To Love Again [TSCM series 2]

Per SiL3NtSnOw

152K 2.9K 221

Arwill Andre Alvarez Més

The Student Council Members [series 2]
To Love Again - cHappy one
To Love Again - cHappy two
To Love Again - cHappy three
To Love Again - cHappy four
To Love Again - cHappy five
To Love Again - cHappy six
To Love Again - cHappy seven.point.one
To Love Again - cHappy seven.point.two
To Love Again - cHappy eight
To Love Again - cHappy nine
To Love Again - cHappy ten
To Love Again - cHappy eleven
To Love Again - cHappy twelve.point.one
To Love Again - cHappy twelve.point.two
To Love Again - cHappy thirteen
To Love Again - cHappy fourteen
To Love Again - cHappy fifteen.point.one
To Love Again - cHappy fifteen.point.two
To Love Again - chappy fifteen.point.three
To Love Again - cHappy sixteen
To Love Again - cHappy seventeen
To Love Again - cHappy eighteen.point.one
To Love Again - cHappy eighteen.point.two
To Love Again - cHappy nineteen
To Love Again - cHappy twenty
To Love Again -- cHappy twenty-one
To Love Again - cHappy twenty-two
To Love Again - cHappy twenty-three.point.one
To Love Again - cHappy twenty-three.point.two
To Love Again - cHappy twenty-four
To Love Again - cHappy twenty-five
To Love Again - cHappy twenty-six
To Love Again - cHappy twenty-seven.point.one
To Love Again - cHappy twenty-seven.point.two
To Love Again - cHappy twenty-seven.point.three
To Love Again - cHappy twenty-eight
To Love Again - cHappy twenty-nine
To Love Again - cHappy thirty
To Love Again - cHappy thirty-one
To Love Again - cHappy thirty-two
To Love Again - cHappy thirty-three
To Love Again - cHappy thirty-five
Epilogue

To Love Again - cHappy thirty-four

3.1K 54 9
Per SiL3NtSnOw

To Love Again – cHappy thirty-four

 

LAUREN's pov

"Good Morning." Said a husky voice beside me. I smiled automatically as he pulled me closer into his arms. "Rise and shine."

"Arf!"

"Rise and shine ka jan eh nakayakap ka pa nga." Tiningala ko siya at nakitang nakapikit pa rin ang mga mata. "A."

"Hmm..."

Haynaku. Bumangon ako at umalis sa tabi niya. But before that, I give him a kiss and then went out with L trailing me behind.

I did my morning ritual before going to the kitchen to prepare our 'last' breakfast together. Naglabas ako sa ref ng tatlong itlog, ham, bacon, hotdog, and vegetables in case na magsalad siya. Hindi ko alam kung anong gusto niya eh haha. Akyatin ko nga muna.

"Uy." I said. Hirap na naman gisingin nito. "Arwill." Yinugyog ko siya.

"Hmm..."

"Anong gusto mo?" nanatiling nakapikit ang mga mata niya. "Magluluto ako ng breakfast. Ano?"

Hindi siya sumagot at binaon pa lalo ang ulo sa unan. And sarap lang sabunutan. Umikot ako sa kama niya at binuksan ang blinds ng bintana niyang floor-to-ceiling. He groaned at the sunlight and I chuckled.

"D.mmit."

"Anong kakainin mo?"

Nagtalukbong siya ng comforter. Parang bata talaga 'to. "Bilis na. Aalis na ko tapos ganyan ka pa."

Hindi siya gumalaw. Lumapit ako sa kama at hinugot 'yung comforter pababa. Tulog pa rin ang mokong. "Ano? Gusto mo na kong umalis? 'Di na ko magluluto?"

He groaned. I chuckled lightly. Ayaw niyang ginaganun ko siya.

"Kahit ano." Ni hindi niya maibuka 'yung bibig niya. "Basta ikaw, kahit ano."

I smiled. "Ok, A. Pagbalik ko gising ka na dapat ah."

"Hmmm..."

Pasaway talaga 'tong 'taong 'to. Dahil huli naman na 'to, niluto ko na lahat hahaha. 'Yung iba, pack lunch para hindi na siya bumili pa ng makakain niya mamaya sa work. Pagkatapos kong magluto, umakyat na ko sa kwarto ko. Naligo, nagbihis, at nag-ayos ng gamit. Nag-pack naman na ko kagabi pa kaya wala ng problema. Binaba ko muna lahat ng gamit ko bago ko katukin si Arwill.

