sa mabilis na mga hakbang ay tinungo niya ang fire escape. Nanungaw roon at nagbabaka-sakaling makita sa di-kadilimang fire escape ang hinahabol. O di kaya ay marinig ang mabilis nitong pagbaba. Subalit kahit anino ay wala siyang matanaw. O kahit kapirasong ingay man lamang maliban sa iilang busina ng sasakyan sa highway.

May ilang sandaling nakayuko siya sa fire escape bago nilinga muli ang paligid. Ang kaharap niya ay ang mga pribadong silid. Kakatukin ba niyang isa-isa ang mga iyon?

No. It would be foolish and unwise. Gagambalain lamang niya ang mga pasyenteng maaaring natutulog na sa mga sandaling iyon.

Sino ang taong iyon? Bakit ito tumakbo?

Dahil hinabol mo, ang sagot ng kabilang isip niya. Napailing ang binata at muling nagbalik sa silid ni Danielle. Dalawang katok ang ginawa niya at narinig niya ang tinig ng dalaga.

"Hi." He smiled at her. Nakaupo ang dalaga sa kama. Kalmante ang mukha at hindi niya magagawang sirain iyon sa pagsasabing may hinabol lang siyang tao na sana ay papasok sa silid. For all he knew ay tauhan iyon ng ospital at natakot sa sigaw niya. "I brought us dinner."

"Thank you." Sinulyapan ni Danielle ang rasyong pagkain sa ospital na nasa mesa na hindi pa niya nagagalaw. "Three days and I'm sick and tired of hospital food."

He grinned. And Danielle literally stopped breathing for a few seconds. "Iyon din tiyak ang nararamdaman ng ibang pasyente rito." Niyuko nito ang plastic bag at inilapag sa kama. "I bought some necessities."

Nangunot ang noo ni Danielle nang makita ang tatak sa plastic bag. St. Michael.

"A-ano ang mga ito?" Hindi niya napigilang magtanong kahit na humigit-kumulang ay nahuhulaan na niya ang laman ng plastic bag.

"Tingnan mo." His smile was sexy and openly inviting. Again, the smile sent Danielle's heart racing. Umiwas siya ng tingin. Binuksan ang plastic bag at inilabas ang laman niyon.

"Oh!" marahang bulalas niya kasabay ng pamumula ng mga pisngi. Kalahating dosenang silk bikini briefs in in the palest of pink. Isang cotton night gowns at isang summer dress.

"I hope I got the right sizes," ani Aidan, nakangiti pa rin. Nanunukso.

"I... I don't know what to say." Malakas lang nang bahagya sa bulong ang tinig niya. Nararamdaman niyang nag-iinit ang mga pisngi niya sa kaisipang hinawakang lahat ni Aidan ang mga iyon. At hindi niya malaman kung magagalit siya dahil binilhan siya ng mga undies. O magpapasalamat dahil kailangan niya ang mga iyon.

"Try thank you. I won't mind."

"Oh, Aidan, you're incredible." Hindi niya mapigilan ang bahagyang ngiti. "And yes, thank you. I'm sick and tired of this white robe."

"I'm glad I made you smile," wika ng binata. Ano na nga ba iyong sinasabi ng mga makata? Sumisikat ang araw kapag ika'y ngumingiti? May palagay ang binatang iyon ang nangyayari sa sandaling iyon. Her smile was like a burst of sunshine after the rain. "Do that more often, Dani." His voice went huskier.

Danielle's heart was beating all over the place. Shyly, nagyuko siya ng ulo. Hinaplos ang malambot na materyal ng mga pantulog. Nang bigla ay matigilan, tumingala sa binata na ang mga mata ay nanatiling nakatitig sa mga labi niya.

"W-what did you call me?"

"What?" Sandaling nalito si Aidan.

"You called me... D-Dani..." She closed her eyes. Beware of them, Dani. I–I saw them together... He wasn't aware about that. It just slipped from his tongue. Nang titigan nitong muli ang dalaga ay nakita nito ang paggitaw ng mumunting butil ng pawis sa noo niya.

"Are you all right? Another flashes?" Subalit wala roon ang matinding takot na nakikita nito sa tuwing makaalala ang dalaga. What he saw on her face was intense loneliness that it tugged his heart. He wanted to reach out to her and cradle her in his arms.

"Dani. My... parents called me that."

"And... where are they, Dani?" he asked carefully.

Umiling ang dalaga. "I told you, wala na akong pamilya," wika nito sa mahinang tinig. She could feel the intense loneliness sa tuwing nababanggit ang pamilya. "H-hindi ko alam kung paano silang namatay... hindi ko maalala." Mabilis na nahalinhan ng pilit na ngiti ang lungkot sa mukha niya. "Thank you again, Aidan. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa akin kung hindi ikaw ang nakatagpo sa akin..."

