Perfectly Imperfect (The Per...

By black_dollette

3.4K 125 43

[COMPLETED] The Perfect Girl Sequel After accepting the death of her loved one, Kazumi found herself forgivin... More

Perfectly Imperfect
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Epilogue
Author's Note

Chapter Thirty Eight

17 0 0
By black_dollette

KAZUMI

It's been a week since we arrived here in New York. The first few days, ayaw kaming paalisin sa bahay dahil baka raw may magtangka sa buhay namin, but I said I wanted to go out and that it's boring if we'll spend all our time inside the house. And I also told them that I could protect myself.

After many times of debating, pinayagan na rin ako, but they told me, if I go out, I should also bring my sisters with me. Gano'n din para kena Elle. None of us could go outside without each other. I mean it's fine with me so I didn't really have any problems with that.

Ngayon, andito kami sa Central Park. Every morning, tumatakbo kami galing sa bahay, papunta dito. Para naman may exercise kami. We've been eating non stop since we got here and it's not healthy any more.

I am seating down on one of the benches here. Tumatakbo pa rin sina Anne at Elle ata, naiwan ko sila eh.

Pinupunasan ko lang ang pawis ko ng may umupo sa tabi ko. Nginitian ko lang siya.

"Hello," he said, hindi ako tumingin sa kanya dahil baka may kausap lang siya sa phone.

"Are you alone, Miss?" nang sinabi niya 'yan, napatingin naman ako dahil mukhang ako nga ang kinakausap niya.

"Are you talking to me?" I aksed while I was pointing my self. He smiled.

Ang puti niya, syempre americano. Blonde ang kanyang buhok at kulay green ang kanyang mga mata.

"Yes, I'm talking to you. Is it bad?"

I shook my head and smiled. "No it's not."

Nilahad niya ang kamay niya. "I'm Daniel, by the way."

Agad ko naman 'yon tinanggap. "I'm Kazumi. Kazumi Coldsmith."

"Oh, are you also a foreigner?"

"No! Well my grand parents are German, but I live in the Philippines and my mom is part Filipina."

"That's nice... Is it beautiful in the Philippines?"

Naalala ko naman lahat ng lugar na napuntahan ko sa Pilipinas.

"Yes, very! It's also very peaceful there, well of course except for the traffics." I smiled.

"Wow, Philippines is very interesting!"

Nag-usap pa kami ng dumating si Anne at Elle. Tumayo naman ako para ipakilala si Daniel.

"Elle, Anne, this is Daniel, nakilala ko siya dito bago lang." I faced Daniel. "Daniel, this is Anne and Elle, my sisters." Nakipag kamayan naman sila sa isa't isa at tinignan ako ni Elle ng may mapanuksong tingin, agad ko naman siyang pinanlisikan ng tingin.

"Oh, you guys are twins, that's awesome!" sabi ni Daniel ng marealize niyang magkamukhang magkamukha silang dalawa.

Tumango naman si Elle, "Kazumi also had a twin."

Napatingin naman sa akin si Daniel, halatang nagulat. "Really? Where is she?"

I smiled and I pointed the sky. "She's in heaven."

Halatang nagulat siya sa sinabi ko at agad na tumungo. "Sorry, I didn't know," he said with an apologetic look to us three.

"It's okay, it's almost a year. We're happy. And she wouldn't want us to be sad."

Tumango naman siya at hindi nag tagal, nag paalam na kaming umuwi.

Days have past, palagi na kaming nagkikita nina Daniel. Nag-j-jog din kasi siya tuwing umaga.

Ngayon ay nandito siya sa bahay. Wala lang, naging close na rin kami eh.

Nalaman ko rin na hindi siya taga rito pero dito siya nag-aaral, kaya andito siya ngayon. But as of now, nagt-trabaho muna siya para maka save.

Nanonood lang kami ng movie at kasama namin sina Elle, Anne at Kuya.

Ng matapos, nagpaalam na si Daniel na may gagawin pa daw siya. Hinatid ko siya sa labas.

"Bye, Daniel."

Tumalikod na siya, pero tumigil din at hinarap ako.

"Uhm can I ask you something, Kazumi?" tanong niya sa akin. Nagtaka naman ako kung bakit siya namumula.

"Sure, what is it?" Ngumiti ako sa kanya, halatang kinakabahan siya eh, pero bakit?

"Can I take you out, tomorrow?" nagulat ako sa sinabi niya.

Napakamot naman siya ng batok. Anong sasabihin ko? Hindi ako pwedeng lumabas na hindi kasama sina ate.

"Uhm," napaisip ako, ayaw ko rin namang tanggihan si Daniel dahil naging close na rin naman kami. At saka, eto na ata ang huli dahil malapit na kaming umuwi sa Pinas.

"Sure." sabi ko nalang.

Napangiti naman siya at mas lalong namula. "I'll go here tomorrow, and I'll fetch you at ten?" Tumango naman ako at ayon, tuluyan na siyang umalis.