Akala ko tulog pa, nung marinig ko 'yung, "Come in.", aba, himala.

"Let's eat."

Naka-pantalon na at wala pang pang-itaas ng mabungaran ko. He's drying his hair with his towel at hindi pa man kami kumakain, busog na ko sa anim na pandesal na nakikita ko.

"Eyes up here, L." I flinched and looked at him smirking. E'di nahuli! Hindi ko naman ide-deny eh!

"Eherm!... Kain na tayo."

"Hindi ka pa ba busog?" nang-aakit niyang sabi.

"Busog na busog na 'yung mata ko pero 'yung tiyan ko hindi pa."

He laughed at me before wearing his gray shirt. "Sabi ko nga po." He grabbed his jacket and proceed walking to me.

Inakbayan niya ko habang pababa kami. Sunod ng sunod 'yung dalawang aso samin.

"Wow, may fiesta." Sabi niya nang nasa kitchen na kami. Siniko ko siya at tumawa lang siya.

"Ayan kasi ang version ko ng 'kahit ano'."

"And I love it." He winked at me. Bago kumain nilagyan niya muna ng dog food 'yung bowl nina L at N bago umupo sa tabi ko.

"We'll go to the hospital para ma-check 'yung kalagayan mo. Hinihintay ka ni Tita Van d'on."


"Sure." He said while indulging his food. Ang gana niyang kumain na parang titigan mo lang siya, busog ka na. "By the way, how'd you know each other?"

"Ah, nakilala ko siya nung—" na-rape ako, idudugtong ko sana kaso naalala kong hindi niya pa nga pala alam at ayaw ko rin naman na malaman niya. Para saan pa, 'di ba? Wala na rin naman. "—kinailangan ko ng tulong. She's more than willing to help me naman. Lalo na si Lola Theresa. Said she'll make me her heiress."

Pinunasan niya 'yung gilid ng labi ko. His eyes spoke of understanding and I smiled. "I'm glad they found you. How's Nikko?"

"He will became a surgeon anytime soon. Pangarap niya na 'yun noon pa man."

"Cool." Wala na siyang ibang sinabi pa pagkatapos. Nagpapasalamat ako at hindi niya na tinanong kung anong nangyari noon. Baka kung saan pa mapunta at back to square one na naman kami.

"Let's go. 'Yung maid na ang bahala d'yan." Tumango ako at iniwan 'yung lamesa. Umakyat ako ulit para magtoothbrush at magretouch ulit. Balik na din ako sa trabaho sa ospital.

Hinintay kong bumaba si Arwill. In-admire ko muna kung gaano kaganda ang condo niya. Mamimiss ko 'to, sobra. Three weeks din 'yun. Haay.

"Ready?" he said. Tumango ako. "I want you to bring N with you."

Nagtatakang tinignan ko siya. Lumuhod siya at nilagyan ng collar si N. "Take her. Sa'yo na siya."

"R-really?" kumahol-kahol si L sa tabi ko habang kinukuha ko si N kay Arwill.

"Yeah, plano ko talagang ibigay siya sa'yo." Sinuot niya 'yung suit jacket niya.

"Thank you." I said to him.

"Alright, tara na." kinuha niya 'yung dalawang bags ko at umalis na kami ng condo niya.

____________

"Uy, ganda mo ah. Kamusta naman ang tatlong linggo kasama ang gwapong-gwapong Papa?" tanong agad sakin ni Liza nang magkita-kita kami sa locker.

"Tama ba 'yung sabi-sabi? Na magaling daw 'yun sa kama?"

"Mea! Ang bibig mo!" natatawa kong sabi. Mga baliw 'tong mga 'to. "Ewan ko sa inyo."

Iiling-iling lang na tinignan ako ni Liza. "Ay, wala 'to. Si Darren pa rin."

"Hanubayan! Napaka-loyal mo naman." Dugtong ni Liza. "Sana ako na lang in-assign, nag-enjoy pa ko sa piling ni Papa Triple A!"

"Tama na nga 'yan. Nababaliw na naman kayo. Hala, sige! Trabaho na!"

They groaned in unison before leaving me here. Inayos ko lang 'yung mga gamit ko at nagsuot ng uniform. Tapos tinignan ko 'yung schedule ko ngayon. Makakauwi pa ko sa bahay mamayang gabi. I miss my family. Haay.