"Forget it." Itinaas nito ang camera, zoomed the lens and took her picture. "Pagkagaling dito'y tutuloy ako sa kakilala kong newscaster sa channel two. Bukas ng umaga'y nasa early news na ang mukha mo hanggang sa gabi. Natitiyak kung makikita iyon ng mga kaibigan at kakilala mo."

Hindi sumagot si Danielle dahil muli ay umahon ang matinding kaba sa dibdib. Naroroon pa rin ang kakaibang takot sa damdamin niya. Kung para saan iyon ay hindi niya alam. Maybe she was crazy to think that someone or some people want her dead. At hindi maaaring manatili na lamang siya na limot ang mga alaala tungkol sa buhay niya gaano man ang pagnanais ng kabilang bahagi ng isip na manatiling huwag makaalala.

Pinutol ni Aidan ang pag-iisip niya sa masiglang tinig. "Chow time, baby. I'm starving." Binuksan nito ang mga ipinabalot na pagkain at inayos sa mesa.

"Aidan..." "Hmm..."

"What if no one will come forward and acknowledged that they have known me? What will happen to me?"

"Bakit mo nasabi iyan? Kung wala kang pamilya, may mga kaibigan ka namang tiyak... everybody does."

"I... am sure about the family thing, Aidan. At kung tungkol sa kaibigan... there was only Calvin. And he's dead, too." Nabasag ang tinig niya roon.

Sandaling nahinto sa ginagawa si Aidan at tinitigan siya. Hindi nito gustong itanong sa dalaga kung paano niya nalamang patay na si Calvin. Babalik na naman sila sa square one dahil sasagutin lang ito ni Danielle na hindi niya alam. Minsan ay nag-iisip ito kung ginagawa lamang ng dalaga ang tungkol sa pagkalimot ng memorya. Subalit napapawi ang alinlangan nito sa tuwing nakikita ang takot sa mukha niya. Hindi kayang i-fake ng kahit sino ang ganoong mga damdamin.

"Then I'll take you home. Mother will nurse you until you recover back your memory bit by bit."

"HI."

"Aidan!" Bagaman nagulat ay naroon ang kasiyahan sa mukha ng babae nang makita kung sino ang pinagbuksan ng pinto.

"Kumusta ka na, Maurice?" ani Aidan. Hinagod ng tingin ang babae. Ang hanggang balikat na buhok na may mga colored streak ay nakasabog sa mukha. She was wearing a maroon terry robe na ang natatakpan ay ang dapat lamang na takpan. Yet it wouldn't have made any difference if she was naked.

"Aidan, what a pleasant surprise! Tuloy ka." Iniawang nito nang malaki ang pinto ng unit at pinapasok ang binata.

"Sorry kung naabala kita sa dis-oras ng gabi, Maurice." sinulyapan niya ang relo sa braso. Alas-dose na halos ng gabi.

"Hindi mo ako inabala," mabilis nitong sagot. "Inihahanda ko ang report ko sa TV bukas." She suggestively roved her eyes through his body. "It has been a long long time since we last saw each other, Aidan. Three years? Kung hindi ako nagkakamali..." She pouted her red lips, may hinampo sa tinig.

"I was in Texas all those years, Maurice..."

"You're here now and that is all that matters. Ano ang gusto mong inumin?" Nasa tinig nito ang excitement. "The usual?"

"Thank you. Pero dumaan lang ako upang humingi ng pabor..." Nagsalubong ang magagandang kilay nito. "Hindi ka rito magpapalipas ng gabi?" she said bluntly.

Umiling ang binata. "Some other time, Maurice." Dinukot nito ang rolyo ng film sa bulsa ng jeans at inabot sa babae. "Tatlong kuha lang ang nandiyan. Pumili ka kung alin ang gusto mong gamitin. I want you to flash the picture tomorrow sa pang-umagang balita at sa oras mo sa tanghali." Ipinaliwanag ng binata ang sirkumstansiya rito na nagpawala sa ngiti ng babae at nahalinhan ng buntong-hininga.

Pagkuwan ay ikinawit nito ang mga braso sa leeg ng binata. "Playing hero again, lover boy?" malambing nitong sabi. Sadyang idinikit ang katawan sa katawan nito. Rubbed her breasts against his chest. Tiptoed and kissed his lips.

Nagbigay si Aidan. Roughly cupped her nape with his hand na halos magpabanat sa buhok ng babae. Claimed her mouth in wild but thorough kiss. Nang bitiwan niya ang babae ay naghahabol ito ng paghinga. Hunger and intense desire mirrored in her eyes.

"Please stay, Aidan..." she begged. Mariing hinawakan ng binata ang baba nito at itinaas. "Be a good girl and who knows I might one of these days give you what you want." He tapped her buttocks a little harder and went out of the unit.

"You're so unforgiving, Aidan!"

Subalit nagkibit lang ng mga balikat ang binata at tuloy-tuloy sa Ford Ranger nito. Inihagis ni Maurice sa sofa ang rolyo ng film. Nagngingitngit. Nanghihinayang. Ganoon man ay alam niyang hindi maaaring hindi niya sundin ang iniuutos ng binata. He used the word favor but in reality it was a command. Didn't even bother to use the word "please." Damn him.

