Kristine 17 - Panther Walks (...

By MarthaCecilia_PHR

636K 20.2K 1.8K

Muntik nang mabundol ni Aidan ng sasakyan ang isang babaeng basta na lang tumawid sa kalsada. Dinala niya ito... More

Dedication
Prologue
1
2
3
4
5
6
7
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36

8

17.2K 553 29
By MarthaCecilia_PHR


NAKAUPO ang babae sa stretcher. Tuwid na tuwid ang likod, like a ramrod. Ang maputlang mukha ay may bahid ng dumi at ang mga mata nito ay nangingitim dahil sa pagkalat ng mascara. Ang maiksing buhok nito ay mamasa-masa at dikit-dikit.

She had a slender neck, tila yaong sa mga modelo. Ang puting blusa ay bumagsak na mula sa balikat ang kabilang bahagi and exposed one fragile shoulder. Ang cargo pants nitong khaki ay may bahid ng putik.

She looked as if she had been to hell and back. At mula sa pagkakatayo sa may entrada ng ER at reception ay nanatiling nakamasid si Aidan sa babae. He was observing her through the slightly parted curtain partition. Isang nurse ang nakikipag-usap dito at sa wari ay hindi pinapansin ng babae.

He couldn't take his eyes off her.

Her too short ash-blonde hair made her look boyish. At sa kabila ng marungis na anyo, she was a looker.

"Ano ang problema ng girlfriend mo, handsome?" untag ng mataba at may-edad ng nurse kay Aidan na lumabas mula sa partisyong kurtina. May paghangang hinagod ng tingin ang binata.

"She's not—"

Hindi natapos ni Aidan ang sinasabi, muling nagsalita ang nurse. "Nag-away ba kayo? Bakit hindi siya nagsasalita? Wala siyang sinasagot sa mga tanong ko..." May bahid ng iritasyon ang huling sinabi nito, sabay lingon sandali sa kinaroroonan ng babae. At muli ring ibinalik kay Aidan ang pansin. "Selosan blues, huh? Itinulak mo ba sa lupa ang syota mo?" Now, amusement laced the nurse's voice.

"What's wrong with her?" nakuhang itanong ng binata. A little bit irritated with the nurse. Sinulyapang muli ang babae na nanatiling tuwid na nakaupo. Nakatitig sa kawalan.

"Ako nga ang nagtatanong sa iyo niyan, eh," sagot ng nurse na nilinga rin ang babae. "Sinapak mo ba, ha?"

"May nabali bang buto sa kanya?" patuloy ni Aidan bagaman sa paraan ng pagkakaupo ng babae ay duda na siya kung may napinsala rito. Nagkamali marahil siyang isiping nabundol niya ang babae.

Tumawa nang malakas ang nurse, isang malisyosong tawa. "Kayo talagang mga lalaki, oo. Mananakit ng syota, pagkatapos ay mag-aalala."

"I didn't hurt her," naiiritang sagot nito. At bago pa niya madugtungan ang sinabi ay muling nagsalita ang nurse, sabay tapik sa braso niya.

"There's nothing wrong with your girlfriend. Maliban sa maliit na sugat sa may gilid ng ulo niya na marahil ay kung saan tumama..." Umangat ang mga kilay nito at muling hinagod ng tingin ang binata. Amusement and adoration in her eyes. "The doctor will see her in a minute. At natitiyak ko sa iyo, you will be advised to take her home." Pagkasabi niyon ay tumalikod na ang babae at muling tinungo ang isa pang curtained partition para sa ibang pasyente sa ER.

Ang isa sa mga resident doctors na natapos na mula sa pagsusuri sa isang pasyente ay nilapitan ang babae. Sinuri ito. Naghahanap ng kung anong pinsala sa katawan nito. He was speaking to the woman but got no response. He frowned nang mapuna ang bahagyang sugat sa ulo nito. He spoke to her again, subalit walang isinasagot ang babae.

Bahagyang nainis na luminga ito. "Che, sino ang kasama ng pasyenteng ito?" malakas na tanong nito sa isa sa mga nurses. Agad na lumapit si Aidan.

"Ako ang kasama niya, doktor..."

"What's wrong with her?" tanong nito sa propesyonal na tono.

Inawat ni Aidan ang sarili na huwag magpakawala ng maanghang na komento. Kaya nga niya dinala ang babae sa ospital ay upang malaman kung ano ang diperensiya nito. Ngayon ay ibabalik sa kanya ang tanong.