Pero mas mamimiss ko 'tong tumatawag sakin ngayon. "Hello?"

<"Nandito ko sa baba.">

"Ok. Puntahan kita jan."

Binabaan ko siya at pumunta ko sa baba. Baba as in sa may mini park sa likod ng ospital. Nakita ko siyang nakatayo at nilalaro si N.

Pinatatag ko 'yung sarili ko. Kaya mo 'to, Lau. You just have to say 'Sorry', 'Thank you', and 'Goodbye'.

Sh.t. Naglalakad pa lang ako, naiiyak na ko. Parang ang hirap itapon ng ganun-ganun na lang 'yung nangyari nitong mga nakaraang araw. In just a split of time, mahal ko na ulit siya. Well, I don't know to him. Pero considering the fact na wala siyang girlfriend at sobrang intimate naming sa isa't-isa, I guess pareho lang kami ng nararamdaman. Tatalikod na sana ko kaso nakita niya na ko. No choice, humakbang na ako papunta sakanya.

He smiled. Sadly. "Ok na daw. Once a week ang check up ko sakanya hanggang sa gumaling ako ng tuluyan."

"T-that's good. 'Buti naman."

Sandaling katahimikan...

"So... yeah! This is a goodbye then."

Huminga ko ng malalim at kinagat ang labi. Ayoko ngang umiyak. Asar naman eh. "Yep."

"Mag-iingat ka, Lauren." His face soften at the mention of my name.

Tumango ako. Not meeting his eyes. "Ikaw din."

"Alagaan mo sarili mo." God! I will miss his voice!

"Yeah." I whisper.

"And... thank you. For the wonderful three weeks."

"Sure." Yumuko ako. Ok, stop. Stop, crying like a baby, Lau!

Tumalikod ako sakanya. "Be happy, Arwill."

"I will."

Nanginginig na 'yung boses ko. "You deserve to be happy." You deserve all the love a man can get.

"You, too."

"Maraming salamat. Best three weeks of my life."

"Yeah."

"I'll be going." Itinaas ko 'yung kamay ko kumaway ng nakatalikod sakanya. "Bye." I whisper and ran inside the hospital. N is trailing behind me.

Iyak lang ako ng iyak hanggang sa wala na kong maiiyak.

And that people, is how you say goodbye to your ex-boyfriend. For ever.

____________

"Welcome back, Lauren!" sabay-sabay na sigaw nina Lola Theresa, Tita Van, Vernice at Nikko. May kasama pang confetti.


I laughed. "May ganito talaga? Anyway, thank you guys!" isa-isa ko silang hinalikan. Nakakamiss sila, grabe.

"Hanep, tumaba ka." Komento ni Nikko. Naasar na binato ko lang siya ng lalagyanan ng confetti. "Letse ka!"

"Inaraw-araw ka ba ni Arwill dun?" said Vernice. I shrieked.

"Vernice!!!" tili ko sakanya. Dire-diretso talaga bibig nitong babaeng 'to!

"Kidding! Kidding!" tumatawa niyang sabi.

"So, three weeks is not enough?" nangangantyaw na sabi ni Lola Theresa. Konti na lang, umay na ko sa three weeks na yan.

"'La, panalo ka pala!" hindi makapaniwalang sabi ni Tita Van.

"Sabi sa'yo eh."

I rolled my eyes sa pustahan nila. Haynakooooo~ "I'm gonna rest na."

Hinayaan naman nila ko. Umakyat na ko sa kwarto ko na three-times ang laki nung nagdo-dorm pa ko. As I've said, mayaman si Lola Theresa at walang mapaglagyan ang kayamanan niya. Naibigay na niya ang kalahati ng ari-arian niya sa isang anak niya. 'Yung kalahati naman habang nabubuhay pa siya ay gagamitin niya. I refused to be her heiress. Ang totoo kasi niyan, gusto niya lang ng may makakasama habang nabubuhay pa siya since may pamilya na noon ang anak niya. Parang nangungulila siya sa atensyon. I understand at 'yun nga ginawa ko. Inalagaan ko siya at tinuring na ina. She likes me a lot. At alam niya 'yung pagpapakasal ko kay Darren. Hindi rin naman siya tumutol kasi nanjan pa si Nikko na balak yatang tumanda ng walang asawa.