Matagal na niyang pinagsisihang naiwala niya si Aidan. Nagsisimula pa lang siya sa newscasting three years ago. Kasamang nag-a-anchor ng isang kilalang newscaster. She accidentally met Aidan in UP a year before that. Hindi ito roon nag-aaral, ang sabi ay sinusundo lamang ang kapatid na babae.

One meeting led to another. They had a relationship. Though she wasn't innocent and had a series of boyfriends before Aidan, he was the first man she went to bed with. Pinahalagahan ni Aidan na ito ang unang lalaki sa buhay niya. Though he didn't offer marriage, he was thoughtful and generous.

Nakapagtrabaho siya sa TV station nang magtapos siya sa semestreng iyon. She knew her assets, petite but voluptuous and beautiful. Nagkaroon ng interest ang isa sa mga executives sa kanya. She got ambitious, alam niyang mapaaangat ng executive ang career niya. Pinatulan niya ito hoping that Aidan wouldn't know.

Subalit nalaman iyon ni Aidan. Hindi na niya kailangang itanong kung paano. Noon lang niya na-realize that he came from a very influential family. The Sorianos and the Lopezes were influential, too. Subalit nagkalat ang mga ganoong uri ng pangalan kahit sa average families.

She thought Aidan was one of those. Sa pagsundo sa kanya sa unibersidad ay gumagamit lamang ito ng motorsiklo. Harley Davidson. Alam niyang mamahalin iyon, mahal pa halos kaysa sa halaga ng ibang kotse. Sana ay noon pa lang ay naghinala na siya na hindi ito ordinaryong estudyante. Subalit natakpan iyon ng kaalamang isa lamang working student si Aidan.

Nagtatrabaho ito sa isang pabrika ng bakal sa araw at nag-aaral sa gabi. Sinabi mismo nito ang pangalan ng kompanya kung saan ito nagtatrabaho—Kristine Steel—at kung ano ang trabaho nito. Paano ba niyang malalamang ang kompanya ng bakal na sinasabi nito ay pag-aari ng pamilya nito. Na ang ama nito ang mismong chairman of the board ng steel company.

Dahil hindi niya inuusisa ang binata. Sapat na sa kanyang magandang lalaki ito at maraming naiinggit sa kanya. Sapat na sa kanyang kahit minsan ay hindi siya nito hinayaang gumasta sa mga dates nila kahit isang sentimo, unlike her former boyfriends. Sa marami pa ngang pagkakataon ay inaabutan siya nito ng pera, which she accepted eagerly and without question. At sapat na rin sa kanyang natutugunan ni Aidan ang sexual niyang pangangailangan— to a T.

Besides, kahit mag-usisa siya marahil ay hindi ito magsasalita. Hindi marahil magsisinungaling subalit hindi sa paraang malalaman niya ang tunay nitong pagkatao. Hindi ito mayabang, kahit alam niyang hindi iilang babae ang nagnanais na pansinin nito. Si Aidan ang lalaking hindi gaanong binibigyan ng importansiya ang panlabas na anyo. Tahimik lagi. Simple ang suot. Now, she would give anything to have him back. But she knew it was wishing for the impossible.



***********Paramdam char hahahhaa. I miss you mga beshie. Nakakapanibago mag update char hahahaha. Kumusta ang lahat? Naninibago ako at limited lng time ko para makapag update :( Kakaasar naman hahahaha. Kayo ano na ang balita sa inyo mga beshie? Balitaan n'yo naman ako , miss ko na kasi kayo eh :(. SANA ALL NAMI-MISS char. Sa akin kaya may naka-MISS?  . Stay safe and God bless mga beshie.


I'm glad to be back here. Mukhang marami akong namiss na chika, Chikahan n'yo naman ako char hahahaha. Sa mga nagme-message sa akin . Maraming thanks mga beshie kung hindi dahil sa inyo wala ako dito ngayon. Kayo ang nagsilbing lakas ko sa mga panahong nalulumbay ako char hahhaha. Basta salamat ng marami sa inyo sa pagiging liwanag sa aking mundong madilim charh ahahaha. Mahal ko kayong lahat!!!! - Admin A ***************

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 27.6K 27
Mula pagkabata'y lihim na minahal ni Kate si Rafael. Subalit ang playboy ng San Ignacio College ay iba ang pinagtutuunan ng pansin, ang kaibigan mata...
862K 21.3K 34
Mavis met an accident on her way to Bangui, a town in Ilocos Norte. Ang nakapagtataka ay wala siyang maalala sa mismong aksidente, bago man o pagkata...
1.5M 38.6K 50
When Lance Navarro whispered "I do..." Erika Rose saw hatred and contempt in his eyes. Pero hindi doon natapos ang galit ng bunsong lalaki ni Franco...