"Bigla na lang siyang tumawid sa kalye. Inakala kong nabunggo ko siya dahil bumagsak siya sa harap ng sasakyan. Dito ko siya dinala dahil ito ang pinakamalapit na ospital," he added the last sentence unnecessarily.

Tumango-tango ang doktor. "So hindi mo siya kilala?" Nilinga nito ang babae sandali na nanatiling nakatingin sa kawalan. Bumalik ang mga mata nito kay Aidan. "Hindi siya nagsasalita. She looked like as if she's in shock. Gusto mo ba siyang ipa-confine?"

Ipa-confine? Bakit naatang sa mga balikat niya ang gayong responsibilidad? Kung hindi niya nabundol ang babae ay wala na siyang pananagutan dito. He might as well went home. He needed his sleep that evaded him hours ago.

Out of curiosity, his eyes flew to the woman. Sino ang babaeng ito? Ano ang nangyari dito? She looked frightened. Nakaupo ito sa gilid ng stretcher na para bang nakahandang tumalon at tumakbo anumang sandali.

"You took her here, somehow, responsibilidad mo ang pasyente, Mister...?"

"Fortalejo. Aidan Fortalejo," wala sa loob na sagot ni Aidan. He was unable to tear his gaze away from the woman. Something about her brought out something in him he didn't care to understand. At hindi niya napuna ang bahagyang panlalaki ng mga mata ng doctor pagkarinig sa pangalan niya.

"Fortalejo as in Kristine et cetera?" ang doktor uli.

Doon lang inalis ni Aidan ang mga mata sa babae. Tinitigan ang doktor na tila ba may nasabi siya ritong hindi dapat.

"Kung kinakailangang i-confine ang pasyente ay gawin ninyo, doktor. I'll shoulder all expenses." Kung bakit niya sinabi iyon ay hindi niya alam at huli na para bawiin.

"Okay, follow me." Mabilis na tumalikod ang doktor, naroon ang eagerness na maibigay ang mabuting serbisyo. Hindi man sinagot ni Aidan ang tanong nito ay nakatitiyak itong isa sa mga lalaking Fortalejo ang kanyang kausap.

Sumunod sa doktor si Aidan. Unaware of all the covetous glances na ibinibigay ng mga naroroong nurses at pasyenteng babae.

Nang akmang magsasalita sa reception ang doktor ay hinawakan ito ni Aidan sa braso.

"Irehistro mo ang pasyente sa kahit na anong pangalang maisip mo, doktor. Jane Doe... no." Umiling siya. "Jane Worth..." Bahagya pa siyang nagulat sa pangalang lumabas sa bibig niya. Napatitig sa doktor. "I–I'm sure you understand."

"Of course, of course," nasisiyahang sagot ng doktor. Hindi nakakalimot ng utang-na-loob ang mga Fortalejo, gaano man iyon kaliit. This was his lucky day.

Habang ang doktor mismo ang nag-asikaso sa pagpapa-confine ng babae sa ospital ay sandaling natilihan si Aidan. Hindi pa nangyaring sa nakalipas na labing-pitong taon na nabanggit man lamang niya ang sariling pangalan. In fact, no one knew about it. Kay tagal na niyang kinalimutan iyon. Bakit bigla ay ang sariling apelyido ang unang pumasok sa isip niya?

Nakadama siya ng bahagyang guilt. Na para bang isa iyong kataksilan sa mga taong kumupkop sa kanya... sa mga taong itinuring siyang tunay na anak at itinuring din naman niyang sariling pamilya.

Ang maging incognito ay normal na nilang ginagawang magkakapatid at magpipinsan, subalit minsan man ay hindi niya naisip na gamitin ang sariling pangalan.

Bakit ngayon?

Bigla ay nakadama siya ng kalituhan. Napatingin siyang muli sa kinaroroonan ng babae. Naroon pa rin ito. Tuwid na nakaupo. Ang mga mata ay nagbabadya ng takot. Iniisip niya kung alam kaya ng babaeng kanina pa niya ito pinagmamasdan.

Subalit sa nakikita niya ay tila wala itong pakialam sa paligid, sa ingay sa loob ng ER, sa tawagan ng mga nurses at doktor. Nakaupo lang ito nang tuwid at tahimik. Nakatitig sa kawalan, in some distant point in space that only she seemed aware of.

Huminga nang malalim si Aidan. Dapat ay umuwi na siya at ipaubaya na lang sa mga tao sa ospital ang babae. Subalit huli na ngayon iyon, naroon na siya, inako na niya ang responsibilidad. He took another weary sigh at humakbang palapit sa babae.