I sighed as I laid on my bed. Dinidilaan ni N 'yung paa ko. Pagod na ko pero ayaw pang makisama ng utak ko. I terribly miss him.

Nagring 'yung telepono sa gilid ko. Tumayo ako at sinagot 'yun. "Hello? Lauren, speaking."

<"Hi.">

"Hey, Darren." Bakit parang pagod 'yung boses nito? "Kagagaling mo lang ng OR?"

<"No. *sigh* Can we skip the vacation?">

Oo nga pala. Nawala sa loob ko. Well, parang hindi ko rin naman ma-eenjoy eh. Kaso lang bakit parang blurred 'yung boses niya? "Okaaaay? What's wrong?"

Matagal bago hindi siya nakasagot. Problema yata. Parang alam ko na. <"Nalaman kong dadating na siya next week.">

"Oh." Tanging sagot ko.

<"He said, hindi raw siya naniniwala na magpapakasal na ko. I-I want to prove to him that he's wrong. Gusto kong ipamukha sakanya na mali siya. Na maling-mali siya sa desisyon niyang takbuhan ako noong araw na 'yun. D.mn, Lauren. Ang sakit pa rin.">

Napatakip ako sa bibig ko at ramdam na ramdam ko ang sakit na nararamdaman niya.

"What if he still loves you? What if pupuntahan ka niya para hindi matuloy ang kasal natin?"

<"Aasa na naman ba ko, Lau? Alam mo bang ang pinakamasakit na maramdaman niya ay ang ipagpalit ko siya sa isang babae? He f.cking deserve it! He lost me when he left me at the altar that day!"> I cringed when his voice got louder.

I sighed at the other line. Yes, bi si Darren. Hindi talaga halata kasi hindi niya naman ipinapakita. And no, hindi niya ko ginagamit na pang-font. Wala naman siyang pakielam kahit malaman ng iba na ganun siya.

Nakilala ko si Darren nung nasa Canada pa ko. I was studying and he was an exchange student back then. Saksi ako sa makapagbagbag-damdaming lovestory nila ng boyfriend niya. He's a Canadian and very gwapo. Hindi rin mahahalata na bi. Legal sila on both sides at 'yun ang nakapagpa-shock sakin. I mean, iilang tao na lang sa mundo ang tanggap ang mga katulad nilang uri. So ayun nga, nung ikakasal na sila bigla na lang nawala 'yung lalaki. Said he was scared and didn't know if their relationship would work out. Bullshit 'diba? Kaya sobrang sakit sa part ni Darren.

About the favor. Muntik na kong magpakamatay sa kalasingan noon at si Darren ang naging savior ko so I owed him a lot. And that is why pumayag akong magpakasal kami. Panahon pa 'yun kung saan iniiyakan ko si Arwill. Nagpakadesperada na ko kaya natipuhan kong magpakamatay. Parang tanga lang, oo. Nagsisisi tuloy ako, haay.

"Calm down, Darren. Ok, what do you want me to do? Gusto mo bang puntahan kita jan ngayon?" nag-aalala kong tanong sakanila. Baka ito naman ang magpakamatay. 'Wag naman.

He cleared his throat. <"It's ok. Thanks. We'll fit some gowns for you tomorrow. I'll pick you up at 9am.">

"Sounds good."

He sighed. <"I love you. You are the greatest friend I ever have and I'm sorry for ruining your happily ever after with that hot shot.">

I chuckled. "Sira ka. I would never break a promise. Sige na, matulog ka na. Tama na 'yang inom-inom." He groaned. Sabi na nga ba eh. "I love you, too ok? Mwaaaaaah!"

Tumawa siya. <"Cute. Goodnight.">

I sighed as I put the phone back and laid again. N is barking at me like a mad man. "Nagagalit ka? 'Wag ka mag-alala, mas mahal ko naman 'yung amo." Binuhat ko siya at nilagay sa kama. "Let's sleep, N. Goodnight."

Nagsumiksik siya sa tiyan ko bago kami natulog. Pagkatapos nun, wala na kong matinong tulog hanggang sa dumating ang araw ng kasal ko.

