LIHIM

157 5 0
                                    

Maxrill feel be like

Ikaw ay matagal ko nang lihim na tinatangi,
Nasasaktan pag may luhang dumadaloy sa 'yong pisngi,
Batid kong hindi mo alam aking nararamdaman,
Ngayon ay nais ko na ito'y iyong malaman.

Kung paaasahin ka lang din naman n'ya,
Kung parati ka lang din lumuluha dahil sa kanya,
Narito ako para sa 'yo luha mo aking papahiran,
Kahit ano'ng mangyari ay hindi kita tatalikuran.

Iyong mga labi ay bibigyan ko ng ngiti,
Kung nais mo haranahin kita parati,
Ipaparamdam ko na seryoso ako,
Dito sa nararamdaman ko.

Lumipas ang taon at marami nang nagbago,
Lihim kong pagtangi ay hindi ko na maitago,
Paniwalaan mo ang kilos ko at mga salita,
Sana hindi pa huli para buksan mo ang iyong mga mata.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Where stories live. Discover now