Nang bigla ay isa sa mga pasyente sa ER ang sumigaw. Binibigyan ng first aid ang binti nitong nasugatan. Sapat iyon upang biglang mapapitlag ang babae, her gaze shot up, at ang unang nahagip ng tingin nito ay ang mga mata ni Aidan.

Sa sandaling iyon ng pagtama ng kanilang mga mata, Aidan felt an odd little tremor in the pit of his stomach. Isang sensasyong hindi nalalayo sa naramdaman niyang excitement at thrill na naranasan niya habang nasa panganib ang buhay niya sa mga assignment niya sa Mexico sa nakalipas na tatlong taon.

Damn. Hindi niya kailangan ang ganitong damdamin sa mga sandaling iyon. At sa isang estranghero.

Nagpatuloy siya sa paglapit sa babae subalit wala na sa kanya ang mga mata nito. Maliban doon sa sandaling pagtama ng kanilang paningin ay muling nagbalik ang babae sa pagtitig sa kawalan, doon sa kung saan hindi ito maabot. She was unreachable and so... fragile.

Well, he ought to be glad that the woman wasn't his type. He didn't like fragile women. Mas gusto niya sa mga babae ang matapang, malakas, secure, and independent. Women who knew the score as well as he did.

Ang hindi niya gusto sa pagkakatitig niya sa estranghera ay ang hindi maikakailang pag-ahon ng protective instinct niya. At napatunayan na niyang minsan na ang mga ganitong uri ng babae ay mapanganib para sa isang lalaking tulad niya.

Nag-alis siya ng bara sa lalamunan bago nagsalita. "I'm Aidan," banayad niyang sabi. "Ako ang nagdala sa iyo rito sa ospital. Muntik na kitang mabundol nang basta ka na lang tumawid sa kalsada."

Subalit nanatiling tahimik ang babae.

"Ano ang pangalan mo? Saan ka nakatira?" Wala pa ring sagot.

Isang mahinang buntong-hininga ang pinakawalan ni Aidan, sinikap na huwag maglakbay ang mga mata sa kabuuan ng babae. Lalo na sa bahaging bumagsak ang damit nito sa may kabilang balikat, baring soft and silky flesh. At may nababanaag siyang mga pinong pekas doon.

Yet he couldn't help studying the woman. Mestiza ang babae. The color of her skin, though she was beautifully tanned, reminded him of his Aunt Emerald. Her eyes, soft brown. Matangos at maganda ang hubog ng ilong. Soft and full mouth, and a determined chin.

She was wearing a simple white gold stud diamond earrings na marahil ay isang kilatis ang bawat isang bato. Ganoon din ang white gold solitaire nito sa kanyang palasingsingan. At kung ang mga iyon ang pagbabasehan at ang uri ng suot nitong damit na ang pangalan ng designer ay nakamarka sa bulsa ng cargo pants ay masasabing nakaaangat sa buhay ang babae.

Again, he cleared his throat. Inulit ang mga tanong. "Bakit nasa kalye ka nang ganoong oras? Saan ka nanggaling? May tinakasan ka ba? May gumawa ba ng masama sa iyo?" Ang mga kamay ng babae ay mahigpit na magkapatong sa kandungan nito. At nakita ni Aidan ang bahagyang panginginig ng mga kamay nito. Naisip niyang kahit paano ay naririnig siya ng babae.

Nang muling may sumigaw sa loob ng ER ay napapitlag na muli ang babae. Nagpalinga-linga ito na tila ba noon lang napuna ang kapaligiran. Lumakas ang sigaw ng pasyente sa di-kalayuan. Tumiim ang pagkakasalubong ng mga kilay ng babae. Napatingin kay Aidan.

"W-where... am I?" halos pabulong nitong sabi.

"Narito ka sa ER ng isang pribadong ospital sa Parañaque. Hindi mo ba alam nang dalhin kita rito?"

Muli nitong iginala ang pangin sa paligid. Tila ba noon lang binigyang-pansin ang kinalalagyan sa unang pagkakataon.

"Ano ang pangalan mo?" ulit ni Aidan.

Hindi na uli sumagot ang babae. Ang mga mata nito ay muling nagbalik sa pagkakatitig sa kawalan.

Lumapit pa sa babae ang binata at bahagyang niyuko ito. "Look, gusto kitang tulungan. At hindi ko magagawa iyon kung mananatili kang walang kibo. At natitiyak kong sa mga sandaling ito ay hinahanap ka na ng pamilya mo."

