Maxwell feel be like
Ramdam ko na ang pagbabago,
Lungkot na nadarama ay 'di maitago,
Ramdam ko wala ka na talaga,
Ang nag-iisa kong pahinga.
Ngayon nangungulila ako,
Dalangin balikan mo pa ko,
Alam ko na tila imposible,
Masyado kong nakampante.
Nakampante na 'di ka magbabago,
Ito ang unang beses na nabigo,
'Di na makukumpleto ang aking araw,
Dahil simula ngayon 'di ka man lang matatanaw.
Ramdam ko na ang gabing malamig,
Na dati pinag-iinit ng iyong mga bisig,
Ramdam ko na ang pag-iisa,
Ngayon wala ka na aking Marchessa.