(LWL)

218 2 0
                                    

Yaz feel be like

Iba na pakikitungo n'ya sa akin,
Nagprisinta na ako'y ihahatid din,
Ako ay inimbita n'ya sa party n'ya,
Dahil aalis na pala s'ya.

Nagpahuli ako nang pagpunta,
Kaya napatingin sa akin ang mga bisita,
Hindi ko rin na inaasahan,
Na nandon ang aking mga kasamahan.

Gusto n'ya raw ay nakamaong,
At hindi nakatakong,
Iyon ang sabi sa akin,
Ng kapatid n'yang si Maxpein.

Si Maxrill ay binati rin ako,
Sana raw ay nagsabi ako para sinundo n'ya ko,
Sa pagsasayaw ako ay niyayaya,
Bigla naman ako hinapit sa beywang ng kanyang kuya.

Sa kanilang dalawa ako'y naguguluhan,
Ikinikilos nila ay aking pinagtatakhan,
Silang dalawa ba ay nagtatalo?
Ako raw ang premyo ng mananalo.

Ano ba itong aking nararamdaman,
Isip ko ba silang pareho na ang nilalaman?
Hindi ko maipaliwanag ang pagbabago,
Ni Maxrill lalo na ng kanyang pakikitungo.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Where stories live. Discover now