Pumasok na ako ulit sa loob ng bahay at nakita kong sumisilip sina Elle at Anne.

Pagkapasok ko, agad nila akong nilapitan.

"Anong sabi sa'yo?"

"Ipagpapalit mo na ba si Lucas para kay Daniel?"

Nagulat naman ako sa tanong ni Anne. May gano'n talaga? Eh hindi naman ako pipili ano! Friend ko lang talaga si Daniel, at si Lucas naman, ayaw kong mapahamak siya ng dahil sa gulo ko sa buhay.

Agad ko silang pinatahimik at naglakad na papuntang kwarto ko. Sinundan nila at kaya ayon, wala na akong choice kung hindi ay ikwento sa kanila kung anong sinabi ni Daniel. Alam kong narinig nila ang paguusap namin kanina pero ba't nag tatanong pa rin sila?

Nang sinabi kong ilalabas ako ni Daniel ay tumili naman sila. Speaking of, kailangan ko pang magpaalam kena mom at dad kung papayagan ba nila akong lumabas mag-isa, which I think not? Dahil hindi naman nila masyadong kilala si Daniel kaya sa tingin ko hindi talaga.

Nakarating na ako sa harap ng pinto ng kwarto nila at nag knock na ako. Hindi nag tagal, bumukas ang pinto at lumabas naman si dad.

"Oh, Kazumi, what is it?" iginaya niya ako papunta sa dinning room. "Sorry we couldn't talk with your mother, she's asleep." Tumango naman ako at umupo na sa high stool do'n sa may kitchen counter, umupo naman si dad sa tabi ko.

"Dad, Daniel asked me if I could go out with him, could I?"

Tumikhim siya, "Bakit, ayaw mo ba?"

Agad naman akong napa-iling. It's not that I don't want to, it's also not that I want. I just want to have a friendly hangout with him.

"Hindi na man sa gano'n, Dad. But you told us we couldn't go out without going out with our siblings," I trailed off.

Napatango na man siya, remembering what they told us awhile back.

"Well, about that, I don't think I have reasons to doubt you. I know you can handle yourself, anak kaya kita," sabi ni dad habang tumatawa. I smiled, thank God my father trusts me.

I stood up and hugged him, "thanks dad!"

Namomoblema ako ngayon as to what I'm going to wear.

Tinawag sina Elle at Anne para tulungan ako.

"Seriously, Kazumi. Are you in love with Daniel? Bakit parang gusto mo talagang magpaganda para sa kanya?" tanong ni Elle habang nagbibihis na ako.

Napagdesisyon kong mag suot ng yellow dress. Nag suot lang ako ng boots at kumuha ng coat para hindi masyadong malamigan.

"Elle, he's just a friend, and you know who I'm in love with."

"Sino?" asked Anne.

"Si Lu-" I cut myself off. "Teka, hinuhuli niyo lang ako eh. Alam niyo naman kung sino, hindi ko na kailangan pang sabihin." Naramdaman kong pumula ang pisngi ko, malapit na 'yon.

Napabuntong hininga naman si Anne, "sayang," bulong niya pa. Botong-boto siya kay Lucas, 'no? Well, siya naman. Basta ako, kahit mahal ko si Lucas, at kahit nililigawan niya ako, hindi ko alam kung kaya ko na ba siyang tanggapin sa buhay ko.

Ang daming nangyayari eh, ayaw kong may mapahamak ng dahil sa akin.

Nag mag ten na, saktong kakatapos ko lang at tumunog na rin ang doorbell, senyales na nasa labas na nga si Daniel.

Binuksan ko na ang pinto. Nagpaalam na ako bago ako lumabas kaya wala nang problema 'yon.

Tumambad sa akin ang napaka gwapong mukha ni Daniel. Well, gwapo naman siya, hindi ko maipagkakaila 'yon. Pero mas lalo ata siyang gumwapo dahil naka ayos ang buhok niya. Naka white shirt lang siya sa loob ng kanyang light washed maong jacket, black jeans at rubber shoes. Ang lakas na ng dating niya kahit ganyan lang ang ayos.

Ang mga berde niyang mga mata ay nakatingin lamang sa akin ng buksan ko ang pinto.

I smiled at him, "Hello."

"You look gorgeous," nilahad niya ang kamay niya at tinanggap ko naman 'yon.

Nakita 'kong may dala siyang motor. Nang binigyan niya ako ng helmet, agad ko rin namang sinuot 'yon.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta dahil hindi ko naman alam kung anong plano niya. Habang naka angkas sa kanya, tinali ko ang buhok ko dahil natatangay na nga ng hangin. Magpapagupit na ako ng buhok bukas na bukas.

Hindi nag tagal ay tumigil na rin kami, hindi ko masyadong napansin no'ng una dahil masyado 'kong iniisip ang buhok ko.

Namangha ako no'ng napagtanto ko kung nasaan kami! Nasa fifth avenue kami! The most famous shopping street!

