Chapter 62

257 7 0
                                    

Yaz feel be like

Oras na nagugutom ako,
Si Maxwell nandito sa kusina kasama ko
Ako ay pinagluluto n'ya,
Paella ang gusto ko sabi ko sa kanya.

Sinangag din ay aking gusto,
Pinagmamasdan ko s'ya habang nagluluto,
Hanggang ako ay nakatulog na pala,
At ako ay ginising n'ya, nainis ako bigla.

Natapos na pala s'ya magluto,
At nang tikman ko ay aking gusto gusto,
Kumain din s'ya sabi ko sa kanya,
Antok na antok na raw s'ya.

Pero ako ay hindi n'ya natiis,
Hindi n'ya magawa gusto ko kaya ako'y nainis,
Nawalan na ko nang gana kumain,
Si Maxrill ay dumating s'ya kumain ng nakahain.

Pinagmamasdan ko sila,
Hanggang sa mainis ako sa kanila,
Umiral ang kanilang kawirduhan,
Na silang dalawa lang nagkakaintindihan.

Si Maxrill ang naghugas ng pinagkainan namin,
Nagsesepilyo kami ni Maxwell nang sabihin ko gusto kong kainin,
Huwag muna raw ako kumain ng marami dahil tiyan ko mahahalata,
Alam ko raw na bawal kaya naman tipid na lang ako nagsalita.

Nakahiga na kami umiral na naman kanyang kapilyuhan,
Habang natutulog s'ya pinagmamasdan ko s'ya na may kasiyahan,
Hindi ako makapaniwala na ikakasal na ko sa kanya,
Samantalang dati ay pinapangarap ko lang s'ya.

Bago kami umalis dumating aming kaibigan at pamilya,
Si Chairman Enrile ako ay kinausap n'ya,
Ako ay kanyang pinayuhan,
At naikuwento mga kanyang pinagsisisihan.

Dumating ang araw nang kasal namin,
Lahat sila ay bumabati sa amin,
Nababasa ko sa mga kababaihan ang saya at inggit,
Kay Maxwell ang hawak ko ay mahigpit.

Bulong n'ya sa akin, sila'y sa akin nagagandahan,
Lengguwahe nila ay hindi ko naiintindihan,
Hanggang sa akin s'ya ay nagpaalam muna,
Dahil kailangan namin maghanda na.

Kasama ko sina Tita Maze at Maxpein,
Sila ang nagbihis sa akin,
Sa aking susuotin namangha ako,
Si Maxwell nag disenyo at gustong gusto ko.

Lahat ng kulay pink ay naroon,
Kailan n'ya ito plinano napaisip ako dahil doon,
Walang paglagyan aking kasiyahan,
Kulay pink ang sumaboy na paputok sa kalangitan.

Ang pagdating ni Maxwell ay hinihintay namin,
Pumasok na kami, sa pagtuturo ko sinaway niMaxpein
Hanggang sa nagsimula na ang seremonya,
Si Maxwell sa kakulitan ko ay napapapikit  na s'ya.

Sa aming kasal wala man ako naintindihan,
Makasal sa kanya labis na aking kasiyahan,
Sa disenyo ng aming singsing ay natawa ako,
Isinuot namin sa isat isa, ngayon ay ganap na Moon na ko.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Where stories live. Discover now