Kung alinmang bahagi sa sinabi niya ang nagpatingala sa babae upang tumingin sa kanya ay hindi matiyak ni Aidan. But she was looking at him like an animal trapped in a headlight. At hindi matiyak ng binata kung saan nanggaling ang damdaming biglang umahon sa dibdib niya—ang pagnanais na yakapin ang babae at protektahan ito sa anumang takot na nasa mga mata nito.

Umangat ang mga kamay ng babae at iniyakap sa sarili na tila ba nilalamig. At napansin ni Aidan ang pasa sa may kaliwang braso nito sa ibaba ng balikat na tila ba may pumisil doon nang mahigpit.

Yumuko ang binata at bago pa niya mapigil ang sarili ay dinama ang pasa ng babae. "No!" Napasinghap ito nang malakas at marahas na iwinaksi ang kamay ng binata. Muling iniyakap ang mga braso sa sarili, as if to protect herself from whatever harm he might inflict.

Napilitang ibinaba ni Aidan sa tagiliran niya ang kamay. "Look, hindi kita sasaktan, huwag kang matakot," banayad niyang sabi. "Bakit ka may pasa sa braso? Sino ang nanakit sa iyo?"

Sa liwanag na nagmumula sa flourescent lights na nakapaligid sa ER ay nakita niya ang pagkislap ng mga mata ng babae sa biglang pamumuo ng mga luha roon.

Tahimik na napamura si Aidan. Was she married? At ang asawa ba nito ay ang uring nananakit ng babae? Sinundan niya iyon ng tahimik na pag-iling, hindi isang wedding ring ang singsing na nasa kamay nito. It could be an engagement ring for all he knew. Nakipagkagalit ba ito sa fiancé nito?

"Look," he said impatiently. Isinuklay ang mga daliri ng kamay sa buhok. "Gusto kitang tulungan. Pero hindi ko magagawa iyon kung patuloy kang hindi magsasalita."

Isang butil ng luha ang kumawala mula sa mata ng babae at naglandas sa pisngi nito. Patingalang napapikit si Aidan kasabay ng pagmumura nang tahimik. Napipigil niyon ang pagnanais niyang abutin ang babae at aluin. She looked so young and vulnerable sitting there with a teardrop drying on her cheek.

Nag-iinit ang ulo niya sa pag-iisip kung anong uri ng lalaki ang mananakit ng babae, lalo na sa isang tulad nito na tila walang lakas para lumaban.

Isang bahagi ng isip niya ang kumokontra kung ganoon nga ba ka-helpless ang babae. Pagdating sa babae, he was a lousy judge of character. Lalo na at kung ang pagbabasehan ay ang muntik na niyang pagkapahamak sa Mexico.

Muli niyang ibinalik ang paningin sa babae. "Maaari mo bang sabihin sa akin kahit ang pangalan mo man lang?"

Tumingala ang babae. Umiling.

Nangunot ang noo ng binata. Hindi siya makapaniwalang humaba nang ganoon ang pasensiya niya. Nasa mga mata ng babae ang tila nakikiusap, kung ano man iyo'y hindi niya alam, at ang mga titig nito'y tumatagos hanggang sa mga buto niya.

"Ano ang ibig sabihin ng iling mo? Hindi mo gustong sabihin ang pangalan mo?"

Muling umiling ang babae, her eyes pleading. "I can't tell you my name," wika nito sa bahagyang panginginig ng tinig, ang mga mata ay lalong pinamukalan ng mga luha. Aidan thought he'd never seen a face so haunted and terrified.

"Ano ang ibig mong sabihin?" muli ay tanong ng binata, nasa tinig niya ang urgency.

When she talked again, her voice filled with anguish. At ni hindi halos lumabas sa bibig ang mga salita.

"I can't... tell you my name because... because I don't know it. I don't know who I am."



***************Hay naku , puso'y nalilito hahahaha char.  I feel you girl, kasi tulad mo di ko rin puwedeng sabihin ang pangalan ko char hahahaha - Admin A *************

Continue Reading

You'll Also Like

285K 7.2K 22
Pinalayas ng kanyang ama si Georgina Yulo kaya naisipan niyang humingi ng tulong kay Pio Andong. Napadpad siya sa Bud Brothers Farm. Doon ay ibinigay...
1M 33.4K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
574K 19.6K 35
"There's a falling star!" bulalas ni Mirabelle, saka mabilis na tumayo at mula sa likuran ni Karl ay isinuksok ang dalawang kamay sa bulsa ng shorts...
1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...