"I don't have money though, so is it okay for us to just window shop?" natawa naman ako sa pagiging honest niya.

"It's fine," sagot ko naman sa kanya. Hindi ko naman kailangan ng ibang tao para bayaran ang kung anong gusto kong bilhin. At saka, I have my allowance, kumikita rin kaya ako, duh? Mafia.

Nag ikot ikot lang naman kami do'n. May binili rin akong mga damit at pasalubong na rin para sa mga kaibigan ko. No'ng una ay gusto niya pa'ng siya ang mag bayad, pero sinabi ko na ako na at mukhang na bunutan siya ng tinik. Nakita niya kasing marami akong pinamili.

Hindi nag tagal, umalis na rin kami. Halos naikot na nga namin ang buong Fifth Avenue eh. Nag usap usap lang naman kami, nag tawanan. Hindi naman kasi mahirap pakisamahan si Daniel dahil pala-usap at pala biro rin siya.

Ngayon ay nandito kami sa Central Park.

"I brought you here because I am thankful to this place as it brought us together," sabi niya sa kalagitnaan ng paglalakad namin. Iniwan ko ang mga gamit ko sa motor niya.

"I'm also grateful you became my friend, Daniel."

Napangiti naman siya sa sinabi ko.

"Kazumi, can I court you?" deretsong sabi niya sa akin, kung kumakain siguro ako, nabulunan na ako.

"Come again?" hindi makapaniwalang tanong ko ulit.

I mean, wala namang problema kay Daniel eh, pero parang kuya ko na rin kasi siya eh. Hanggang do'n lang. Hindi naman ako tanga para itanggi na may nararamdaman ako kay Lucas sa sarili ko.

"I want to court you," pag-uulit niya.

"Daniel, you know we're only here for a mean time," sagot ko sa tanong niya. Hindi ako marunong mag-reject ng mga tao, lalo na't kaibigan ko pa!

"Yes I know that, but you have a house here. I'm sure you'll be back. Also, I can handle long distance relationship," sabi niya, puno ng pag asa ang kulay berde niyang mga mata.

Ayaw ko man siyang masaktan, pero alam 'kong hindi ako ang babae para sa kanya. My heart will only be with Lucas, wala akong ibang maisip na mamahalin ko ng ganito.

"I'm sorry, Daniel. You're my friend and I want us to remain as that. You will find someone great but that is not me. You're a great person, I'm just not the one for you." I looked him straight in the eye, para naman alam niya na sincere ako sa pinagsasasabi ko.

Napabuntong hininga naman siya at pinilit na ngumiti.

"I guess so. Well I can't force you though, and I respect you so friends then."

Pagkatapos no'n, nag usap na kami ulit na parang walang nangyaring kakaiba.

"Let's go to a salon!" pilit ko kay Elle at Anne. Tinatamad daw silang umalis ng bahay eh.

"Please?" pagmamakaawa ko. Tinignan naman ako ni Anne na parang naaawa na siya sa akin tapos ay bumuntong hininga at tumayo galing sa pagkakaupo sa sofa.

"Fine, gusto ko rin naman magpagupit."

Tumalon talon ako sa aking narinig. Wala nang nagawa si Elle at pumayag na rin.

Aalis na kami sa makalawa and I'm not sure when we'll be back here. Ang alam ko lang ay babalik kami dito as soon as possible.

Nagpaalam na rin ako kay Daniel na malapit na ang alis namin dahil hindi ko naman alam kung kailan kami mag kikita ulit eh.

Naging masaya naman ang buhay namin sa NYC pero syempre, may studies din kami. Siguro naman ay nag give up na rin 'yong may galit sa akin 'no? Hindi na kasi ako ginulo.

For once, I felt so relaxed. Hindi ko kasi kailangang mag alala rito dahil sa tingin ko wala namang magtatangka sa amin dito dahil wala kami masyadong kilala.

Nasa NAIA na kami ngayon at palabas na.

Nagulat ako dahil andito pala sina Cleo! Agad namin silang sinalubong ng yakap.

Pero mas nagulat ako ng makita ko kung sino ang nasa likod nila.

"Lucas?"

Continue Reading

You'll Also Like

191M 4.5M 100
[COMPLETE][EDITING] Ace Hernandez, the Mafia King, known as the Devil. Sofia Diaz, known as an angel. The two are arranged to be married, forced by...
299K 7.4K 107
In which Delphi Reynolds, daughter of Ryan Reynolds, decides to start acting again. ACHEIVEMENTS: #2- Walker (1000+ stories) #1- Scobell (53 stories)...
380 57 21
The actions from the past will greatly affect the future. It is inevitable. Can they endure the consequences of such actions? Can a child face such...
28.8M 914K 49
[BOOK ONE] [Completed] [Voted #1 Best Action Story in the 2019 Fiction Awards] Liam Luciano is one of the most feared men in all the world. At the yo...