LOVE WITHOUT LIMITS

278 12 0
                                    


Ito na ang eksenang pinakahihintay,
Ang linyahan n'yang pamatay,
Ipapaalala na s'ya ang panganay,
Dugong angking handang bigyang patunay.

Pinakamahina sino ang tinutukoy nila,
Heto na ang patunay na nagkakamali sila,
Mga mata n'ya pasimpleng gumagala,
Magugulat ka masisipa ka na pala.

Angkan na pinanggalingan 'wag hamunin,
Baka ipanalangin  mo na lang ika'y kunin,
'Wag kang maingay at papansin,
Dahil ikaw ay walang kimi n'yang tatapusin.

Humanda ka nang magtago,
Hanggat isip n'ya kaya pang magbago,
Huwag kalimutan pinagmulan ng kanyang dugo,
Kahit na ikaw pa ang pinakamahusay na rango.

Dedicated Poems For Love Without Limits by: Maxinejiji Where stories live. Discover now