____________

#Wedding Day

Gold ang theme ng kasal namin ni Darren. My gown is an A-line chiffon dress, having a neck line of semi-sheer. It flows all the way down with a light gold color. It looked so good though wala masyadong design. He prefers it simple yet elegant. Kung gastos lang din naman ang tatanungin, wala kong masabi dahil mayaman din naman ang pamilya niya. His parents we're so kind to me. They're happy to see their son getting married with a woman though hindi rin naman sila against noon sa ex ni Darren. All I'm saying is, kung anong ikasasaya niya, go lang ang pamilya niya. Such a spoiled man.

"Hindi naman talaga ko pupunta! Kung 'di lang dahil..." tinignan ako ng mariin ni Mira at pagkatapos ay umiyak. "Bakit ka nagpakasal kaagad! Bestfreng, mali 'to! Maling-mali!"

Ngumiti ako sakanya at sinulyapan si Jhay na mataman lang nakatingin sakin. He looked away. Silang dalawa lang ang nasa kwarto ko kung saan ilang minuto na lang tatawagin na ko para sa seremonya. Sila ang huling bisita ko bago ko tumuntong sa altar.

"Mira, 'yung make-up mo."

"Heh! Wala kong pakielam! Naiinis ako sa'yo!"

Natatawa na lang ako sa itsura niya pero mukhang ayaw niya talagang paawat sa panenermon sakin. "Isang linggo lang tayong hindi nagkita, ikakasal ka na?! What the f.ck was that all about!"

"Language, babe."

"Isa ka pa! 'Wag mo kong mababe-babe jan Jhay ganitong inis na inis ako!" pinunasan niya 'yung luha niya. "Nababaliw ka na. Andun na 'yung chance mo, pinalampas mo pa. Lauren, pwede ka pang magback out. Sabihin mo lang, itatakbo ka namin."

Umiling lang ako. "Sorry for not telling you that I'm getting married. Si Darren kasi, gusto niya na talaga. And given the fact that he have the money, hindi imposibleng magagawa 'yun ng isang linggo lang."

"F.cking rich bastard."

Jhay sighed as he run his hand at his disheveled hair. "Mabuti na lang at wala dito ang baby ko." He muttered.

"I don't care. This marriage is sh.t."

I sighed. "Mira, I'm really sorry. I—"

Biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang babae. "It's time, Ma'am."

Nagkatinginan kami ni Mira. Matagal. Until she sighed and hugged me. I nearly cried. "Ikaw talaga. Lagi na lang kapakanan ng iba ang iniisip. This is the last time na papayagan kitang gawin 'to sa sarili mo. Tignan mo, sirang-sira ka na. Kitang-kita sa lalim ng eyebags mo."

"I know." I whispered to her. "Bestfriend talaga kita." I chuckled and kiss her. "Just be happy for me."

"Sure."

"Jhay." I hugged him.

"You'll be happy. Trust me."

Kung ano mang ibig sabihin niya dun, hindi ko na alam. Parang ang vague na ng salitang 'happy' sakin.

I can hear the wedding song as it played by a well-known singer. Isa-isang nawala ang mga tao sa labas ng simbahan hanggang sa ako na lang ang tao.

"Ready?" tanong sakin ng coordinator na nakahawak sa pinto ng simbahan.

Tumango ako. "Thank you." She smiled at me and the door creaked open as the music became louder in my ears. Hindi ako kinakabahan, hindi rin ako naiiyak. Wala. Manhid na.

As I'm walking alone, I noticed that Darren is fidgeting to where he stand. Hindi siya mapakali. Panay ang linga niya sa kung saan-saan. Wala sakin ang atensyon. Para ngang hindi niya napansin na naglalakad na ko. Napahinto ako ng hugutin niya ang cellphone niya mula sa bulsa. Hinawakan niya 'yun ng mahigpit na parang 'yun ang buhay niya at napatingin sakin. Walang sabi-sabing umalis siya sa pwesto niya at rinig na rinig ko ang singhapan ng mga tao sa paligid. May isang taong pipigilan na sana siya pero maagap si Jhay at hinawakan ito.

"Lauren."

I looked at him and he looked in pain. "I'm sorry."

Just like that and he left me.

Dumbfounded.


Continua llegint

You'll Also Like

Jersey Number Nine Per em

Literatura romàntica

147K 8.3K 23
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
800K 9K 19
[Currently Revising] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
450K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
102K 1.7K 62
Cassandra Marie Fernandez, the name of the most intimidating woman in the campus. There are so many adjectives that people used to describe her, som...